CHAPTER 14

1526 Words
[ JIRO's P.O.V ] Pagdating namin sa room agad nag-ingay mga tropa ko . Mga siraulo talaga. "Wow! Dre? Iba ka na umawat noh? Idadahilan mo pa ang daanan ah... hahahha !" Bigalang asar ni Rome. " Tsk, nasa daanan naman talaga sila. " inis kong sabi kay Rome. "Haha nakakatawa lang kasi ang pagtulong mo, idadahilan pa ang dadaanan mo? Ang lupit ahahaha sana sa gilid ka na lang dumaan para tuloy ang sabong haha diba mga dre?!" Pang kukunbinsi ni Rome sa iba naming kasamahan. Kaya sumang ayon ang mga loko . Pagtulungan pa ko. Diyan kayo magaling pagtulungan ako. " Hanep dre 'yung kaaway ni Roselyn palaban nakita niyo ba ? Ang astig akala ko nga iiyak ehh kaso si Roselyn pa umiyak hahhahahah! " Lander. Kahit ako na astigan sa pagiging palaban niya kakaiba siya sa ibang babae, akala ko pa nga mahinhin 'di makabasag pinggan pero nagkamali ako sobrang kakaiba dinaig ata ako sa katapangan pero joke lalaki ako at mas malakas pa ako sa ginagawa niya. Sinanay ata 'yon ng lolo niya ng taekwando, o kaya martial arts ata? Basta may kinalaman sa pagiging palaban. Makasampal nga wagas eh, kakagulat. Ang sakit non sampal niya kanina. Lagapak ang mukha ni Roselyn. "Haha nakahanap ng katapat si Roselyn. " Brix. Sinabi niyo pa nakahanap na si Roselyn ng katapat niya at panigurado ako sobrang galit 'yon kilala namin ang isang Garcia, kapag gano'n talagang gaganti kaya naman ang nakatagpo niya ay mas higit pa sa pagiging amazona nito na siyang ikinagagalit ng loob niya. "Pero maganda siya?!" Raven "Manahimik nga kayo, ang ingay niyo. " reklamo ko sa apat . At nanahimik na din naman. Saktong dumating si Sir Oliveros kaya nag discuss na kami. Bago ko malakimutan magpapakilala mo na ako . I'm Jiro Kurt Buenavista "Hiro" ang tamang pagbanngit. Madalas itawag sa'kin is Jiro, pero sa bahay Kurt mas prepared ako sa Jiro. Mas cool pa. 18 year's old. And last im a famous 'di ko alam bakit sikat ako sa buong campus na 'to, maraming nagkakagusto sa'min pero mas karamihan sa'kin hinahayaan ko lang sila magsi tili 'di naman ako mapapagod kakatili. Kundi sila lang. Kanila lalamunan naman 'yon why not para pagbawalan sila mag sisigaw kahit kailan nila gusto. May apat akong mga best friend na ugok sila ay si. Rome Laurent, Brix Sy, Lander Deniuga, Raven Bautista. Simula pagkabata sila na mga kasama ko sa saya at lungkot ng pinagdaanan ko sa buhay. Halos lahat ng kalukuhan ko ay damay sila kung baga kasalanan ng isa damay lahat. One for all, all for one. Sila lang naman ang nag pakatotoo sa anong ugali na pinapakita ko kahit sapakin ko sila ay nagiging ok kami agad. Hindi uso sa'min na 'di magpansin ng matagal. Kasi ang lungkot kapag may kulang sa barkada mo. So ngayon ay kilala niyo na kami at lalo na ako kung sino nga ba kami. Nagulat ako sa mga tawa ng mga ugok . nagtawanan ang mga loko sa nangyareng away ng mga iyon. Pero mahina lang kasi baka mapagalitan kami ni Sir at palabasin. Unang kita ko palang do'n n masungit na. Naalala ko siya 'di lang isang beses kami nagkita una sa jogging na siya pa nag welcome , ta's sumunod na araw sa elevator sa mall. Ta's kanina pero 'di niya ko maalala . Kaya napangisi na lang ako kasi inis na inis 'yung mukha niyang pigilan ko pa si Lyn. At alam ko na nabitin siya sa pagtatalo nila bukod sa 'di pa masyado nakakaganti ay umepal ako. Pasalamat siya pinatigil ko si Lyn gumanti kaya inutusan ko sila Rome na awatin ang mga kasama nila. Pero nakakpagtaka lang bakit Palaban siya? Grabe siya gumanti ng sampal e sobrang sakit nun. Kahit ako napangiwi sa lakas ng sampal niya, lumagatok ata ang mukha ni Roselyn sa sampal dalawa ba naman. Sino hindi sasakit ang pisngi do'n sa lakas? Hilig talaga ng mga babae sampal eh, o kaya naman sabunot. Mabibigat pa naman ng mga kamay nila. Mahilig sila sa bardagulan. "Hoy! Dre lalim naman ng iniisip mo pa share naman diyan?! " Lander. "Loko wala 'to . " sabi ko at natulog mo na ko bahala na sila diyan makinig kay Sir basta ako matutulog muna. BACK TO KIMBERLY [ KIMBERLY P.O.V ] Makalipas ng ilang oras at tapos na din kaya ito na pinakahihintay ng lahat, isa na ko do'n . "Wahh! Nakagutom! " Julia. "Ikaw lang ba?" Jera. " Tara na kaya daldal pa kayo diyan! " Abigail. Kaya sabay na kami lumabas saktong hinihintay