CHAPTER 17:ANNOUNCEMENT

1507 Words
Kimberly Point Of View Kinabukasan Ring... Ring... Ring... Naalimpungatan ako sa ingay ng cellphone ko, dahil alam ko may tumawatawg dito kaya kinuha ko ito at napatingin sa screen kung sino istorbo sa masarap kong tulog. "Julia?" Bulong ko pa at dito at sabay pindot ng kulay green para maka-usap ko siya " Hello, bakit?" Ako habang nahikab dahil ramdam ko pa ang antok ko. ( Nakaready ka na ba? ) Sa kabilang linya ang ingay naman. "'Di pa. Bakit ? " Sagot ko na may pagtataka sa tanong niya. ( Ehhh.... huy! bilisan muna kaya andito na kami sa garden. At anong oras na dzay?! ) Malakas na sigaw pa nito sa kabilang linya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, anong oras na ba? Kaya naman napatingin ako sa orasan ko. Ay pakening sh*t?! 5:55 am na holy cow! Bakit? Wahh! Nakalimutan ko mag alarm jusko! Ang tanga mo self?! Bakit sa dinami-rami ng kakalimutan mo ito pa? Nako naman late na ko nito. (Oh aniyan ka pa? Ano dali na kumilos ka na diyan! Langya, nakalimutan mo pa ata mag alarm. Sige na. Babush bilisan mo na!") Sermon nito bago niya patayin ang call. Kaya nag madali na akong maligo 'di na nga ako nakapag shampoo ng maayos, dahil nagmamadali na sila at minadali ko na din ang pagbibihis habang natakbo pababa inaayos ko ang laman ng bag ko at chineck na din baka kasi may nakalimutan ako. Ang engot ko pa naman minsan sa ibang bagay nakakalimutan ko. Palabas na sana ako sa pinto kaso. " Kim, 'di ka ba kakain? " si mama napatingin ako si ate pumasok na ata. "Ah, late na po 'ko ma babye na po sa school na lang po ako kakain. " ako sabay takbo s**t late na huhuness. Habang nagtatakbo wahh s**t, lang mukha akong bruha wala pa kong suklay. King ina ang malas naman mukha akong sinabunutan ng mga maligno sa kanto sa itsura kong 'to. Kaya naglakad ako, nakakahingal naman ang ginagawa ko. At kumuha ng suklay sa bag at inayos ang buhok ko. Saktong paglagay ng suklay sa bag nasa gate na ko. Perfect. Ang dami na ng tao. Nag 1st alarm na siguro napatingin ako sa clock banda sa may guard house. 6:20am. Sh*t, baka nasa room na sila. Jusko, ang aga naman ata ng kamalasan ko. Ring... Ring... Kinuha ko cellphone ko at si Julia ulit kaya naman mabilis ko itong sinagot "Asan na kayo? Paakyat na ko. " nagmamadali sa hagdan. (Bilisan mo habang wala pa si Ma'am gaga sige bye na!) Kaya umakyat na ko kakapagod naman nasa 3rd floor pa kasi room namin . Mas lalo naman ako hiningal sa lakad, takbong ginagawa ko. Pagkarating sa tapat ng pinto binuksan ko na at napatingin sila sakin. Oh, nakakita sila ng maganda? Ako lang 'to mga classmates. " Suwerte ka Kim, wala pa si Ma'am." Savannah. " Sayang. Hahahaha! " Cristylyn. Di ko na lang sila pinansin at umupo na ko kila Abigail. "Anyare sis, na late ka ata?" Jera. "Oo nga ang tagal ng paghihintay namin sa garden. " Jharlyn. " Nakalimutan mag alarm, " ako. " Sabi na e, haha! " Julia. " Save mo kasi. " Abigail. " Nagugutom na ako?!" nakanguso kong reklamo tumingin sila sakin na kala mo nandidiri. Napataas tuloy kilay ko. Ano naman mga iniisip ng mga 'to at ganiyan makatingin. "Oh, ba't kayo ganiyan makatingin?!" inis kong tanong sa kanila. " Ang panget mo kasi, 'di bagay. " si Jera na natatawa. Napataas tuloy kilay ko sa asar niya, maganda ba siya? Sapukin ko 'to eh. "Haha dinaig mo pa ang pato Kim. Hahahhaha sa haba ng nguso mo kwak-kwak haha!" Panggagatong pa ni Julia. Napasimangot ako sa asar nila. Sige pagtulungan niyo ko. " Gaga sipain ko kayo, e may baon kayo? Pahingi." ako paawa effect hehe. Baka lang mayro'n sila na binili para sa'kin. "Tsk. Here, bili ko kanina bago umakyat sayo na lang! " si Jharlyn inabot naman niya agad sa'kin ang nabili niyang sandwich. Wahh! Natakam ako bigla. "Wah, thank you beb! Hehe, teka wala bang pantulak diyan? Hehe." birit ko pa. "Hanep 'to? Naghahanap ka pa ng pantulak, si Abigail mayro'n yan. Woi! Abi. Bigay mo binili mo kaninang choco zesto!" Tawag ni Jharlyn kay Abigail. Kaya si Abi, kinuha naman niya agad ang choco zesto yummy hehe. "Here!" Pag-abot niya sa'kin kaya ngumiti ako. "Bilisan mo na lang kumain baka maabutan ka ni Ma'am. " sabi pa sakin ni Jharlyn sabay balik sa pagbabasa gano'n din si Abigail, sana all masipag magbasa. Ako kasi tamad magbasa lalo