Jiro Point of view
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
Kringg.....
Ok bell na uwiann na bago mag ayos tinext ko na si Kim.
Compose messages
- Kim -
Hey, tapos na klase namin sunduin kita diyan wait mo na lang ako .
Message sent .
Message received
-- Kim-
Ahh, sige kami din wait na lang kita .
" Ok class dismiss. " wika pa ni Ma'am at saka siya lumabas
Kaya nag unahan na din ang iba para lumabas.
" Tara sunduin natin sila." Excited na sabi ni Rome sa'min.
"Baka ikaw lang? Kaya 'wag mo na kami idamay." Biro naman ni Lander.
" Suss alam naman namin na gustoo mo ung kaibigan ni Kim, so taraa na. " pang-aasar pa ni Rome.
Dina lang ako nag ingay at naglakad papunta sa building nila Kim baka naghihintay na din siya.
Pagdating namin wala na masyadong tao at complete sila naghihintay.
" Sana all may taga sundo. " pang aasar ni Sheina.
" Bunganga mo ang ingay kanina ka pa." Saway naman ni Abigail.
"Hello, Jharlyn. " Rome 'diko napansin na magkatabi na pala sila ang bilis ni Rome ah.
" So, taraa na?!" Kim habang sa'kin nakatingin.
Lumapit ako sa kaniya ung mga kaibigan naman niya na may nanunuksong tingin.
"Alam na thiss, hahahaha." Pang-aasar ni Bliss.
" Woahhhh my next na aamin dinn dito." Pagpaparinig naman ni Sheina at natawa pa sila ni Bliss na parang mga baliw.
" Wetsung tayo haha." Sang-ayon ni Yssa.
" Shut up kakaltukan ko Kayo!" pananakot ni Kim sa kanila.
"Susss kiligg ka lang ehhh, " sabi pa no Sheina na parang 'di naman natakot.
"Haha oo dinadaan lang sa kaltuk Kim?!" Tanong ngunit pang iinis ni Bliss ag sabay natawa.
Habang sabay kaming naglalakad palabas.
Hanggang sa makarating sa parking lot.
" So, hatid na namin Kayo, girls. " biglang wika ni Brix sa kanila.
" Nako meron akong dala kotse sila na lang. Sige mauna na kami ingat na lang kayo. Taraa na Sheina at Bliss." Pagyaya ni Yssa sa kanila at hinila ang dalawang na halatang nagtataka.
" Teka lang ---" pagrereklamo ni Sheina habang sila papalayo sa puwesto namin.
" Wala ng teka, teka bunganga mo tatapalan ko na talaga 'yan!" habang palayo sila sa'min.
"Eh, kasi naman eh.... ayon na ihahatid na nila tayo ba't kasi isasama mo pa kami sa kotse mo!"reklamo din ni Bliss habang nagpupumiglas.
"Common sense na lang kayo!" At itinulak niya ang dalawa sa kotse nito at mabilis na umandar.
Sana 'di sila mapahamak, bakit kaya?
" Baliw talaga ang mga 'yon nang-iiwan bigla?!" Takang sabi ni Jera.
"'Di man lang sila nagpaalam ng maayos? Nilayasan agad tayo." Sambit pa ni Jharlyn.
"Nagmamadali eh, may lakad ata?! " Julia.
"Hanggamg ganto na lang ba tayo dito?!" Tanong sa'min ni Abigail na halatang naiinip na kasi nag chichikahan lang sila.
Napatingin kami sa kaniya ang sungit din nito at may pag ka ugali sila ni Kimberly pero mas kakaiba si Kim.
" Haha. Tara na Abigail ako na hahatid sayo. "pag alok na ni Brix sa kaniya at nagulat naman ito at bigla napataas ang kilay.
" Eh, pa'no sila?!" turoo naman ni Abi sa ibang kaibigan niya.
"Kami na bahala mauna na Kayo. "Sagot ni Lander sa kaniya tumango na lang ito.
" So, let's go Abigail mabait ako." sabi pa ni Brix at kinindatan ito bigla ata kinalibutan si Abi sa sabi niya dahil umarte siya napataas ang balahibo.
"Err... 'di ko tinatanong, tara na nga daldal mo e Kim bukas ulit ingat kayo guys sa mga boys! " bilin niya pa at sumakay rin naman.
" Yes Ma'am, iingatan namin ang mga kaibigan mo! Don't worry Abigail." Sigaw naman ni Raven.
nakaalis naman agad sila.
" So. Tara na uwiii na din tayo Ms. Julia. " alok na ni Raven kay Julia bigla naman ito namula.
"Nice solo mamen haha sure Tara. So paano ingatt kayo kitaa kits bukas. " Julia at sumakay na din sa kotse at umalis na din.
Sumunod naman sila Jharlyn at Rome na sumakay.
" Ingat pag uwi kitsa kits bukas !" Sigaw pa ni Jharlyn ng makasakay na siya at nakasilip sa bintana, at tumango na lang kami at saka sila umalis.
" Soo Jera ako na hahatid sayo kung ok lang lang? Alam naman natin si Kim at Jiro na ang magkasama." Pagtatanong ni Lander kay Jera.