din kami nila Yssa. "Oh, andiyan na pala kayo? Kanina pa ba kayo diyan?" Jharlyn. "Di naman. So tara?! " Yssa at tumayo na sumunod na din ako sa kanila. Pagkarating sa cafeteria sila Julia at Bliss naman nag order .. Kaya umupo na kami at hintayin sila. Na-iihi pa ko kaya tumayo na ko kaso hinawakan kamay ko ni Abi, na may pagtataka. Akala naman nito mapapahamak ako sa pag cr. Confort room 'yon? Wala naman mananakit sa'kin do'n e. " Sa'n punta mo?" pagtatanong ni Abi. "Ehh? Cr muna ko sasabog na puntog ko. Sabihan mo na lang sila 'di ako magtatagal. " Bulong ko. Binitawan niya naman kamay ko kaya lumakad na ko at lumiko kainiss nasa dulo pa ang cr . Haizzt... kanina ko pa kasi 'to pinipigilan. Ngayon pinagsisihan ko na sobrang nakakabagal maglakad dahil feeling mo lalabas anytime sh*t! Ba't parang ang layo naman ata bigla ng comfort room?! Paliko na sana ako kaso may nabangga ako mabuti na lang napahawak ako sa pader. Sh*t, ang sakit na ng pantog ko gagi lalabas na ata? Ba't ang tanga pa nitong nabunggo ko? Tumingin ako kung sino nakabunggo sa'kin . Napataas agad kilay ko kasi ito 'yong Jiro kanina na tinutukoy nila Princess. Minamalas talaga ako mga kalahi ni Roselyn ang umaaligid sa'kin ngayon araw na 'to. "Oh, ikaw na naman?! " Kunwaring gulat niya sabay ngisi ano ba problema nito laging na ka ngising aso? Mukha siyang kulokoy kapag gano'n. Sh*t, ano ba 'yan makikipag chika pa ata? P'wede mamaya na lang pag balik ko? Sobrang 'di ko na talaga kaya putragis. Kaso no choice kailangan ko silang tarayan bago sila layasan. "Eh inano kita? Syaka ikaw nakabunggo 'di ako ?" Taka ko sa kaniya para siyang tanga eh ano naman Kong ako 'to? Sobrang sikat ko na ba para ganiyang kayo magulat kapag makikita niyo ko? Alam ko naman na maganda ako, 'wag ka na kasi magtaka nasa lahi ng mga Cardenas 'to. Nabunggo lang kaya niya ko . "Tsk, ang laki mo kasi, kaya sa susunod tumingin ka sa dadaanan mo! " asar niya bigla sa'kin. Wait? Ako malaki? Manalamin ka kaya para alam mo sino mas malaki boba. At ang kapal naman nito ang sexy ko kaya. Sabi nga nila yakult daw ang bewang ko tsk, bulag ata 'to? At 'di nakikita ang ka sexseyhan ko. "E-excuse me? Ako malaki? Wow, lang bulag ka ba ? O tanga lang, eh ikaw nga 'to nakabunggo nasa gilid na nga ko, possible naman 'di mo kita ang pinangalingan ko sa dinaanan mo? Ang lawak ng dadaanan ta's talagang sasabihin mo na ako pa ang may kasalanan sa pagkabunggo? 'Wag mong sabihin na sinadya mo para magpapansin? " mapang loko kong sabi . Dahil napa ka impossible ang layo ko para mabunggo ko siya, 'wag siya gumawa ng storya. Napangisi ako. "'W-wag kang assuming tsk! Baka ikaw? Kasi kanina ka pa nakikipag-usap sakin kaya 'yaw mo umalis sa harapan ko! " ngising aso. Aba? Hindi din siya mayabang at assumero, makapal din ang apog nito eh noh?! Parang bigla ata umatras ang ihi ko dahil sa pinagsasabi nito. Grrrr ang kapal . Hindi ko alam kung hahayaan ko na lang ba sinasabi niya o papatulan pa kung ganto lumalabas sa mabaho niyang hininga. "Ang kapal mo naman! Tumabi ka nga diyan. Nakaharang ka sa dadaanan ko, kaya 'wag ka ding mag assume ah! Tabi!" asar ko sa kaniya at sabay tapik sa balikat niya. Sabay alis sa walanjo, putragis naramdaman ko na naiihi na ko. Mabuti nakita ko agad ang comfort room. Dapat kanina pa eh, putragis. Kanina pa kita hinanap. -------- Pabalik na ko sa canteen at ako na lang hinihintay nila. Mukhang natagalan ako. Kaya lumapit na ko sa kanila at tumabi. "Akala namin nilamon ka na sa inidoro sis?" Pangunguna ni Bliss. "Or akala namin nakipagrambulan ka na naman kay Roselyn?" Taas kilay pa na sabi ni Abigail. Tsk. Mga utak iba nga ang nasagupaan ko ang mga kulokoy. "Ba't antagal mo?" Yssa. Dahil sa mga pesteng humarang, at feeling guwapo. Yuck! " Ito ang food mo. " Julia inabot niya sa'kin at ngumiti ako sa kaniya. " Kim naghihitay kami sa sagot mo? uwuuu!" Jera. Lintek ayaw ko sana mag kuwento pero dahil sa mga chismosa din sila ng taon wala ko magagawa. "Oo na, kaya lang ako nagtagal may nasalubong akong siraulo--- " 'diko pa natatapos ang sasabihin kong. "Omo! Ano ok ka lang? Inano ka ni Roselyn sabihin mo ano ?!" biglang sabi ni Julia na akala mo naman reresbak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD