Kimberly Point of view
Pagdating sa school.
Marami-rami na pa lang tao.
Nakita ko naman ung girls na completo na pala.
Lumapit ako sa kanila
" Kanina pa ba kayo? " tanong ko sa kanila ng makalapit na.
" Wala man lang hi?! Tanong agad bes." Kunwaring tampo ni Jera.
Tss. Daming arte kahit 'di ako mag hi ganon din oa din 'yon magkakasama pa din kami. At wala ko sa mood para sakyan ang kaartehan niya.
" Wala ko sa mood. " pagtataray ko rito.
" Woahhh bakitt naman? Kalma lang dapat. " sabi ni Bliss.
"Hay, nakoo 'wag niyo muna ko pansinin." ako at umupo na gusto maging kalmado at ayaw ko masira 'yun dahil kay ate.
"Susss pampawala ng mood niyan si Jiro ayieee! " pang-aasar naman sakin ni Sheina.
Ayan na naman siya mang-aasar.
"Ayieee, asan na ba ang Jiro ng kumalma ang Kim namin?!" dagdag pa ni Yssa na kunwari hinahanap si Kurt sa paligid kahit wala naman.
Mga baliw talaga kahit kailan.
"Nako Bliss tawagan mo na sabihin mong emergency haha." Parang tangang wika ni Sheina at natatawa pa.
Sige pagtripan niyo pa ko.
" Tumahimik nga kayo para kayong mga sira." saway ko sa kanila.
" Balita ko nandito na ang Roselyn?" pag iiba ni Bliss.
What do i care about her. Kahit makita ko pa siya ay 'di magbabago ang mayroon sa pagitan namin. At masyado siyang attention seeker para lang mapansin ng iba at isipin na kinakawawa siya.
" Dagdag mo pa ang Savannah na koo ingat ka Kim baka may mga plano ang mga bruha. " pagpapaala ni Julia sa'kin at alam ko 'yun lagi naman may mga plano ang mga 'yon wala na ata silang maisip na ganti imay puro mababaw lang naman mga immature.
"Bakit ikaw ang target ng dalawang 'yun?!" Tanong nsi Sheina sa'kin ngunit makikita mo na nagtataka ito.
" Kasi insecure sila kaya ganon. " pag sagot naman ni Jera.
Diko sila pinansin dahil wala talaga ako sa mood dahil kay ate masyado na namang bida tsk peste .
Hanggang naisipan na naming pumasok sa room saktong dumating na si Ma'am.
Wala Kong gana makinig para sa discussion niya ngayon kahit na important about sa upcoming quizzes ay talagang wala ako sa mood.
Sa lalim ng iniisip ko diko napansin bell na para mag recess na .
Napansin naman agad ako ni Julia kung ba't ako tahimik.
" Ok ka lang tahimik mo simula kanina? " Julia kasabay ko s‘ya ung iba kasi nasa likuran ko.
" Kahit sabihin na ok ako, kung 'di naman talaga ok, kaya 'di ako ok. Wala pa ko sa mood. " Sagot ko.
Hanggang lumabas na nga kami sa my building namin ng 'di namin napansin or sabihin na nating diko napansin.
Nagulat ako sa kung ano man 'yon tumapon sa katawan ko, pati mga kasama ko ay nanlalaki pa ang mga mata dahil sa pagkabigla.
*Lunok---- what the heck?
Dahil lalo dumagdag ang init ng ulo ko sa isang 'di inaasahan pangyayaring 'to at talagang isang baldeng tubig na may balahibo ng manok ang ibinuhos bigla sa'kin mula sa taas ng building.
What the hell is problem?! This is what i don't like at all ay ang bad mood ka na tapos may dadagdag pa sa pagkabad mood mo.
Nakuha nila ang inis ko ngayon umaga.
napangisi ako kasi nahuli ko kung sino ang may gawa walang iba kundi si Sanchi na huling may hawak ng balde saktong pag angat ko kasi siya nakita ko at ang iba nagtakbuhan agad.
Alam ko na kung sino pasimuno....
Roselyn Garcia i swear 'di mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nagkaharap tayo.
" Kim! " Jera.
" Omg, omg! Kim!" Julia na 'di alam ang gagawin.
" Sino may gawa nito?!" Galit na sigaw ni Abigail.
" Gosh! " tili ni Bliss.
" Nako sino may gawa niyan ? Wala talaga kayo magawa mga bruha!" Pagkairita naman ni Yssa .
" Shock! Basang-basaa ka na may extra shirt ka ba?"pag-alala naman ni Jharlyn.
Lumapit sila sa'kin at lahat sila nag-alala na sa kalagayan ko.
" Taraa Kim sa comfort room muna magpalit ka. Gosh mukha kang basang sisiw best. " Julia.
"Lakas ng trip. Err its a like feathers right?!" Arteng tanong naman ni Bliss.
"Oo feather nga pinaggamit at talagang ginawa pa siyang basang sisiw gosh. Grabe sila." Irita sabi pa ni Yssa.
Hayssss....
" Kim halata 'yung ano mo?" medyo nahiya pa si Sheina.
Napatingin naman ako s**t bakat nga hays....
Napatingin pa ko sa mga nakatingin sa'min lalo na sa'kin.
Nice ang ganda kong basang sisiw eh noh? Kagaling dami humanga sa kalagayan mo at ang daming mga marites.
Bigla ka naging sikat sa lagay na 'to Kimberly.
"What? Gusto niyo din mabuhusan para maging basang sisiw kayo?! Tingin pa. Letse mga chismosa ng taon." Sigaw ko sa kanila kaya nag si alisan naman agad sila natakot ata at mabuti para sa'kin 'yon.
" Katakot ka naman?" Biglang sabi ni Sheina.
" Nako masanay ka na lalo na nadagdagan pagka bad mood n'yan." sabi pa ni Jharlyn.
" Samahan niyo muna ko magbibihis lang ako at pupuntahan ko ang Roselyn na 'yan ng makita niya ang hinahanap niya." galit na sabi ko pa .
Ubos na ang pasensiya ko.
"So.... si Roselyn ang may kagagawan niyan ?!" Takang sabi pa ni Sheina.
"Kahit ako nakita ko mga alipin niya." Sabat naman ni Bliss.
" Sabi na eh. " Abi.
"Tara na, baka magkasakit ka pa e." Pag-alala pa ni Julia.
Kaya pumunta kaming cr at nagbihis ng uniform buti may baon ako kundi ewan ko na lang anong itsura ko.
Pagkatapos nag diretsyo-diretsyo ako kung sa'n nagtatambay ang mga walang hiya, lintek lang walang ganti peste akala ko nanahimik na eh ta's may binabalak lang pala magaling. Ang galing niyo manahimik.
" Tekaa ambiliss maglakad. " pagrereklamo nila Jera dahil nauuna ako sa kanila.
"Ang bagal niyo talaga."
Hanggang sa marating namin kung asan ang mga bruha at ayon sila nagtatawanan na akala nila wagi na sila sa plano nila.
.puuwess hindi sila magwawagi sa kalukuhan nila masyado nila ako ginagalit.
" Best andito lang kami ah. " paalala pa ni Julia.
" Tekaa Kim, susugod ka diyan eh baka 'di mo kaya mga 'yan? At bakaa mapahamak ka eh," pag-alala naman ni Sheina sabagay 'di pa ko nakita na nalaban kasi bago pa lang niya nakilala kaya wala pa siyang alam sa nangyayari sa'min sa pagitan namin nila Roselyn .
"Tiiwala ka lang kaya na niya 'yan, si Kim pa diba?!" Abigail na halatang excited pa ata sa gagawin ko.
" Huh ?" Pagtataka pa ni Sheina sa pinagsasabi ni Abi.
"Watch and learn haha." Bliss.
Diko na sila pinansin at kinuha ko sa bag ko ang tubigan kong malaki at habang papalapit sa kanila binubuksan ko na ang baunan ko gusto mo ng laro? Ok sige pagbibigyan kita pasalamat ka patas ako gumanti sa ngayon.
Pagkalapit ko sa kanila.
"Long time no see! " mapang asar ko sabi sa kanila.
At nagulat sila na sa harapan na nila ako at lumunok pa 'yung mga kaibigan niya. Bakit takot na ba kayo? Eh, maliit lang ang gagawin ko 'di pa 'to nakakamatay.
Lalo na si Roselyn pero kinakalma niya ang sarili niya para diko makita na kinakabahan siya kahit halatang pinagpapawisan ito ng malamig. Akala ko ba matapang din 'to eh bakit ngayon umuurong na pagiging abnormal niya.
"Ohh, tignan mo nga naman ano Kimberly namiss mo ba ko?" balik asar sa'kin ng makalma niya na ang sarili nito.
Ngumisi ako.
" Hindi eh, ba't kita mamimiss ano ba kita? Diba enemy at ba't kita mamis eh isa ka namang demonyo? Opss... oh baka naman miss mo mga sampal ko kaya nagpapansin ka naman? Akala mo ba diko nahuli 'tong mga tuta mo, pagkatapos buhusan akong ng isang baldeng tubig at talagang kayo may pa bunos talaga? Feather! " galit ko sabi at nakatitig sa mga mata niya nanggigil na ako sa mga pagmumukha nila.
Parang anytime gusto ko na silang pugutan ng ulo sa harapan ko mismo ng ma success.
"What, Ako demonyo?! Baka mahiya ang ma's demonyo satin dalawa?" Pikon na sigaw sa'kin.
" Paanong hiya ba pagkakalaam ko kasi sa ating dalawa ikaw ang wala namang hiya?! 'Wag mo na ipasa sakin ang kawalang hiya mo, and beside bakit 'di mo alam na demonyo ka diba?! " asar ko sa kaniya at kita ko sa mukha niya na pipikon na siya. Sige mapikon ka pa para sumabog ka na diyan sa kinaka upuan mo.
" Kapal naman ng mukha mo! Para ako sisihin mo baka isampal ko sayo mga binibentang mo Kimberly?!" Pagprepretend pa niya na kahit nahuli ka na ang mga kaibigan niyang mga uto-uto.
" Wow, nahiya ataa mukha ko sayo? 'Di Ka rin sinungaling makapal din pala mukha mo? H'wag mo kong gawin tanga pakyu.... alam ko naman ikaw lang ang p'wede umutos sa mga tuta mo. Siraulo 'wag mong gawing bobo 'tong usapan na 'to! At baka ikaw masampal ko riyan! " galit kong sabi sa kaniya sobra na ko nangggigil masyado din pala 'tong sinungaling hanep.
Dami pang palusot peste 'di na lang aminin na siya talaga ang may kagagawan.