na kapag subject ang babasahin. Sila Julia at Jera diko alam ginagawa pero may sinasabi siya kay Jera na diko gets . Ano kaya pinag-uusapan ng mga 'to? Masyado pang mga seryoso ang dalawa. Hinayaan ko na lang sila mag chikahan habang wala pa si Ma'am. Kaya kumain na ko, nakakagutom pala tumakbo. Natapos ang pagkain ko sakto dumating naman si Ma'am. Hindi din nagtagal si Ma'am kasi pinagawa lang niya sa amin ay magsulat. Makalipas ng ilang oras natapos ang pagsusulat sa ibang subject . Nag bell na din na din sa wakas. Pero 'di muna kami tumayo may i aannounced daw ang class president namin kaya wala muna lumabas. Ano kaya mayroon? Kaya pumunta din siya sa harapan para mag salita. "Ok, classmates listen first, i have a good news for announcement. So from principal, i want to say this upcoming next monday its our festival this school---" hindi niya natapos sinasabi niya dahil nagsigawaan bigla ang mga classmates ko. "Omo! Im exciting this festival!" Savannah. Ang arte ah. "Yes!" "Hey! Stop, ok. Im not finish, so listen classmates." Pres. Nanahimik naman agad sila kaya nagsimula ulit mag salita. "Ok, for our festival may mga booths so lahat ng section ay magkaka individual booth ang lahat ng years, so ibig sabihin kapag wala tayong nagawang booth na panlaban ay bagsak tayo, kaya please makipag-cooperate kayo sa gagawin nating booth. Suggest na kayo ng sa'tin para ma lisk ko na agad?!" Mahabang paliwanag niya kaya nag ingay na naman ulit sila. "Wah! " " Sige, ano ba ang atin?" "Dapat maganda at patok sa iba?!" "Photo booth?" "'Wag 'yan, dapat mas bago!" "Kung jail booth na lang? Tapos, huhulihin lang natin sila at syempre ikukulong ng isang oras kung may magbayad ng 50 pesos, saka sila papalayain agad." Suggest bigla ni Princess. Isang magandang idea. "Nice idea, so jail booth na ang ang section 1." Masayang sabi ni press. " Yes!" Sabay na sigaw namin. " Sige, thank you for your cooperate, so good luck sa atin sa Monday." Sabi ni press. At sabay labas na niya. Kaya ang ending. Nag ingay naman na ang mga classmates namin saga gagawin nila. Kaya pagkatapos nag labasan na nga kami, naglakad na papuntang cafeteria at nakahanap agad, sakto sila Yssa kakarating lang din. "Wah! Exciting sa monday!" Yssa. "Kaya nga eh, anong booth niyo Kim?" tanong agad ni Bliss sa'kin. "Jail booth. Kayo?" I ask. "Sa section namin ay mag prepare kami ng isang photo booth, 'di ko alam bakit 'yon? Ang sinuggest nila ang simple kaya." reklamo ni Bliss. "Ayan ang unang suggest ng classmates namin kaso ayaw ni press, kaya binago." Jera. "Ok na din 'yan kasi maglalakwatsya lang ako bahala sila haha." Sabi pa ni Bliss at natawa kami sa gagawin niyang kalukuhan. "Wah! Ako pag free lang, baka lahatin namin bisitahin mga booths!" Abigail. "Nakaka-excited lang hehe." Jharlyn. "Yes, wala din pasok hahaha. Baka friday pa announced 'yung oras sa festival."Julia. "Oo friday na yan." Yssa. Kaya umorder na kami ng makakain at kumain na din syempre hindi mawawala ang kuwentuhan at tawanan namin dahil sa mga kalukuhan nila. Masaya ang araw na tahihimik at walang mga imoakta or impakto sa paligid ko. Kaya mas maganda ang ganto dahil tahimik ang mundo ko at maganda ang araw ko ngayon sana nga tuloy-tuloy na 'to para naman walang gulo sa pagitan namin ni Roselyn. Ang laki lagi ng galit sa'kin ng babaeng 'yon. At ganoon na lang ma high blood sa'kin. Sarap niya itapon sa ibang planeta ng makahanap siya ng pag tri-tripan niya do'n at 'di ako lagi ang gingulo na akala mo may kasalanan na ko. Kakainis laging pa bida akala naman ata niya ikaka famous niya ang pagiging queen niya eh baka isampal ko sa kaniya pagiging maldita ko kapag naubos na ang pasensya ko sa babaeng 'yon. Mabuti na lang lagi ko kasama ang mga kaibigan ko na alam ko hindi nila ako iiwan, kahit na may pag ka moody ako. At sanay na sila sa pagiging maldita ko minsan kasi 'di ko mapigilan ang sarili ko na manahimik lang, lalo na tinatapakan na pagkatao mo. Aba ayaw ko ng ganoon ayaw ko kasi na nagmukukha akong kawawa sa mga mata nila lalo ka kasi kakawawain. At ayaw ko mangyari iyon sa'kin or sa mga kaibigan ko mahalag sila para sa'kin kaya ayaw ko mapahamak din sila. Nako, bigla ata ako naging madrama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD