Kimberly Point of View
Love letter? Sino ang secret admirer naman nito ni Bliss.
Jusqo love letter uso pa ba 'yan? Akala ko nawala na ang tradisyon na yarn.
Napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti kay Yssa.
Tinignan ko naman ung tatlo busy sa binabasang pocketbook wengya may mga dala pa sila niyan .
Kagaling naman.
Kring....
Nag bell na kaya nagmadali na kaming tumayo at nag ayos at sabay na din kaming naglakad.
Yung dalawa nasa likod namin at nag aagawan 'dipa sila tapos diyan.
Naglalakad na kami medyo madaming students na nagkakalat at alam kong lahat nang section ay busy para sa upcoming festival.
Napahinto ako sa paglalakad kaya ung mga kasama ko huminto din ung dalawa nabunggo pa sa likod ko.
" Ouchhhh! " reklamo nila.
"'Di kayo nagtigil diyan kaya nabunggo niyo ko manahimik na kayo puwede?!" pagtataray ko kaya nagsitahimik naman.
Good.
Tumingin ako sa harapan ko at mga wengya ba't nasa harapan ko 'tong mga ugok na 'to.
Ano kailangan ng mga 'to?
Napataas kilay ko sa nakita ko ang mga feeling g'wapo .
"Hi miss nagkita ulit tayo ano?! " nakangiting sabi ni Jiro.
Nang-aasar ba 'to? P'wes 'di ako natutuwa sa kaniya.
Kaya tigil-tigilan niya ako sa pang iinis niya.
So. Pakealam ko sayo kung nagkita ulit tayo? Masasabi ko lang sumama ang araw ko sayo.
Kilala ko na sila at dahil sa kadaldalan ni Bliss nabanggit niya ang mga pangalan ng bawat isa sa kanila at mga attitude.
" Hindi. Imagination mo lang ang nakikita mo. Malamang school 'to at talagang magkikita tayo kaya 'wag kang ano diyan. " pagmamaldita ko sa kaniya nakatingin pa ko sa mga mata niyang kulay blue naakit ako sa Mata niya bakit ang ganda kasi.
"Oo nga naman pre haha! Hi ako pala si Rome nice to meet you ms.maldita and you ms.beautiful." sabay wink kay Jharlyn at walangya kinilig pa, namula ang pisngi.
Tigilan mo makipag landi sa mga kaibigan ko.
"Magtigil ka sa pagpapa cute mo Rome 'di 'yan tatalab sa'kin ahhh kaya tabi na nga nakaharaang kayo! " pagtataboy ko sa kanila kaso humarang ung Lander na nakangiti.
Mukha siyang tanga sa mga ngiti niya.
"Hey! Wait lang naman. Hehe masyado kang hot sa kamalditahan mo ehh !" siya sabay pa cute nag wink Siya kay Jera at ngumiti napatingin naman ako kay Jera king ina kinilig din tinaasan ko siya ng kilay at umiwas siya ng tingin .
Makuha ka sa tingin Jera.
" Nagpapakilala lang naman kami at sa mga kasama mo kung puwede? Hehe hi ms. Pretty! " sabi naman ni Brix at tingin kay Abigail tumingin ako kay Abi pero parang wala lang nakataas kasi ang kilay niya kaya medyo napahiya ang Brix tsk.
Kawawang Brix.
"'Di ako interested sa mga pangalan niyo, kaya tumabi na lang kayo at late na kami excuse! " ako at lalagpas na sana ako kaso hinawakan ni Jiro braso ko at inilapit sa kaniya kaya nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha namin.
Ayt pota! Bakit may pahila effects pa 'tong kumag na 'to?
mukha ko 'di na maipinta sa laki ng panlalaki ng mata na may halong inis dahil sa ginawa niya.
Ngiting aso naman ang mukha niya para siyang tanga sa ngiti na 'yan.
Anong ngiti 'yan? Nakakasuka peste!
Mga kasama ko na kinikilig pa with tulakan ang mga bruha.
Kagaling.
Diyan sila magaling mang-asar. Mamaya kayo sa'kin.
Tinignan ko siya sa mata at tinaasan ng kilay ngumiti lang siya lalo sa pagtataray ko.
Ah, ganon ayaw mo makuha sa pagtataray ko.
" Omo! Ang cute nila huhu! "
"Hala! Bakit bagay sila?"
"Wahh! Bakit si Kim pa?!"
Putragis magkakaroon pa ata ako ng mga basher dito sa pinaggagawa nito eh.
Napasimangot ako sa mga naririinig ko sa paligid isa na mga kasama ko.
"Wah! Best, ang ganda mo?! Hahaha!" Jera.
"Wisi! Bagay na bagay!" Bliss.
"Support! Hahahhaha!" Julia at Jharlyn, Abigail.
Sige asar pa punyeta.
"Ang kyut mo tignan, kaya lalo ako nahuhulog eh !" siya habang pabulong sa tenga ko.
Ano daw? Kung ihulog kaya kita sa building na 'to? Para masabi mo lang na nahulog ka na .
Lahat ng balahibo ko ata napatayo sa narinig ko .
Kinikilabutan ako.
Ano ba kasi ginagawa niya b'wesit lang.
"Tsk, kung ihulog kaya kita sa kanal ng manahimik ka diyan, na ekanto ka ata ano-ano pinag sasabi mo eh!" inis ko sa kaniya kaso lalo siyang ngumiti kaya tinulak ko na masyado na siyang malapit at baka masapak ko siya.
Agad kaya nakalayo ako at sinamaan ng tingin sa kaniya beset nantrtrip na naman.
Hindi nakakatuwa.
Tumalikod na ko at binilisan ang paglalakad iniwan ko mga kasama ko sa sobrang iniss ko sa ugok na yun 'di siya nakakatuwa para sabihan niya ko ng ganon.
Nakakakilabot.
Pumasok ako at umupo at yumuko bahala sila Jera do'n.
Di ko alam ba't pati mga kasama ni Jiro at type mga kaibigan ko ano yarn pinag-usapan nila? Nag meeting ba sila ? Kung sino mga type nila? Hanep ng mga trip niyo ang gagaling! Tsk.
" Ahh! Best, nang iwan ka!" Jera at sabay upo sila 'di ko sila tinignan.
Dahil alam ko aasarin ako ng mga 'to.
"Ehh! Grabe ahh hahhaha may type si Jiro sayo sis, wahh!" Jharlyn.
Talagang kinilikilig sila dahil sa inakto ng kupal na 'yon at naiinis ako.
Wala ko pakealam.
At sabay sila tumili. Kakahiya sila.
Di ko alam bakit naiinis ako basta alam ko sa sarili kong may mga balak na naman sila at ayon ang ayaw ko mangyari dahil isa sa mga pakulo nila 'to at talagang dinadamay pa nila mga kaibigan ko.
"'Wag ka nga maingay Jhar. Woi, bruha may something ba sa inyo ni Rome ah?! Grabe siya makatingin sayo kung ngumiti wagas ang pota!" Jera.
"Wala, nagulat na din ako bakit gano'n makatingin sa'kin noh?! 'Di ko nga 'yon nakaka-usap." Pag defense ni Jharlyn.
Nahahalata ko 'to masyadong may iba.
"Si Abi. Hahaha! Tinaasan ng kilay lang si Brix." Jera.
"'Di sila mapagkakatiwalaan, lalo na alam naman natin na trip lang 'yon. Kung makatili or kiligin naman kayo parang totoo." inis na sermon sa kanila.
"True. Baka may balak sila kaya gano'n sila." Julia..
At kung ano-ano pang pinag-uusapan nila nakikinig lang ako sa kanilang apat, bahala sila mo na diyan basta ako wala sa mood na, dahil sa nangyari kanina.
Di ko talaga nagustuhan ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko peste.
Siya pa lang ang nakakagawa sa'kin ng gano'n kaya nakakainis lang para sa pagkatao ko na ang kumag pa talaga ang maglalakas loob para lapitan ako.
Kung 'di lang ako nagulat ay baka nasapak ko na agad 'yon kaso natulala pa tae, kakainis.
-------
Dumating naman agad si Ma'am at nag klase lang kami saglit dahil alam niya na magiging busy nga kami for upcoming festival this monday, and im so excited dahil ngayon ko lang mararanasan ito dahil noong nakaraan ay 'di ako na ka attend sa festival dahil bad mood ako sa classmates ko dati at kaya hindi na lang ako umattend kaya ang ending hindi ko feel ang gano'n.
And now im happy because this year ay makakasali ako sa gantong event.
Natapos naman agad, ang klase at kaya naman mabilis nga nagsilabasan ang mga classmates ko para kunin ang mga kailangan namin dito nga namin gagawin ang iba ang madadali lang para sa booth namin.
Fast forward
-------
THIRD PERSON P.O.V
Sa kabilang dako naman ay kampante lang si Roselyn sa kaniyang inuupuan habang ang mga classmates nito ay busy sa kanilang gagawin booth. Dahil ayaw niya mapagod kaya gusto niya naka upo lang ito at manuod lang sa kanila.
"Ano ba 'yan Roselyn tumulong ka naman!" Reklamo ng kaniyang kaibigan na si Iress habang nag gugupit ito.
"Kaya niya na 'yan. Kaya 'wag mo ko istorbuhin magpahinga ayaw ko mapagod duh!" Pag ka inis naman nito kay Iress na wala na nagawa kundi ituloy ang ginagawa.
Sila Savannah naman ay panay alis lang sa kanilang room na 'di naman napapansin ng iba. Pumunta sila sa cafeteria para kumain dahil nagugutom sila.
"Nako, Savannah ang dami pa natin gagawin tumakas pa tayo." Sabi ni Cristylyn habang umiinom ito ng juice.
"Pakealam ko sa kanila, at ayaw ko magpagod para lang sa festival na 'di ko naman gusto ang panget ng suggest ni Princess tsk.
Pagkakaalam ko ang section 3 ata na ang gagamit sa booth na dapat atin. Ang hirap naman ng sa'tin nakakapagod kaya manghuli gosh!" Reklamo nito.
"Wala tayo magagawa at gusto ng press natin ang jail booth mag pretend na lang tayo na nakatulong diba?!"
Ngumisi naman agad si Savannah sa suggest ng kaibigan niya.
"May utak ka din pala?!"
"Malamang!"
At nagtuloy sila sa kanilang kinakain lalo na sila lang ang tao sa cafeteria.
Natapos naman agad sila na busog at pumasok ulit sa room nag pretend sila na tumutulong kahit wala naman kunwari ay nag gu-gupit siya ang kahit ang totoo ay nilalaro lang niya ang papel.