Kabanata 3: Regain

5000 Words
****(POV Raphaela)****         Kasalukuyan akong nasa staff room at nirerebisa ang draft sample ng magiging questionnaire ng mga estudyante sa darating na achievement test examination na gaganapin sa second week ng Oktubre, 2018. Nakatingin ako sa calendar tableat narealize ko na malapit na pala ang thirty-six birthday ni Matthew. Usually ay we celebrate it ng kami lang dalawa pero this time humiling ang mga kasama niya sa trabaho na gawin ito sa company celebration hall to celebrate also his recent achievement when he personally close the business deal in Singapore last month. Masayang masaya ako sa mga tagumpay na narating niya.       He deserves it at kita ko rin naman kung gaano niya ito pagtuunan ng pansin at dedikasyon niya sa pagtatrabaho. Workaholic kaming pareho but he finds time para magkaroon kami ng time together. May mga times na ako na ang nahihiya sa kanya dahil mas may time pa siya na mag-asikaso kaysa sa akin, for example like booking flight reservations when we our going out of the country trips together and etc. As a boyfriend very hands on talaga siya at ipinagpapasalamat ko talaga iyon true the years that I become his girlfriend. Inaamin ko na nasanay na rin ako na siya ang nagmamani-obra ng relasyon namin , at kumbaga go with the flow ang sistema ko.       Kasi naman  he seems to be perfect sa lahat ng mga ginagawa niya for me so ano pang irereklamo ko. Ngunit from the start our relationship was not create like a boy and a girl set their eyes to each other and fall in love. Honestly, it's not like that and we both agree to this kind of relationship. Maybe this weekend pupunta ako sa mall para bumili ng gift ko sa kanya, pero ano pa ba ang pwede kong ibigay sa kanya. Another pair of socks from his favorite brand? A pair of leather shoes which he had many from his closet, and a lot of it are slightly used. A necktie, bracelet or a leather watch?      Well, wala naman siyang ibang hinihiling sa akin maliban sa isang bagay, ang kasal. Since we became as an official couple since day one, he wants to marry me instantly but I opposed, at handa siayng maghintaysa akin basta huwag lamang daw ako mawawala sa paningin niya; at hindi ko rin inaasahan na magiging limang taon na kaming magkarelasyon. Napatingin ako sa aking wristwatch at mayroon pa akong fifteen minutes para hindi malate sa aking next class na tuturuan ko.       "Good afternoon class," pagbati ko sa kanila.       "Good afternoon Ms.Hernandez," sagot nila sa akin.       Malapit na ang school achievement exam kaya naman puro pagrereview ang ginagawa namin ng aking mga estudyante sa ngayon. Nagbigay ako ng ilang short recap for the past topic namin ng sampung minuto at pagkatapos ay thirty item quiz for twenty minutes. Habang nagbibigay ng kaunting short recap ay ramdam ko ang pressure na nararanasan nila. Once in my life I was also seating in their seats at sobrang nakaka pressure lalong lalo na kung sunud-sunod ang exam at ilang subjects pa ang kailangan pag-aralan, pero parte iyan ng buhay na kailangang matutunan. Natapos ang short recap at nag short quiz na kami at habang seryoso sila sa pagsasagot ay naka obserba lamang ako sa kanila hanggang sa mabaling ang tingin ko sa labas ng aming bintana.       May pamilyar na mukha na nakatingin sa akin sa malayo at sa tingin ko ay bahagyang nakangiti sa akin. This time tumingin akong muli ng dahan dahan at nandun pa rin ang taong nakatingin sa akin kanina, ngayon naman ay kumakaway na ito at parang may gustong sabihin. Nang matapos ang twenty minutes ay nagpapalitan na ng papel at habang isinasagawa ang pagwawasto ay may discussion pa ring nagaganap, ng sa gayon kung may mga katanungan pa rin sila ay maaari pa rin namin talakayin at para maintindihan nila ng mabuti. Muli akong tumingin sa labas ng aming bintana ngunit wala na roon ang taong nakita ko kanina. Bago matapos ang aming klase ay palagi kong binibigyan ng simpleng paalala ang aking mga estudyante.       "Class please tulungan niyo rin ang inyong mga sarili para makapasa sa darating na mga exams. Read your notes and understand it. Alam kong pressure kayo ngayon pero naniniwala ako na makakapasa kayong lahat guys fighting! Okay, I'll see you tomorrow." Pagtatapos habang hinihintay ko ang pagsagot nila sa akin.       "Thank you Ms.Hernandez and see you tomorrow," pagkatpos nun at tuluyan na akong lumabas ng kanilang classroom at diretso sa aming staff room para kunin ang iba ko pang mga gamit. Nakuha ko na ang aking ladies backpack light brown leather bag at isang long size envelope bag at papunta na sa parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan ng may magsalita sa likuran ko.      "Hello Raphaela, nice to see you again as a fully grown woman," bati nito sa akin. Pamilyar ang mga boses na iyon at hindi ako maaaring magkamali. Dahil sa curiosity mabilis kong hinarap kung sino ang may-ari ng boses na iyon.       "Nathifa?" Takang tanong ko sa kanya dahil hindi ko ini-expect na magkikita pa kami.       "Yes I'm still alive and kicking. Wow, you look great and very beautiful Raphaela. Kanina pa kita pinagmamasdan sa classroom mo kaya lang medyo nagutom ako kaya pumunta muna ako sa cafeteria niyo. Then nakita kita naglalakad ng palabas and here I am now," paglalahad niya sa akin at bakas ang kasayahan habang nagsasalita siya sa akin.       "Are you here for good or just a vacation lang?" Tanong ko pero bakit mas gusto kong sagutin niya ang una kong tanong.       "Wellwe will see, baka pwede pakainin mo naman muna ako. Kanina pa kaya ako naghihintay sayo kaya lang busy ka pa," aniya.        Nang buksan ko na ang aking kotse ay nagmamadali ito na nagprisenta na mag drive. Pinaunlakan ko na dahil makulit siya. Kitang kita ko kung gaano ito kagaling magmaneho. Alam na yatang lahat imaneho nito marahil isa sa dahilan ay ang pagtira niya ng matagal mag-isa sa abroad. Mas lalo itong  naging independent at gumanda. Sophisticated and strong personality yet soft inside. Mabuti na lamang at nasa sentro ang aking public school na pinagtatrabauhan kaya malapit lamang sa mall and restaurants. Ngunit natagalan pa rin kami mamili ng aming kakainan dahil hindi siya makapili. Hanggang sa nagpunta kami sa Liam's Lomi House sa may General Luna Street. Namiss daw niya ang pagkain ng lomi.       "Bakit wala bang nagtitinda niyan sa New York? Di ba marami ng Filipino community doon na may mga Filipino cuisines na tinitinda," tanong ko sa kanya.       "Meron naman kaya lang iba pa rin talaga kapag dito mismo gawa sa atin," aniya.       Pagka sabi niya ay dumating na maya maya ang mga inorder namin na dalawang large bowl na special lomi at lumpiang gulay na may sawsawang red cane vinegar, siling pula na tinadtad at slice pipino. Grabe obvious na namiss niya talaga ang mga ganitong pagkain pati ang pagkagat sa malutong na lumpia ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Masarap naman talaga kumai kahit hindi sa mamahaling restaurant basta ba hindi tinipid sa sangkap at niluto ng may pagmamahal ang pagkain, tingnan ko na lang kung hindi ka mabusog sa sarap. Kumain din kami ng siopao asado at sa dessert ay isang llanera ng leche flan. Habang kumakain ay panay ang kwentuhan namin sa current job namin at lumalakas ang aming tawanan na siyang nililingon ng iba pang mga kumakain doon. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang paglapit ng isang lalaki sa aming mesa.      "Hello your Raphaela right? Where's Matthew?" Tanong ng lalaki sa akin. Tiningnan ko muna ito bago sumagot. Marami kasing mga manloloko sa ngayon na kunwari nagpakilalang kamag-anak or kaibigan then later on nahi-hypnotize ka na pala, pag nanakawan ka or kikidnapin ka na. Ngunit unti-unti ay nakilala ko rin kung sino ito.      "Oh you're Andrew I met you with Matthew while were playing golf in Tagaytay last year. Hello how are you," sagot ko sa bagong dating at tinitingnan ang mukha ni Nathifa. Medyo sumama ang aura nito sa presence ng bagong dating.       "So where's Matthew?" Tanong muli nito at this time nagulat ako sa naging reaksyon niya.       "He's not here and she's with her long time girl friend eating and having fun," mabibigat ang bawat bigkas ng sabihin niya ito kay Andrew. Nakaramdam ako ng tensyon at mukhang nakaramdam din si Andrew.       "Oh, I'm sorry for interrupting you guys. I think I'll see you around," pagpapaalam nito sa kanila at lumipat na sa kabilang mesa at binalikan doon ang girlfriend or asawa nito na nakatingin din sa amin kanina. Marahil ay balak na makijoin sa amin kung si Matthew ang kasama ko ngayon.       Nasa kotse na kami at marahan lamang ang kanyang pagpapatakbo at simula ng pangyayari kanina ay hindi na siya kumibo. Mukhang malalim ang iniisip kaya minabuti ko na lamang na huwag sabayan ang init ng ulo niya. Kahit matagal itong namalagi sa New York obvious na updated ito sa mga lugar dito at kabisado pa rin ang mga lugar. Malapit na kami sa entrance gate ng aming executive village ng igilid niya ang sasakyan at ihinto ito.       "So formally kayo na pala ng stepbrother ko and it seems na lahat yata ng tao dito gusto na magkatuluyan kayo," bakit habang sinasabi niya iyon ay parang may humahawak ng mahigpit sa puso ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga.       "Yes five years ago," sagot ko habang nakatingin sa mukha niya. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kanina habang nagkukwentuhan tayong dalawa. Gusto kong sabihin sa kanya para mabawasan ang lungkot sa mga mata niya.       "Talagang p-in-ush niya ha," sabi nito na hindi pa rin tumitingin sa akin at tila may pinipigil na galit sa mga mata.       "Wala ka kasing alam Raphaela, siya ang dahilan kung bakit ako biglang napatalsik sa bahay at pag-aralin sa abroad ng parents namin," aniya.       "Huwag mo naman husgahan agad ang kuya mo. Hindi niya magagawa sa'yo yun. Mahal ka niya at itinuring ka niya bilang tunay na kapatid," pagpapaliwanag ko sa kanya.       "Mukhang napaniwala ka rin niya. Good performer ako sa school at achiever. Never naki-alam ang parents namin sa gusto namin na kurso basta pinagtutuunan namin ng pansin at dedikasyon. Ano ang naging dahilan ng kuya ko sa iyo kung bakit ako biglang nawala ha Raphaela? Obviously it was the day whe he saw us together under the same blanket undress!"       Matapos namin mag-usap ni Nathifa ay hindi na ito tumuloy para makita ang parents ko. Right after namin mag-usap ay nagbook na rin ito sa online app car for rent upang makauwi. Nakipagkwentuhan lamang ako sa aking mga magulang sandali at maya maya rin lang ay nagpaalam para magpahinga sa sariling kwarto. Nasa isipan ko pa rin ang huking pag-uusap namin ni Nathifa kanina. Naaalala ko noon sa kwarto niya na marami siyang awards and talagang achiever siya so bakit nga naman siya biglang ipapatapon sa malayo ng parents nila kung walang nangyaring hindi maganda. Totoo nga kayang may kinalaman si Matthew?        Naalala ko noon na after ng gabing iyon, nagulat na lamang ako ng magising ako ng umaga sa umaandar na sasakyan ni Matthew at nakadamit na. Tandang tanda ko na nakatulog kaming walang saplot ni Nathifa. After nun nawala na lang siya bigla at lalo kaming naging close ni Matthew magmula noon. He's always there to support, protect and love me. Pero bakit parang may kulang. Bakit pakiramdam ko may pagkukulang ako kay Nathifa.       Bigla ko naalala ang kwintas na binigay niya sa akin noon at hinanap ko ito sa aking jewelry case. Then tumunog ang message tone ko and I checked it and saw it was him, Matthew. Nangangamusta siya sa akin, sending lovely words ngunit hindi ko magawang magrespond. Hindi ako makatulog at gulong-gulo ang isip ko. Kung nagsasabi ng totoo si Nathifa, bakit nagawa ito sa akin ni Matthew? Alam ko na dahil iyon sa pagmamahal ngunit ayoko dayain ang aking sarili.      ****Ring****Ring****Ring****        Napatingin ako sa cellphone ko at may tumatawag na unknown caller. Sino kaya ito ang naging bulong ko habang sige pa rin sa pagtunog ang cellphone ko. Hindi ko pa rin sinagot ito, hanggang sa umabot ito ng seven missed calls. Tutal hindi pa rin naman ako makatulog at bahala na bukas kapag hindi ako makatulog ngayong gabi mapipilitan akong mag-absent bukas. Mabuti na lamang at puro review lamang ang pinapagawa sa mga estudyante ngayon.        "Hello," sagot ko sa kabilang linya.        "Ra-pha-ela..I missed you!" Sagot ng nasa kabilang linya sa boses nito ay parang nakainom ito ng alak at naglalasing.        "Ma'am good evening po. Kayo po ba si Raphaela Hernandez, sa Gastro Publiko po ito bartender po ako dito. Concern lang po kasi kanina pa po yung friend niyo dito at sobrang lasing na po baka kung pwede po sunduin nyo na siya dito baka po kasi makursunadahan po. Kanina pa siya tinitingnan dito kasi naninigaw po siya," tuloy tuloy na paliwanag ng bartender sa akin.        "Ganun ba kuya sige send mo na lang yung right address mo dyan, papunta na ako dyan kuya please pakibantayan po siya mabuti ako na bahala sayo just make her safe," pagkasabi ko ay nagmamadali na akong bumaba at nilock maigi ang front door at dahan dahang nilabas ang sasakyan.         Halos eleven thirty na ng gabi at alam ko na medyo delikado na sa daan pero naglakas loob akong lumabas. Malayo layo rin ang bar na pinuntahan ni Nathifa. Nang makapasok doon ay nakita ko siyang nakikipag diskusyon sa bartender na nagbabantay sa knya agad ko silang nilapitan at nagpakilala.        "Salamat po Ma'am at nandito na po kayo," sabi nito sa akin. Inabutan ko ito ng isang libo bilang pakunswelo at nagpatulong na rin akong dalhin si Nathifa sa loob ng sasakyan ko para hindi na maka abala ng ibang tao.        "Ikaw ba talga yan Raphaela? Sabi ko sa iyo kuya susunduin ako ng girlfriend ko right," patuloy na kinukulit niya ang bartender habang dala dala namin siya papasok ng sasakyan.        Nang maipasok na namin siya ay nagpasalamat na ako sa bartender at umalis na sa lugar na iyon. Nasa daan ang aking konsentrasyon ng mga oras na iyon ng biglang nagsalita siya sa tabi ko, nagulat ako dahil akala ko lasing na lasing siya pero mukhang nahimasmasan na pala.       "Are you awake now?" Tanong ko habang nagmamaneho at sa kalsada pa rin ang atensyon.       "Yeah, thanks for picking me up," aniya.       "Saan mo gusto magpahatid," tanong ko sa kanya.       "Okay sa executive townhomes sa MK Lina street," aniya at tinunton ko na ang lugar na sinabi niya sa akin. Nakarating kami sa bahay niya ng walang kibuan. Inalalayan ko siyang makapasok at dahil mataas siya sa akin ay hinayaan kong umakbay ang kaliwang braso niya sa balikat ko habang nakahawak naman ako sa bewang niya. Wala siyang kasama doon at marahil stay out ang housekeeper niya or pwede ring wala talaga. Dahan dahan ko muna siya iniupo sa leather sofa para isara ko muna ang main door at i-lock. Inalalayan ko siya ulit paakyat at tinanong kung saan ang room niya.       "First door from left," matipid na tugon niya sa akin.        Hindi na ako kumibo at inalalayan siya hanggang sa makarating kami sa room niya. Inihiga ko siya sa left side ng bed, tinanggal ang suot na blazer ganun din ang high heeled shoes nito. Itinaas ko ng kaunti ang kanyang ulo at nilagyan ng dalawang malambot na unan para hindi siya mahilo habang nakahiga. In-open ko rin ang aircon ng room from warm to medium cool na temperature. Ayos na ang lahat at maaari ko na siyang iwan dito. Kailangan ko na rin makabalik agad sa amin halos ala-una na ng madaling araw. Palabas na ako ng kwarto niya ng bigla ay may yumakap sa likuran ko. Hindi ko inakala na gising na gising pa siya. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya kaya imposible na nagkukunwari lamang ito na lasing.       "Please don't leave stay here masyado ng dekikado sa daan,"sabi niya habang nakayakap pa rin sa bewang ko.       "Sanay naman ako sa kalsada rito at kaya ko ang sarili ko," pagtanggi ko sa alok niya.       "No I told you to stay and promise I won't do anything against your will," aniya sa malamig na tinig.        Nagkatinginan kaming dalawa ng pareho naming narinig ang pagkulo ng tiyan niya. Uminom lang ba ito ng alak at hindi nilalagyan ng laman ang sikmura.       "Anong oras ka huling kumain bago ka naglasing," tanong ko sa kanya.       "Last meal ko is yung kanina na magkasama tayo together," ang tinutukoy nito ay yung magkasama kaming kumain sa may lomihan at marahil marami talaga siyang nainom kaya kumulo na ng husto ang sikmura nito. "Can you join me downstairs let's eat," yaya niya sa akin.      "Okay, kaya mo na ba maglakad mag-isa," sabi ko.      "Don't worry I can handle myself," aniya.       Pareho na kaming bumaba muli at ako na ang kumilos para magluto sa kusina niya. Naghahanap ako ng instant noodles at itlog. Buti na lang at marami siyang stock na ready to eat foods. Nang matapos kong maluto ay isinalin ko na sa dalawang mangkok na malaki ang aming beef noodles na tig-isang itlog. Bigla akong natawa sa nakikita ko ngayon dahil parang inulit lang namin ang lomi na kinain namin kanina.       "Why," tanong niya sa akin dahil nakita na niya akong nangingiti mag-isa.       "Naalala ko lang kasi na halos ganito rin ang kinain natin kanina. I'm sorry until now I don't know how to cook real food. I mean pang instant noodles lang kaya ko," pagpapatuloy ko at pakiramdam ko nagblush ako sa kahihiyan.       "I don't mind still this is a food for me," nakangiting tugon niya sa akin.        Naubos namin ang pagkain at ako na ang maghuhugas ng aming pinagkainan habang nasa sala pa rin siya at naghihintay sa akin. Ilang beses siyang tumanggi na umakyat sa second floor dahil hindi naman daw siya inaantok. Palihim ko siyang pinagmamasdan at aaminin ko na may kakaiba akong sigla na nararamdaman kapag kasama ko siya. Mabuti na lamang at naghuhugas ako ng pinagkainan namin habang may itinatanong sa kanya, atleast maitatago ko ang emosyon ko sa kanya.       "Nathifa, habang nasa New York ka ba may naging karelasyon ka rin?" Matapang na pagtanong ko sa kanya hindi naman na lingid sa kaalaman niya na boyfriend ko ang stepbrother niya.       "You want to know the truth Raphaela? My answer is none," lalo akong nasaktan sa sagot niya. "I tried. There are some guys that courted me but I refused them and told them what my preference is in relationship. I've been into girls but no one can replace you here," at itinuro ang sariling dibdib. Nakatingin lamang ako sa kanya habang sinasabi iyon. Dahil sa tinatago kong damdamin ay hindi ko na napigilang lapitan siya at salubungin ng halik.       Gumanti siya sa akin at ganun din ako. Pareho kaming nasabik sa bawat isa at ngayon alam ko na ang kung sino ang nasa puso ko. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakahawak ang dalawa kong mga kamay sa leeg niya at patuloy na pinagsasaluhan ang tamis ng aming mga labi. Paakyat na muli kaming dalawa sa kanyang kwarto habang magkalapat pa rin ang aming mga labi, parang mga magnet na ayaw kumawala sa bawat isa. Hanggang sa tuluyan na niyang naisara ang pintuan ng kanyang kwarto at sandaling naghiwalay ang aming mga labi, umiiyak pa rin ako. Mix emotions ang aking nararamdaman sa ngayon na hindi ko maintindihan. Ikinulong niya ang maliit kong mukha sa malaki niyang palad at tinuyo ng kanyang maliliit na halik ang aking mga basang mata dahil sa pagluha.       Tinanggal niya ang aking dark green long cardigan at nalaglag ito sa carpeted floor ng room niya. Lumantad sa kanya ang suot kong black spaghetti strap na black top and black panel skirt. She gently touched my neck and gave it a lovingly warm kiss. Nang tumunog ang call tone ng cellphone ko at wala akong balak na sagutin iyon. Ngunit sige pa rin sa pagtunog at pinili kong kunin at sagutin na ito. Si Matthew ang tumatawag. Nakita niya iyon at nakita ko rin ang glit sa mga mata niya.       "Hello Matthew napatawag ka bakit," tanong ko sa kanya.       "Tumawag sa akin sina Tito(ang tinutukoy niya ay ang father ko) wala ka daw sa kwarto mo. Narinig ka daw kasi ng kasama nyo sa bahay na lumabas ng eleven ng gabi. Nag-aalala na sila kasi two thirty na ng umaga hindi ka pa daw bumabalik. Saan ka ba ngayon sa ganitong oras hon?" Tanong nito sa akin.       "Ah..yun ba, naghanap lang kasi ako ng convenient store at nagcrave sa strawberry pie kaso dinala ako ngayon ng mga paa ko sa Goto and Bulalo malapit dito sa Robinsons Place," pagdadahilan ko sa kanya.       "Okay stay there papunta na ako dyan," pagkasabi nito sa akin at pinindot na rin agad ang end call button.       "I'm really sorry Nathifa," I kissed her back and my tears will start to roll down in my cheeks if I do not leave her immediately.       Nagmamadaling kinuha ko ang nalaglag kong long cardigan sa sahig at walang lingon na lumabas ng kwarto niya. Sinimulan kong paandarin ang aking sasakyan at nagmamadaling pumunta sa sinabi kong gotohan. Nagmamadali akong nagpark at na para um-order ng goto. Mabuti na lamang at dumating na ang in-order ko fifteen minutes ang nakalipas at saka siya dumating. Sobrang dinudurog ang puso ko dahil nakita ko ang pag-aalala niya sa akin.       "Baby," sabi niya at diretsong pumunta sa pwesto ko at ginawaran ako ng halik sa noo. "Ang bango, gusto ko rin ginutom ako," sabi lang niya sa akin ng nakangiti. Wala akong narinig na sumbat or kahit na anong salita sa kanya. Sinaluhan lamang niya ako hanggang sa matapos kaming kumain. Tinawagan niya ang isa sa mga driver niya para kunin na ang sasakyang ginamit niya dahil nagpresinta siyang magmaneho ng sasakyan ko.        Bukas ang mga ilaw sa sala ng dumating kami sa bahay at naabutan ko doon ang aking ama na sumalubong sa aming pagdating. Tiningnan lamang ako ng aking ama at bumaling na kay Matthew.       "Matthew, anak salamat sa paghatid mo dito kay Raphaela ha. Pwede bang bukas ka na umuwi masyado ng delikado sa daan dito ka na matulog," paghikayat ng Papa ko sa kanya at alam ko na gusto niya iyon kaya mabilis na pumayag ito.        