Kimberly Point of view
"Thank you for coming students, and last congratulations to all representative! By the way guys one week wala kayong pasok para makapagpahinga ang lahat, syempre sa gabing ito ay dito na nagtatapos ang celebration natin. Thank you mag-iingat kayo sa pag-uwi. Good night everyone! "
Mahabang paliwanag niya sa lahat.
Sa haba siguro ng paliwanag niya iyong one week bakasyon namin hahaha.
At nagkaingayan na naman kasi walang pasok ang saya na nila masyado. Kasama na kami do'n.
"Wahhhh, yes makakatulog na ko ng maayos! Haha."
"Shopping na this Ocfe?!"
"Game, Mariefe!"
"Yown! Walang pasok mobile legends na din ng magdamag!"
"Saya nito wala na sasakit sa ulo ko sa mga quizzes hehe!"
ano, ano pang mga sinasabi nila.
Lumabas na din kami kasi para makauwi na at antok na din ako.
Grabe 10pm na pala .
" Hayyyy salamat uwiann na. Nakakapagod!" Antok na sabi ni Abigail.
" Makakatulog na din ng ayos." Yssa.
" Boringggg na naman haha." Julia.
" Hahaha true ano balak?" Jharlyn.
Mga nagbabalak na sa mga puwedeng gawin habang wala mga pasok.
" Ewann bahala na. " i said.
" Antokkk na koo. " Jera.
" Same. Naubos na ang sigla ko." Bliss.
Pagkarating sa park nagpaalam lang kami sa isat-isa kaya sumakay na ko antok nako at pagod na din sa buong araw na ito.
Pagkarating sa bahay patay na ang mga ilaw kaya umakyat na ko sa kuwarto ko.
At nagbihis lang ng pantulog. Sobrang antok na ko.
At humiga na grabe sobrang sakit ng likod ko bigla.
Diko namalayan nakatulog na nga ko habang yakap yakap ang stich ko .
KINABUKASAN
Nagising ako sa ingay ni mama kaya napabangon ako at tumingin sa orasan ko.
10 am na pala.
Naparami ang tulog ko kaya pala ang sarap ng tulog ko hehe.
Kaya tumayo ako at uminom muna ng tubig.
At naligo na din.
Nagbihis lang ako ang suot ko T-shirt na malaki sakin at maiksing short.
At bumaba na ko .
At nagtimpla ng gatas at nagsandok ng sinangag at bacon at itlog with ketchup.
Hmmmm yummy.
"Hoy Kim ano oras ka naka uwi?" biglang sulpot ni ate sa harapan ko at nagtimpla din.
Kakagulat naman 'to.
" Saktong 10 natapos ung celebration kagabi at umuwi agad kami nila Julia." sabi ko habang kumakain na.
" Ahh kamusta naman 'yung band? " tanong niya pa
Kaya napatingin ako sa kaniya.
Himala at may pakealam siya sa band namin.
" Ayun panalo ung 4th year. " tamad kong sabi.
" Ahhh ok, so walang pasok na ilang days ?" tanong nga pa.
" One week. " sabay subo ulit.
" Mahaba haba din pala sige kumain ka lang diyan." sabi Ni ate at umalis at nagtaka naman ako kasi kinausap niya kung maayos.
Himala ano ba nakain nun?
Kumain na lang ako hanggang sa matapos sabay balik sa taas at nag bukas lang ng laptop naglaro lang ako ng kung ano-ano .
--------
bumaba lang ako para kumain at aakyat na naman para maglaro or 'di kaya magbasa sa mga pocketbook ko .
Kapag nabobored na ko cellphone naman ang hawak ko at kung ano-ano kinukulikot ko.
Nag selfie pa nga ko sa sobrang kabored ko unang araw ng walang pasok sobrangggg bored na koo nakakamatay ang pagkabored diko kayaaa pa'no pa kaya ilang araw pa jusmiyo.
Nakakatamaddd pala.
Para akong tanga kakaikot sa loob ng kuwarto ko at bubuksan ang TV para manuod ng drama o k-drama.
Pagadating ng gabi bumaba lang ako para kumain at maglinis sa baba.
At akyat sa taas para matulog na nag linis muna ko ng katawan ko bago humiga at nag muni-muni sa kisame baka kasi may butiki na mag asawa kaso kakahintay ko walang dumating na lovers lizzard.
Makatulog na nga .
Pumikit na ko at diko namalayan nakatulog na .
KINABUKASAN
Kusa akong nagising at tanghali na naman nakaupo lang ako ng biglang may kumatok.
Tok, tok, tok....
"Pasok." habang tinatamad akong lumingon.
" Hoy, kumilos ka na diyan may naghihintay sayo sa baba. " sabi ni ate kaya napatingin ako sa kaniya.
Nagtaka ako sino naman mga bwesita ko .
" Sino daw? " tanong ko.
" Mga classmates mo malamang. Kaya bilisan mo na 'wag mo silang paghintayin nakakahiya ka ka, tsk. " taray Ni ate bago umalis.
Ang aga high blood ni ate Kath.
'Samantala kahapon ang bait niya ta's ngayun sinapian na naman, meron ata 'yon?
' At anong ginagawa ng mga bruha sa bahay namin? '
Parang tanga na ko kinakausap ko na ang sarili ko.
Kaya naligo na 'ko mga ilang minuto sa pag-aayos shadannnnn im pretty na.
Kaya lumabas na ko para puntahan ang mga bruha at ba't naisipan nila maligaw dito ng walang pasabi sa'kin.
Pagdating ko mga nakaupo sila at ang ingay nila Jera at Bliss jusq kahit saan talaga kayo mabunganga talaga.
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin .
Alam kong maganda ako.
" Tanghali na, grabe ka wala ka na niyan itutulog. " Bliss.
" Puyat ka na naman ano?" Abigail.
"Kumain ka na mo na ta's lakwatsya tayo dali wait ka namin dito." Julia.
" Ba't 'di kayo nagpasabi na pupunta kayo dito?! " ako habang naglakad papasok sa kusina.
Sumunod naman si Julia at Abi sakin ung iba naiwan na sa sofa na nanunuod pa.
" Ehh para surprise haha. " Abi.
Anong surprise do'n? Nakakaistorbo kayo ng tulog ko e.
" At syaka nakakamatay ang pagkabored sa bahay. " Julia.
Kaya pala eh.... halata naman na dito kayo sa'kin mag iistorbo ngayon.
" Haha kayaa nga eh para akong tanga kahapon ang boring, so saan naman tayo?" sabi ko nagtimpla ng gatas.
At umupo na ko at nagsimula kumain.
" Sabayan niyo kaya ako. " alok sa kanila.
" Tapos na kami, sa bahay kami ni Julia kumain hehe. " Abigail.
"Ahhh ok tapusin ko lang 'to kuha na lang kayo diyan ng makakain dalhan mo sila Bliss do'n. " sabi ko.
"Sige, sige." sabi pa ni Julia at kumuha sa ref ng cookies at juice at lumabas na sila ni Abigail.
Kaya sinimulan ko na kumain.
Pagkatapos umakyat na mo na ko para makapag bihis ng pang alis.
Bumalik ako kila Jera .
" Arat na ba?! " Bliss.
Ay, hindi baka gusto mo sa kuwarto na lang tayo mag bonding para iwas gastos.
" Paalam lang mo na ko kila mama." sabi ko.
At pumunta sa kuwarto niya sakto nag lalaptop lang naman.
" Ma, alis po muna kami ng nga kaibigan ko. " malambing paalam ko ..
Lumingon siya sa'kin..
" Sige ingats kayo 'wag masyadong magpagabi Kim. " paalala pa ni mama sa'kin.
" Ok po, thank you ma, bye po."
Pagbaba ko ngumiti ako sa mga kasama ko kaya nagsitayuan na sila.
At gamit namin kotse ni Julia at si Bliss ang nagmamaneho.
" Sa'n tayo? " tanong ko.
" Sa resort nila Jharlyn, sa Laguna. " sagot ni Jera.
" Woah that's cool bet ko 'yan." sabi ko pa.
" Yup syaka alam nila tayo ngayon naka reserve do'n Alam Kong 'di kayo magsisi sa ganda ng lugar do'n. " Jharlyn na nakangiti sa'min katabi siya ni Abi.
" 'Wag kayo mag alala complete ang gamit natin at nagpahanda na ko ng food do'n. " dagdag niya pa.
Halatang pinaghandaan talaga niya ang mga kailangan namin.
Kaya tahimik naman ang byahe kasi karamihan. Sa'min mga natulog may mga baon na nga kaming food kapag nagutom kuha na lang sa basket .
Ang sabi sa Laguna resort pansol calamba Laguna.
(Search niyo maganda 'yun basta 'yon ang napili ko hehe )
' Ngayon ko lang nalaman may resort pala sila Jharlyn sa Laguna. '
Wala sa sariling tanong ko .
Katabi ko si Julia malapit ako sa bintana ayaw ko sa walang bintana.
At umidlip mo na ko mahabang byahe naman eh .
" Hey, andito na tayo wake up guys. " Bose's 'yun ni Jharlyn.
" Ammmm." ungol pa ni Julia.
Kaya dumilat na ko kaya bumaba na kami at pagbaba ko.
' Woww ang ganda ng bahay white house siya malamang puti ang kulay kaya white house tulig. '
King ina nababaliw na ko kakausap sa sarili ko malala Na 'to tsk.
Kaya pumasok na kaming lahat.
" Wow?! Ang ganda simple but illegant ang loob. " mangha pang sabi ni Bliss na nakanganga sa mga nakikita niya.
" Mga 2days tayo dito kaya super saya nito. " sabi pa ni Jharlyn.
Hala! Seryoso? Two days kami mag s-stay.
2 days....
" Wait, tama ba pagkakarinig 2 days tayo mag s-stay?" tanong ko nanlalaki ang mata.
" Haha Yes ayaw mo nun? " sabi pa niya.
Holy mother, bakit 'di niya kami ininform na two days jusq Jharlyn.
"Omygod! Sis, wahhh! Bakit 'di mo sinabi? Isang damit lang ang dala namin, kasi akala ko uuwi agad din tayo mamaya." biglang singit ni Julia na halatang naiirita dahil isa lang ang baon niyang damit.
"Eh, sorna. Hahaha, don't worry may mga extrang shirt dito so don't sha worry ok." pagpakalma niya kay Julia.
"Sabi mo 'yan ah. Ayusin mo may extrang shirt dapat maganda na babagay din sa'kin." Arte niyang sabi.
Kahit kailan ka talaga Julia Mae.
No choice kami at mag stay para 'di bored