Kimberly Point of view
Kaya naghiwalay na kami paglabas ng gate.
Maganda ang araw ko kasi wala sila Savannah at Roselyn na gugulo sa'kin himala ata 'yon.
Nakarating ako sa bahay ng ligtas.
At kumain na din agad dahil nagutom ako.
Pag akyat ko sa kuwarto ko ay nagbihis na lang ako.
At humiga na nakakapagod ang araw na 'to .
Hanggang sa nakatulog ako.
Makalipas ang isang buwan, ay maraming nangyari syempre ang pag-aaral na kailangan namin makapasa lalo na sa mga quizzes na ibinibigay nila sa'min habang patagal nang patagal pahirap naman siya ng pahirap. Nakakapressure ang tambak na gawain sa school, like activities, assignment.
Higit sa lahat ang pagiging malapit namin ng mga kaibigan ko sa mga boys na sila Jiro, ok naman pala silang kasama masaya at totoong kaibigan din sila para sa'min.
Sa isang buwan naging comfortable kami na sa isat- isa total naman ay kaibigan na nga namin sila hindi maiiwasan na magkaroon ng basher, pero 'di na lang namin ito pinapansin ang mahalaga ay masaya kaming magkakasama na para bang magkakapatid na 'di maiiwasan ang kalukuhan sa lahat nangunguna ang boys at mabunganga ni Sheina.
Diko akalaing magiging masaya kami na magkakasama araw-araw walang sawa ang pag kukulitan namin na akala mo wala ng bukas at gumawa ng kung ano ang nasa isip ng boys para lang mang trip.
Sa isang buwan walang gumulo sakin tulad nila Savannah at Roselyn tahimik ang buhay kong wala sila naging mas masaya ako do'n, dahil wala ng gulo man sa'min ng mga kaibigan ko kahit nagkikita man kami ni Savannah sa school ay walang naganap na gulo basta naging tahimik ang mundo ko.
Sa pagsasama namin lahat 'di mawawala ang bonding ng bawat isa syempre always andiyan 'yung boys sila taga treat kasi sila Sheina at Bliss nangbuburaot lagi sa kanila na walang nagagawa ang boys kundi pagbigyan. Nakakatuwa pa na sila ang madalas mang libre sa'min kapag oras ng lunch or recess na kahit nakakahiya man pero wala ko magagawa dahil sila Sheina madalas mang buraot sa kanila.
Sa ngayon andito kami sa park bonding with us, masaya na naman kasi kasama sila at maingay dahil bunganga pa lang ni Sheina at Bliss wala ng tatalo dito.
At wala naman kasing pasok its sunday kaya naisipan namin dito mag tambay sa park muna. At ngayon nga ay 'di namin kasama ang mga boys may mga lakad daw kasi sila kaya kami na lang nagpasya pumunta dito. Naka upo ako sa swing.
Medyo hapon na kaya 'di mainit at mahangin tahimik ang park ngayon kami lang kasi ang tao.
Nagsilapit naman silang lahat sakin at umupo sa tapat ko buti 'di ako nagduduyan kundi talsik sila kung ganon ang nangyari.
" Grabe, ang biliss ng araw biruin niyo 'yon? Naging close na nating ang mga boys. " Yssa. Habang naka upo sa harapan ko, ako kasi nasa duyan at 'di pinapagalaw at baka masipa ko siya
" Trueee lagi din sila naasahan." Kilig na sambit ni Bliss.
Binuburaot niyo lagi eh.
" So anong meronn na sa inyoo? Meronnn na bang level?" biglang tanong ni Sheina at talagang kinikilig ito sa sariling tanong niya.
Ang daming tanong naman.
" Level ka diyan. Kaibigan lang. " sagot naman ni Julia habang natingin sa ibang slide kahit wala naman tao.
" Weee?! " Yssa.
" Ang dami n'yong tanong basta magkakaibigan lang kami. " pagtatama ni Jera sa kanila.
'yung mukha naman nila Sheina halatang ayaw maniwala kasi para silang nasusuka na ewan.
"Ok. Sabi niyo eh. " Sheina.
At tumayo sila bumalik sa mga ginagawa at nag kaniya-kaniya na naman sila ng mundo.
Naiwan naman kami ni Jharlyn na ngayon ay busy sa hawak niyang bracelet pinaglalaruan niya.
"So. Kamusta naman kayo ni Rome? " tanong ko nagulat s'ya sa 'di inaasahang tanong ko.
" Huh?! Ok lang naman kami. " sagot niya 'di makatingin sa'kin halata 'to eh.
"Talaga? So... gaanong ka ok kayo?!" Dagdag kong taong ulit at baka umamin lang at 'di niya alam ang isasagot niya sa tanong ko kasi nakatanga lang ito.
" Ah oo naman. " Jharlyn 'di mapakali ang mga mata ang likot.
" 'Yong totoo anong meron na ba sa inyo? Kaibigan mo ko Jharyy at alam mong ayaw ko sa lahat nag lilihim kayo sa'kin. " seryoso sabi ko sa kaniya.
Gusto ko kasi malaman ano na bang mayro'n sa kanila kasi kilos nila kakaiba this past few days at 'yon ang napapansin ko.
Nagulat naman siya sa'kin.
Seryoso ako sa sinasabi ko kaya sana 'wag siyang maglilihim kundi magtatampo talagaa ako sa kaniya.
Napalunok pa siya ng laway bago magsalita.
" O-ok fine sa-sabihin ko na." utal pang sabi niya sa'kin na halatang kinakabahan sa magiging reaction ko.
Kaya napangiti ako kasi aamin siya at maganda kung gano'n.
" Anoo kasi Kim, hayss... diko alam saan ako magsisimula eh. Ang totoo matagal na kaming magkachat ni Rome nung time na nagkakilala tayo lahat. " kuwento niya na sakin.
At ano daw? Matagal na sila magkachat?
Napatingin ako ng seryoso sa kaniya at siya kinakabahan na ipagpatuloy.
Matagal na palaa silang magkaibigan kung ganon ? Ng 'di ko alam.
" Tapos anong nangyari?" Tanong ko pa curious talaga ako eh.
"Ayun nga nagkakachat kami gabi-gabi lagi niya Kong pinapakilig gamit ang mga linyang pickup line, so diko aakalaing na mahuhulog ako Kim, pwamiss wala pang kami ok. Pero nanliligaw na siya sakin nahihiya akong umamin sa inyo kasi baka magalit kayo sakin at lalo kana kilala kasi kita. Alam din niya 'yun kahit sa mga kaibigan niya wala din siyang sinasabi about sa panliligaw niya sakin kasi gusto ko sakin mo na mauna sa inyo magsabi ta's siya naman sa mga kaibigan niya. Kim nakakahiya talaga. "
Mahabang paliwanag sa'kin na halatang pinagsisihan na naglihim ito sa'kin.
Medyo 'di pa pumapasok sa utak ko lahat ng sinasbi niya.
Loading pa...
Napakurap pa ko sa mukha niya ng maintindihan ko na lahat ng paliwanag niya.
" Eh teka totoo nanliligaw na siya? So tama ang hinala namin nila Abigail? Kasi grabe kang kiligin kapag Kayo nagtitigan at sinong magagalit ako ba? tsk. Magagalit ako kung kayo na pero dipa kayo nagsasabi sakin o sa'min at 'wag kang mahiya saan pa at naging kaibigan mo kami Jharlyn, kaltukan talga kits hiya ka pang nalalaman letse ka!" sabi ko sa kaniya dahil ok lang naman sakin 'wag lang talaga sila maglilihim lalo na kapag sa iba ko pa nalaman mas magagalit na ko sa kanila.
" Sorry na nga ehhhh ako na Bahala kila Julia sasabihin ko din pag nasulo ko sila hehe thank you basta ako na magsasabi ah." hawak pa ang kamay ko at nagpapacute pa.
" Oo na , letse ka! Ikaw ahhh in love ka naa ayusin mo lang 'di ka masasaktan diyaan sa pinasok mo kundi ako unang kakaltuk sayo! " pananakot ko pa sa kaniya dahil ayaw ko lang siya masaktan sa lalaki nako kapag nangyari 'yon maghanada na siya.
" At 'wag mo naa siya sagutin kilalanin mo muna ninyo ang mga sarili bago kayo diyan pumasok ok?!" dagdag ko pa.
" Wahhh opooo Kim, pwamiss 'dipa talaga, hehe sige puntahan ko muna sila Sheina salamat. " sabi niya at tumakbo papunta sa kanila.
Naiwan ulit ako at napapaisip paano pa kaya sa iba kung kaibigan baka gano'n na din sila. Haysss kapag iiwanan na ko ah...
Teekkk wengyaa 'yun kundi ko pa tinakot 'di pa aamin ang bruha kaloka kailangan ko pa pala siyang takutin para umamin eh kakaiba din eh noh?! Matagal na pala sila magkachat at nagkakamabutihan ng 'di namin alam. Iniisip ko ang iba kung mga kaibigan baka may mga lihim din sila na 'di pa naamin nako.... sinasabi ko lang sa kanila ayaw ko naglilihim sila sa akin kung 'di makikita nila ang nakatago sa katawan ko.
Ok lang naman sa'kin na magkagustuhan sila basta alam ko kung anong mayroon sila.
Sana lang 'di siya saktan pag naging sila kundi yare 'yang Rome Laurent sakin baka makita niya ang isang Kimberly Nicole Cardenas na 'di niya inaasahan.
Natapos ang araw namin at nagsi uwi na kaming lahat dahil mag ga-gabi na pala nag enjoy naman kami, kahit sa park lang kami nakatambay ng ilang oras.
Pag ka uwi ko ay umakyat ako sa taas para magpahinga sa kuwarto at nagbasa muna ako ng bagong book na nabili ko no'ng nakaraan linggo lang.
Tinamad na ko magbasa kaya natulog muna ko ng makapag pahinga ang katawan at utak ko.
--------
Jiro Point of view
MONDAY
kaya maaga ko nagising at nag ready na din.
Pagkatapos ko kumain ay umalis na din ako agad.
Pagdating sa school ay nakita ko sila Rome ako na lang pala nahuli.
Ang aga naman ng mga 'to magsipasok mayga hinihintay ata ang mga ugok na 'to kaya lagi sila maaga pumasok.
"Ang aga niyo mga dre ah?! " Tanong ko at sabay naglakad papuntang tambayan namin.
" Aga ka diyan?! Gantong oras namann talaga kami napasok. Ikaw lang ung laging late sa ating Lima noh? Kaya 'wag mo na kami idamay haha." sabi pa ni Brix.
" Haha oo nga, baliktad ata dapat kami magtatanong sayo ba't agaaa mo ngayon huh?!" Balik tanong sa'kin ni Lander.
Mga kumag talaga ako pa binaliktad eh sila nga lagi mas maaga.
" Wala na kayo do'n. Dito na tayo." Pag-iiba ko at nauna pumasok sa loob.