Tila may usapan ang aking ama at si Matthew dahil napagkasunduan nilang maglatag ng kutson sa sala at doon matulog. Umakyat na lamang ako at pumasok na sa aking sariling kwarto. Naisip ko si Nathifa, iniwan ko siya kanina at umalis ng hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi ko rin naman magawang saktan si Matthew. Kitang kita ko kung gaano din kasaya ang aking mga magulang kung kami ang magkakatuluyan. Nakatulugan ko na ang sobrang pag-iisip.       Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala ko na Biyernes na pala ngayon, at ngayon din ang birthday ni Matthew. How stupid I am na hindi man lamang nagset nga aking alarm clock kanina. Nagwarm-up muna ako and then do some stretching pagkatapos ay nagmamadaling naligo. Nang matapos ay nagmamadali akong tumawagsa head teacher para magpaalam na hindi ako makakapasok ngayong araw dahil biglaang nilagnat at agad naman siyang pumayag. Naka-ayos na ako at kakain muna sandali ng agahan then aalis na. Wala na ang Mama and Papa ko. Schedule kasi ng pagdalaw nila sa isakong kapatid at sa bagong pamilya nito sa kabilang phase lang ng mismong executive village na tinitirhan namin.       Pagkatapos ko mag-almusal ay nagpaalam na ako sa aming kasambahay at tuluyan ng umalis.  Undecided ako sa regalong ibibigay ko sa kanya, hanggang sa mapunta ako sa section ng mga ballpoint pen ng isang mall. Napili ko ang black and gold na color ng Parker IM Premium ballpoint pens at pinalagyan ko iton ng full name niya sa katawan ng pen. Magagamit niya iyon sa mga pipirmahan niya. Then nag-ikot na rin ako para sa isusuot ko later dahil mamayang ala-sais ng gabi ay kasabayang celebration para sa pagiging top architect ng buong team nila. Pumunta naman ako sa woman section para bumili ng cocktail dress. Nang isukat ko ang napili kong off shoulder bodycon burgundy coktail dress at tingnan ng saleslady ay binati niya ako dahil bagay na bagay daw sa akin ang dress at lalong lumutang ang aking ganda. Dahil nakita ko rin naman ang resulta ng sarili ko sa salamin. Kahit ako ay natuwa sa nakita ko kaya binili ko na rin ito. Kumpleto na ang aking mga nabili at kailangan ko ng umuwi para mag-ayos.        Nakabalik ako ng ala-una ng hapon at may dalawang oras pa ako para magpahinga sandali. Mabilis lang naman ako mag-ayos. Natapos gawin ang aking buhok ng thiryty- minutes ng isang naghohome service sa akin for hair styling and braids at masaya ako sa style na ginawa niyang loose plait braid, kaya sinobrahan ko ang bayad para sa tip. Habang nag-aayos na ako sa harap ng vanity mirror ay na-inspired ako sa makeup ni Bella Swan sa Breaking Dawn Part 2 kaya ito ang in-apply ko ngayon. To my surprise I love the result of my masterpiece. Off shoulder dress na suot ko kaya mas maganda kung magsuot ako ng kwintas hanggang sa mapatingin ako sa dark green velvet box na nasa pinakadulong bahagi ng drawer. Hindi ko na ito sinusuot simula ng maging kami ni Matthew. Hindi niya ako tinanong about sa kwintas pero lagi lang niya itong tinitingnan kapag suot ko noon. Muli kong kinuha ang box at binuksan at tumambad sa akin ang ganda nito. Sinuot ko itong muli at bumagay sa suot ko na burgundy dress and red garnet na pampalamuti sa kwintas. Narinig ko na ang sasakyan ni Matthew at ready na rin ako. Maya-maya narinig ko ang pagkatok ng kasambahay namin to inform if I'm done and my boyfriendis downstairs waiting for me.       "Sige po 'nay pakisabi kay Matthew na pababa na po ako," sabi ko at isinuot ko na ang velvety black three inches pointed toe pumps na ginamit ko na noon sa ibang party at kinuha ko na rin ang black sparkly clutch bag na naka ready na rin sa single sofa ko. Pagbaba ko ng hagdan ay ramdam ko na titig na titig sa akin si Matthew kulang na lang ay tumulo ang laway nito.       "Shall we," maikling sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya.       "Yes sure," sabi nito at hindi nakaligtas sa akin ang matagal na pagtingin  nito muli sa suot kong kwintas.       "Your necklace perfectly suits you. Matagal mo rin hindi sinuot yan ngayon lang ulit," tila may laman ang pagkakasabi nito tungkol sa suot niyang kwintas. Ngumiti lamang ako bilang pagtugon sa kanya. Special night niya ngayon at ayoko sirain iyon. Wala rin ako ganang makipag diskusyon sa kanya.        Nakarating kami sa venue ng party at maraming bumati sa amin bago pa lamang kami makapasok. Mga colleagues ni Matthew from Lipa City and also from other places in the Philippines, even abroad. Marami ang nagsasabi na kapag naging mag-asawa na raw kami ay kayang-kaya na niya akong buhayin at aminado ako run. Pero ayokong umasa kay Matthew at gawin ang lumang paniniwala na kapag ang babae ay mayroon ng asawa sa loob na lamang ng bahay at wala ng kayang ibang gawin. Para sa akin hindi doon natatapos ang buhay ng isang babae.       The party starts at hinayaan ko muna siya na maki join sa iba pa niyang mga kaibigan. Matapos makipagkwentuhan sa mga female colleagues and employees here ay pinili kong lumabas muna at lumanghap ng sariwang hangin. Ibang iba na siya sa dating Matthew na dating nangungulit sa akin noon. Obviously na marami ring mga babae ang patay na patay sa kanya at halata ko iyon sa mga kilos at tingin nila sa kanya. Dapat maging masaya na ako sa piling niya ngunit palagi akong may hinahanap na hindi niya kayang punuan.       "I thought umalis ka na lang ng walang paalam," nagulat ako sa pamilyar na tinig na iyon at marahang yumakap mula sa likuran ko. Dahan dahan niya akong hinarap para gawaran ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik niya sa akin habang kinukulong ang maliit kong katawan sa matigas at matipuno niyang mga braso.       "My gift for you. Happy Birthday Matthew," ng humarap ako at inabot ang regalo ko sa kanya. Binuksan niya iyon, pinagmasdan at inilagay sa inside pocket ng signature navy slim fit suit niya.       "Thank you baby I love you," at muli niya akong hinalikan. Sabay pa kaming napalingon sa isang direksyon kung saan ginaganap ang celebration ng birthday niya. Hinahanap na kami sa loob ng host dahil hindi na nila makita sa loob si Matthew. Pumasok na kami dahil may speech pa siya para sa comapany. Habang tumatagal ang speech niya ay naiiba na ang topic nito at wala na sa company. Napupunta na ito sa aming dalawa. Maya maya pa ay bumaba na siya sa stage at sinusundan na siya ng spotlight papunta sa kinauupuan ko. Then sa bawat speech niya ay patuloy niya akong pinupuri at pinasasalamatan. Kinabahan na ako sa takbo ng magiging speech niya.       "Ms.Raphaela Hernandez will you marry me?" Halos mabingi ako sa sagot ng mga naroon. Puro 'yes' ang isinisigaw nila at laking gulat ko dahil nandoon din pala ang aking mga magulang at kapatid. Planado ba ang lahat ng ito at ako lamang ang walang alam?       Hindi ko kayang tumanggi sa harap ng maraming tao at tango na lamang ang aking pagsang-ayon at inilabas niya ang white gold ring na may three carat pear cut shaped diamond at mabilis na inilagay sa right ring finger ko. Wala ito sa usapan namin at alam niya na hindi ako papayag kaya ba naset up niya ako sa harap ng maraming tao at sa harap ng buong pamilya ko. Gusto kong magwala sa galit pero pinili kong magpaka hinahon. Pagkasuot niya sa akin ng ring ay hinalikan niya ako sa pisngi at may binulong.      "Atlast you're totally mine now," sabi niya.                                  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD