Kimberly Point of view "Sino 'yung bagong kasama nila Roselyn?" Biglang tanong ni Brix na ngayon lang ata niya napansin na may transfer. "Ngayon ko lang sila nakita dito, transferre ba sila?!" Dagdag pa nito at tinitigan ng maigi ang bagong kasama nila Alyssa Dano. "Oo kahapon lang din saka classmates nila." Sagot ni Bliss. "Mas gwapo pa ko sa kaniya e." Biglang wika naman ni Rome na kakarating lang ang hangin bigla. "Teka bumagyo bigla nako mga beh hawak maigi at matangay tayo ng bagyo na nag ngangalang Rome!" Biro naman ni Sheina na ikinatawa namin. "Aba! Grabe ka naman sakin She, sa gwapo kong 'to bagyo talaga huh?!" Kunwaring inis nito kay Sheina. "Ha? Hakdog Hahhahahahha!" Sagot naman niya na ikinatawa namin. "Maiba nga tayo ng topic kamusta naman mga practice niyo?" Singit ko

