Pagkatapos nilang kumain agad, nagyaya mga kaibigan nya mg night swimming. Dahil my monthly visit si kayla, ngpaiwan na ito sa cottage. After an hour, dahil nilalamig sya, nauna na sya bumalik sa cottage at nang makapagpalit na agad ng damit. Nang dumating sya sa cottage agad syang binulungan ni Kayla, "may cheesy akong chismis sayo".
"Pwede maya na? Palit lang ako ng damit at magdamag nating pag chismisan kun ano man yan" Nag thumbs up ito at iniwan na niya ito para pumunta sa common changing room. Naglakad lakad muna sya sa resort at nag sight seeing bago bumalik sa cottage nila.
Nangmakabalik na sya sa cottage, Nakita nyang nakabalik narin ang iba nyang mga kaibigan. Ang grupo nila ay nabibilangan lang ng mga babae at mga bading,except for Lyndon na syota ni Natalie.
May banig na nakalatag harap ng cottage nila at magkatabing nakahiga at ng star gazing si Kayla at Jenny. Si Patrick naman at John at nilalantakan ang mga pagkain sa may cottage. While si Marvin, Lyndon, Jack & Natalie ay nglalaro ng cards sa gilid ni Jenny. Sumingit sya sa gitna ni Kayla at Jenny "So ano na ang Chikka?" Tanong nya.Agad na bumangon si Kayla sa pagkahiga at ng ningning ang mga mata. Pinalapit niya kaming lahat sa nakalatag na banig.. Naka circle kaming at pinagkompol kompol ang mga ulo namin
Sinimulan nitong magkwento. "May big event na nangyari kanina sa katabing cottage." Feel na feel nitong nagkwento at may pa suspense pa itong nalalaman. "Kilala nyo si Crissy?"
"Sinong Crissy?" Sabay tanong ng mga bakla.
"Si Crissy, yong Miss Enginering sa Intramurals. Na girlfriend ni Niko ay x na pala" sagot ni Jenny, na una na pala itong nakwentuhan ni Kayla. "Ahh,...." Sabay tango lahat.
"So ito na nga ang kwento" pagpatuloy ni Kayla. "Dumating si Crissy kanina sa kabilang cottage at tumabi ito ky Niko. Syempre ako bilang mother of all Chismis, agad tumunog ang radar ko gurl.." Animated na pag kwekwento ni Kayla.
"Dami mo namang sigway!" reklamo ni John.
"Makinig ka nalang" saway ni Marvin
"Yon na nga, Nong tumabi si Crissy ky Niko, lumipat ng upoan si Niko. Nag iwas ky ate girl, kaya ayon, tinodo ko na ang antena ko sa pakikinig sa usapan." Animated parin ang pagkwewkento nito. "Sabi ni ate girl, wala naman akong sakit maliban sa heartbroken ah, bakit mo ako iniiwasan?. Hindi kumibo ang lalaki.Dineadma si Ate girl. Ang problema sayo di ka marunong tumingin ng pinagsamahan. Pagpatuloy ni ate girl."
"Memorized mo talaga?" naka ngiting commento ni Leila
"Shhhh.." saway ng lahat sa kanya at hinampas pa ni Natalie ang paa nya
“Sorry” sabay taas ng kamay nya para humingi ng dispensa
Agad lahat bumalik ang attention kay kayla "so, sinundan ni Crissy si Niko sa kabilang upuan.tumabi ito at yumakap dito." Sabay ni yakap ni Kayla si John para i rein-act ang kwento
"OH" sabay na sabay ang mga reaksyon nila.
"tinangal ni Niko ang mga kamay ni Crissy, sabay sabi. Wala ng tayo, so please lang, let me go." pagpatuloy ni Kayla sa Kwento
"ouch" comentaryo ni Jack, sabay OA na pinukpok ang dibdib nito. Nagtawanan sila at agad namang bumalik sa pag kumpol2 ng ulo nila para mapagpatuloy ang kwento.
"Why not keep me until mapasagot mo sya?, sabi ni Crissy" nagtaasan ang kilay ng magkakaibigan.
"So you mean to say? May bagong nililigawan si Niko?". Sabad ni Marvin.
"Abay, bago yan, ang alam ko lahat ng naging girlfriend ni Niko ang nanligaw sa kanya." angil ni John, kaklase kasi ni John si Niko sa ilang major subjects nito,. pareho silang engineering.
"Pwede ba, patapusin nyo muna ako?" suway ni Kayla at nagpatuloy sa pagkwento. "So sabi ni Niko, stop it Crissy. Sabi ni Crissy, i can be your f**k buddy for a while. Putcha talaga!"
Napasinghap ang mga magkakaibigan sa narinig.Nagtitinginan silang lahat. “Puta nga “ tumango tango pa ang mga bading at ngtatawanan
"Shhhhhhhh!” kinuha ulit ni Kayla ang attention nila. “Ito na nga, Marami pang dinaldal si Ate girl, pero di ko na namemorized.. Basta sabi nya. Bat ka ng tyatyaga jan sa crush mong manhid. Di ka nga tinataponan ng tingin eh. Maski makipagkilala di mo ata kaya. Torpe!. Tapos inis itong umalis. At jan ngtatapos ang kwento" nag bow pa si kayla sa kanila.
Tumatango tango ang mga magkakaibigan at bumalik sa mga ginagawa.parang pinaprocess sa mga utak nito ang information. Bumalik din sa paghiga si Kayla at Jenny. Tumabi narin si Leila sa dalawa at ng star gazing.
Tahimik silang lahat ng biglang nagtanong si Jenny. "The who kaya ang mistery snob girl natin?" tiningan sya ng lahat at sabay ngtawanan.
"Pero seriously, hindi lang pala si Leila ang di pumapansin ky Niko" tugon ni Kayla.
At biglang bumangon si Jenny at tinitigan si Leila. Lumingon din ang ibang kaibigan nya sa kanya.. At agad ng kumpulan ulit ang mga ito.
"Hindi kaya ang mistery snob girl natin ay ang baklang ito?" sabay nguso ni Patrick sa kanya
Sinipat sya ng mga kaibigan at sabay sabay ng sabi "May chance" sang ayon ng mga ito at ng high five pa ang mga ito.
Tiningnan nya ng masama ang mga ito. At naramdaman niyang namula sya dahil sa tinuran ng mga to.
"Hala ngblush ka friend" tukso na naman ng mga ito..
“Ok lang yan girl, bagay naman kayo “ sabat ni Kayla
“I nominate my beautiful and charming friend Leila Santillan to be the future girlfriend.“ Sabi naman ni Marvin sabay taas ng kamay nito “And those in favor. Please raise your hand “ ngtaasan naman ng mga kamay ang mga mokong at sabay ngtatawanan. Lalo tuloy namula ang mukha ni Leila
"Psst" saway ni Natalie sa mga ito sabay nguso sa kabilang cottage. Nakabalik na kasi ang mga taga kabilang cottage, baka marinig sila. Nag disburse uli sila at laking pasalamat ni Leila at natigil ang panunukso ng mga ito sa kanya.