[ Kim P.O.V ]
"Kim!" malakas na sigaw ng aking magaling na Ina
Nagpagulong gulong ako sa Kama ko antok na antok pako kasooo sumisigaw na si mama.
"Opo kikilos na ma! " balik Kong sigaw kaya no choice kumilos na ko at nag ready ng mga gagamitin sa unang araw ko sa pagpasok sa school anyway habang nagre-ready ako magpapakilala muna ako i'm Kimberly Nicole Cardenas call me "Kim" and yeah kakatapos lang ng birthday ko nitong February , 17 years old na ko. Pero wala pa Kong jowa. Pag aaral muna bago lumandi noh?!
"Kim! Ano ba? Ang tagal mo! " sigaw na naman ni mama ano bayan... ito na nga tapos na hays! Aga-aga ehh! napakamot na lang ako...
bumaba na ko at ayon si mader nasa hapag kainan na at kasama niya ang aking kapatid na si ate yeah dalawa lang kaming anak siya si Katherine Ann Cardenas, 20 years old at 'di kami niyan close lagi kaming nag-aaway sa maliit na bagay. At sanay na ko diyan deadma na lang ako sa ugali niya .
Umupo na ko at sumabay sa kanila walang kibuan pagdating sa pagkain ..
"Ma, ali's na po ako. Bye po! " sabay kiss sa pingi at kay ate kaso tinarayan lang ako kaya ngumiti na lang ako.
Lumabas na ko sa gate namin 'di naman kalakihan ang bahay pero 'di naman maliit sakto lang para sa'min so lakad nalang maaga pa naman medyo malapit lang school namin kaya 'di naman nakakataranta pag magmamadali kapa, habang naglalakad ako tamang tingin lang sa mga tiyangge andami nagtitinda banda sa lugar namin halos mag kakatabi na sila.
Kahit maaga pa ay marami na nagtitinda kaya naman 'di ka matataranta kapag may gusto kang bilhin ay andiyan na lahat.
Pero dahil wala naman akong gusto kaya nilagpasan ko na lang ito masasarap ang mga pagkain din na benibenta nila. Habang nakalayo na ko ay napapa-isip na kung anong mangyayari sa pagpasok ko o namin ng mga kaibigan ko. Kung magiging masaya ba ang unang pasok namin o kamalasan ang dala iwan ko may feeling kasi na parang may mali pero ayaw ko naman isipin na dahil masyado lang ako napra-praning para kung ano-ano naiisip ko.
"Tigilan mo nga kaka-isip ng kung ano-ano!" Bulong ko pa sa sarili ko.
Para akong tanga nagsasalita sa daan mabuti na lang wala akong mga kasabay para marinig nila mga pinagsasabi ko.