"Marami ka pa bang tatapusin?" Tanong ni Niko habang naglalakad sila pabalik sa office
"Medyo"
"Mga hangang oras kapa?" tanong ulit nito sa kanya
"Mga 10 siguro, kaw? Di kapa uuwi?. Balik tanong nya
" May dala kang kotse? "Tanong nito uli. Hindi man lang sinagot ang tanong nya
" Meron, pero magtataxi lang ako"
"Bakit?" tanong ulit nito
"Pagod na akong mag drive" sagot naman nya dito.
"Ok, ill drive you home. Bukas pa available ang kotse ko kaya pahiram nalang ng kotse mo."Nakangisi nitong sabi sabay pinagbuksan sya nito ng pinto sa office building nila.
Tinaasan nya ito ng kilay. Pero ngiting ngiti parin ito hangang sa elevator.
Tahimik lang sila sa elevator. Pero ramdam nya ang titig nito sa kanya
" I will lend you my car, pero mauna ka nang umuwi.kunin ko lang ang susi " Sabi nya dito ng makalabas sila ng elevator at naglakad na sya papunta ng office nya.
Nakasunod lang si Niko sa kanya.
"Bawal manglait ng kotse" paalala nya dito sabay abot ng susi. Her car was a hyundai eon blue,hindi ito magara at maliit lang.
"huh? Nakikihiram nga lang ako, tapos manglalait?" tinangap nito ang susi at umupo ulit sa visitor chair nya.
"Anong ginagawa mo?." tanong nya dito ng makita nyang sinubsob nito ang ulo sa naka cross na kamay sa mesa nya. Ganyan na ganyan palagi ang position nito sa library nong nag aaral pa sila.
"iidlip" sagot nito na hindi man lang itinaas ang ulo
"umuwi kana, disturbo ka eh." pangbubugaw nya dito.
"Disturbo? eh wala naman akong ginagawa ah." depensa nito, slightly raising his head para tingnan sya.
"Bahala ka jan." Inis na sabi nya. His presence alone is a disturbance. Di ba alam nito na ngkakagulo lahat ng cells nya sa katawan pagmalapit ito sa kanya?.
Ano bang magagawa nya if ayaw pa nitong umuwi. Boss nya ito at ang pamilya nito ang major stockholder ng companya. Binalik nalang ang attention nya sa trabaho. After more than an hour, marami narin syang natapos. Buong araw kasi sya with the auditor , kaya naiwan ang day to day nya na trabaho.
Tumingin sya kay Niko at para atang nakatulog talaga ito. Nag aadjust pa cguro ito sa time difference.
"Niko" tawag nya dito sabay tapik sa braso nito.
Nag angat naman ito ng mukha at halatang nakatulog nga ito. "tapos ka na?" tanong nito sa kanya.
"Yup, magliligpit lang at aalis na" sagot nya dito.
Tumayo na ito sabay sabi. "I will take my things, antayin kita sa elevator" sabi nito at umalis na. Mas malapit kasi ang office nito sa elevator compared sa office nya na nasa dulo pa.
Nakita na nya agad si Niko nakatayo malapit sa elevator ng makalabas sya ng opisina nya. Sa tangkad kasi nito visible parin kahit maraming cubicle ang nakaharang.
"Anong height mo?" tanong nya dito ngmakalapit sya.
"6 1" sagot nito sabay kuha ng laptop bag na hawak nya. Nagkadikit sandali ang balat nila, kaya binawi nya agad ang kamay at naghalungat sya kunwari sa bag nya.
"Anong hinahanap mo? I have your key" pinakita nito ang susi na hawak.
"just checking if may naiwan" palusot nya
Pagdating nila sa parking, kotse nalang nya ang naiwan don. Past 9 narin kaya she dont need to tell Niko, saan ang kotse nya.
Mabilis itong humakbang at pinagbuksan sya ng pinto sa passenger seat. Pagkatapos nilagay nito ang mga laptop bags na bitbit sa back seat bago ito umikot sa driver side.
"cute naman ng kotse mo" Nakangisi ito habang may kinakapa sa gilid ng seat. "Paano paatrasin ang seat?" tanong nito sa kanya.
"Sabi ng wag laitin eh" sagot nya dito. At wala sa loob nyang yumuko at inabot nya ang button sa ilalim ng seat nito para umatras.
Huli na ng marealized nya na weird pala ang naging position nila. Her left hand ay nakatukod sa hita nito while her right hand ay nasapagitan ng legs nito habang inaabot nya ang button sa ilalim ng seat. At ang mukha nya ay nakaharap talaga sa p*********i nito.
Agad syang umayos ng upo after umatras ang seat nito. Ramdam talaga nyang pulang pula ang mukha nya.Kaya kinabit na nya ang seatbelt at nakaderitso lang ng tingin. After a while napansin nyang hindi pa umaandar ang kotse kaya siya lumingon dito.
Nakasandal ito sa upoan at nakangiting nakatingin sa kanya.
"What are you doing? Ano pang hinahantay mo?" mataray nyang sabi dito.
"Paki adjust uli ng seat. Masyadong pang malapit, haba kasi ng binti ko" Pilyong nakangiti ito.
Tiningan nya ito ng masama, at alam nyang pulang pula na ang mukha nya sa panunukso nito.
Tumawa ito at pinisil nito ang pisngi nya.
"Ako na ang mag a adjust wag ka ng pikon." Inayos na nito ang pagkaupo at saka ng start ito ng sasakyan.
"Saan ka pala nakatira?" tanong nito ng palabas na sila sa parking.
"Uptown, sa Villa Anna" sagot nya
"Good, nasa Pueblo Estates ako ng stay" sabi nito na naka ngiti.
Pareho pala silang sa uptown nakatira. From Villa Anna, may isa pang subdivision before the Pueblo estates. It will take 10 minutes lang ata ang travel distance. Kaya cguro nakangiti ito dahil hindi out of the way ang bahay nya.
"Iidlip lang ako ha?. Wake me up if malapit na tayo sa gate ng Villa Anna" It will still take 30 to 40 minutes travel from the office kahit wala ng traffic, so better na iidlip na sya kay sa pakiharapan ito after sa akward na situation nila earlier
"ok."Sagot nito.
Nagising si Leila ng papasok na sila sa uptown area. She check the time sa wrist watch nya, its almost an hour already when they left the office. Bakit papasok pa lang sila sa uptown? Tumingin sya kay Niko at nakita niyang seryoso itong ngmamaneho." Traffic pa ba sa City kanina?" tanong nya dito dahil ngtataka sya sa tinagal ng byahe nila.
Tumango lang ito at sa daan lang ito nakatingin. Tahimik lang sila hangang papasok na sila sa villa Anna. "Just go straight and take the right pagdating mo sa round about.Then take 2nd right and 1st left" Instruction niya dito.
"The green gate" sabi nya dito ng makita na nya ang bahay nila
Pagkahinto nila. Inabot nito sa back seat ang laptop bag nya. At ngtanong ng inabot ito sa kanya "What time kita susunduin bukas?"
"7 am" sagot nya habang tinangal ang seat belt nya
"wala bang magagalit if susunduin kita?"
"I'm living with my sister" indirect na sagot nya dito
"That's good, see you tom"
"Bye goodnyt" pamaalam nya dito bago sya bumaba sa kotse at pumasok na bahay nila.
Kinabukasan plano ni Leila umalis before 7 am. para di na sya abutan ni Niko. Nahihiya parin sya sa nagyari , so mas mabuting iwasan muna nya ito. Before 6:00 am bumangon na sya at naligo.
Nagblower ng buhok niya at nagbihis na. Before sya umalis, kinuha nya yong pagkaing iniwan ni Leah sa fridge. Babaunin nya nalang ito at sa office na sya mag almusal. She's a breakfast person kaya di completo ang araw nya if walang almusal.
6:40 palabas na sya ng bahay, tatawag na sana sya ng taxi ng makita niya ang kotse nya sa labas. She realized it's too late para iwasan ang binata.