"Ano pa nga ba? Its ok, Kim bukas ulits text ako maya ok." sabay sakay niya.
" Ingat Kayo ahh. " Lander at sabay alis nila kaya kami na lang naiwan ni Kim.
" So. Tara hatid na kita?! " alok ko at tumango lang siya at inalalayan ko s'ya at nag selbelt na din at sumakay na din ako.
" Sa'n kita ibaba? " ask ko.
" Deritsyo ka lang diyan, ta's makikita mo 'yung St. kagandahan at pumasok ka at makikita mo ang village pero sa kanan ako sa kabila kasi si Julia." paliwanag n'ya
Magkalapit lang pala sila kaya pala madalas sila ang magkasama eh.
"Ahh ok magkalapit lang pala kayo ni Julia?!"
"Yup."
" Ilan taon na kayong magkaibigan?" tanong ko ulit.
"Hmm 4 years na din kami. "
Nice ang tagal na palaa ng friendship nila.
" Kilala niyo na talaga ang isat-isa noh?! "
" Oo kahit siguro ung paano ang ikot ng bituka nila alam ko na din haha. " sabi niya at natawa ito.
" Haha kami kasi siguro 1st year naging kaibigan ko na silang apat."
" Matagal tagal na din naman pala. "
"Yeah. "
" Kaliwa ko na. " at mayamaya nakita ko ang dalawang village kaya ang sabi niya do'n ako sa kanan at pinapasok naman agad ako ng guard ng village nila.
"Diretsyo ka lang makikita mo ung kulay yellow na bahay. " wika niya pa kaya nag diretscyo pa ko at nakita ko nga yellow na bahay.
Simple lang pero ang sarap sa mata dahil sa kulay nito na malinis.
"Dito na lang ako baba, gusto mo pumasok meryenda ka muna? " alok niya pa sa'kin .
" Ay 'di na may pupuntahan pa kasi ako hehe sunod na lang siguro kung ok sayo? "
Talagang may pupuntahn pa ako.
" Ahh sige ba. Ingat ka sa pag drive at salamat sa paghatid mo. " ngiti sabi niya pa napangiti naman ako.
" Basta ikaw. Sige mauna na ko bye." ako at tumango siya kaya pagpasok niya sa loob umalis na din ako agad.
Pagdating sa shop kinuha ko ang pinatabi kong bracelet isa siyang gold na may heart and star, kaya tinago ko na 'to sa
bulsa ko ibibigay ko kay Kim gift ko kasi naging kaibigan ko siya.
Umuwi na ko at pagdating sa bahay nagbihis lang ako Di na ko kakain 'di naman ako gutom kaya humiga na ko at makapagpahinga na at nakatulog na din.
Ang ganda mg araw ko ngayon.
End of p.o.v
Kimberly Point of view
Paulit- ulit na lang ang mga nangyayari saming lahat 'di mawawala ang pagiging malapit naming lahat sa boys lalo na sila Jharlyn at Rome, na lalo naging sweet ang dalawa sila Julia at Raven medyo napapansin ko na ma's lalong malapit na rin silang dalawa 'di mo maiwasan 'di kiligin kila Jharlyn kasi ang sweet ni Rome at lagi s'yang may flowers at chocolate mapapasana all ka na lang talaga sa ka sweetan nila araw-araw.
Sa dalawang linggo naming pagsasama at pagbobonding na kasama ang boys 'di ko din alam nagiging comfortable na ko sa kanila wala na 'yung inis at ilang kapag sila ang kasama namin.
Lalo pa kami nagkalapit sa isat-isa at mas lalo namin pa nakilala ang totoong mga ugali na meron sila.
Sa boys ay pinaka joker at mahilig mang-asar si Rome halata naman mukha pa lang ay laging laman ang kalukuhan, samantala sila Raven at Brix medyo matured pero may pag ka isip bata din ng kaunti haha magaling din sila sa mga sports si Raven hilig sumali sa volleyball o kaya naman sa billiard syempre 'di mawawala ang hilig nila sa band.
Si Brix mahilig sa arts at may pa ka mahangin din. Itong si Lander naman pansin ko ay mahilig sa mga online games like mobile legends i think mathic na ata ewan. Ta's seryoso sa pag-aaral minsan kasi kahit nasa cafeteria dala niya pa ang libro para mag review, mahilig din siyang sumayaw at may pag ka playboy din pero nagbago na daw siya.
Lahat naman sila maiingay madaldal, friendly, at sweet sa'min lagi pa kaming pinapaalala sa lahat na akala mo mga bata. Si Kurt habang tumatagal ay lalo ko siyang nakilala pa mabait, maamo ang mukha, sweet masikaso din siya sa'kin at totoo ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya lagi sa'kin kahit na magkakaibigan kami protective din.
Sila Yssa naman 'diko alam ano status ng mga 'yun pero balita ko may ka m.u siya pero 'di namin pa nakikita nahuhuli din namin siya na nauunang umuwi sa'min pero ung totoo naman nakikipag kita siya sa ka m.u niya, si Yssa siya ang madalas mag inform about sa school kung ano mga kaganapan at seryoso pag dating sa pag-aaral kasi gusto niya maging proud ang magulang niya.