Abigail Point of view
Di namin na siya nilingon at pumunta na sa garden Pag bitaw namin kay Kim ang sama ng tingin niya, pero 'di sa'min kundi do'n sa pinaggalingan namin sino 'di maiinis do'n na biglang mananampal ta's dahil lang pala kay Jiro at ang matindi pa wala naman kayo kaloka assumera.
Lumapit kami sa kaniya para kamustahin at pakalmahin.
"Sis kalma na ok 'wag mo na pansinin ang bruha na 'yon. " Julia pag-alala nito.
" Inaano ko ba 'yon? Minsan na nga lang magpakita sa room natin tapos bigla su-sulpot para manampal p*ta! Sino siya sa inaakala niya 'di ako gaganti letse yon?! Kala mo naman matapang eh pakitang gilas lang naman pala. At feeling may label ampotek! " gigil na kuwento niya hinayaan mo na namin siya para naman malabas ang sama ng loob niya nadagdagan ang pagiging bad mood niya ngayon araw.
"At least bongga ang sampal mo kaya ma's worth it na yurn sis haha! " Jharlyn.
Napangiti na lang si Kim.
"Trueee." Jera.
" Karma 'yon! " Kim at biglang nabaliw kasi natawa siya.
Oh diba? May sapi na naman siya kanina amazona ngayon mukhang creepy.
Napa face palm na lang kami sa kabaliwan niya samantala kanina mukhang kakainin ka na ng buhay.
Tapos ngayon natawa sa nangyari.
"Sana ok ka lang sis? Tara bili muna ko. Samahan mo ako Jhar. Baka ko lang siya sa lamon kaya nabaliw na si Kim!" Parinig ni Jera sa kaniya.
"Hahahahhaahha!" Malakas na tawa namin sa biro ni Jera.
Naging ok naman na si Kim at kumain kami para mabawasan ang mga inis sa nangyare kanina.
Bumalik kami sa room at s'werte wala si Savannah at bulung-bulungan ang nagyare kanina sa cafeteria.
Ang bilis ng chimiss at nakarating sa room kagaling.
Di namin pinansin hanggang dumating si Ma'am at tamang discuss lang naging ok ang pagdidiscuss .
At hindi na namin inalala ang mga nangyari kanina para 'di nakaka-stress.
Lalo na kay Kim masyado bad mood ngayon siya kaya kailangan pakalmahin namin 'to at baka bigla maging creepy na naman.
Ngayon tahimik na siya pero mahahalata mo sa mata niya na inis pa din ito at feeling ko ata may balak gumanti ewan lang.
Abigail harper end Pov
[ KIMBERLY P.O.V ]
Naging ok naman ang hapon ko maganda para sa'kin kasi 'di pumasok sila Savannah siguro umuwi pagkatapos ng pagpapahiya ko sa kaniya siraulo susugod kesyo inagaw ko ang ugok na yurn.
Wala nga silang label tapos sasabihin niya sa kaniya lang ang Jiro niya yawa, kahit isaksak niya pa 'yon sa atay at balun-balunan niya ng makuntento siya.
Grrr naalala ko na naman ang mga nasabi niya parang Sirang plaka sa utak ko mga sinabi niya hindi ko alam kung totoo or trip? Malamang trip lang 'yon pakitang gilas kamo.
Ako pa ginawang laruan ng ugok na 'yon.
Pero alam kong trip lang yun tsk 'di ako maniniwala sa maikling panahon natin pagkikita ta's gano'n agad na mararamdan niya? Malaking asa para sa kaniya.
Sa puso ko gusto ko maniwala,
Pero sabi ng utak ko 'wag maniwala.
Ang gago kasi feeling ko idinaan niya lang sa gano'n para pakabahin ako ng todo. Kinikilabutan lang ata ako.
Hayssss sakit sa ulo dagdagan mo pa ang mga action ng tropa niya sa mga kaibigan ko .
At ipinagtataka ko din asan si Roselyn Garcia, kahit 'yung mga halipores niya wala kung kelan mag fefestival mga nagbakasyon pa ata .
Sana all. Nagbakasyon.
" Ok ka na ba ?" Si Julia.
Alam Kong nag-alala sila sa'kin kasi simula kaninang umaga wala Kong kibo dahil nawalan ako ng mood .
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"Yes. I'm fine don't worry Juls hehe. " I said ta's tinapik ko balikat niya.
" Sure ka niyan ? 'Wag mo na lang isipin para 'di ka mawalan sa mood. " sabi niya pa tumango na lang ako.
Yung tatlo nagbabasa lang andito pala kami sa library total tapos na ang classes namin nag babasa lang kami pero ako 'di naman talaga ako nagbabasa pero hawak ang librong nakuha ko.
Feeling masipag ako dahil trip ko lang.
--------
FAST FORWARD
Hanggang sa maka uwi kami wala kong kibo tamang isip lang kahit wala naman maintindihan sa mga naiisip ko .
"Ma, andito na si Kim.
Hoy Nicole ba't ganyan mukha mo daig mo pa natalo sa lotto?! " taka ni ate Katherine.
Pag ka pasok ko ay siya agad ang bumungad sa'kin. Ano naman ba kailangan ng babaeng 'to?
" Wala lang ako sa mood , may meryenda ba ?," iwas ko sa tanong niya habang pumunta sa kusina at binuksan ang ref sakto.
May pagkain kailangan ko ng energy.
Panghimagas wow. sarapp parang gumanda na mood ko dahil sa masarap na chocolate cake .
Kumuha ako naglakad papunta kay ate at tumabi busy na siya sa pinapanuuod niyang drama .
" Oh kalaa ko wala ka sa mood tapos ngayon tsk. may sapi ka na Kim no?! " ate ta's balik sa pinapanuod niya.
Epal ka talaga lagi.
" 'Wag kang makealam ate buhay ko 'to. Manuod ka na lang diyan at ako kakain. " inis ko sa kaniya ang dami kasi napapansin.
Napairap na lang siya sa sinabi ko at 'di na kumibo at seryosong nanunuod.
Ganiyan nga ate.
At ako seryosong kumakain ng cake ang sarap .
Kaya gumanda ang mood ko hehe .
Pagtapos umakyat na ko at nagbihis ng pantulog.
TIME CHECK 6:40PM
maaga pa kaya nanuod muna ko ng drama.
At kinuha ko ang laptop ko at nag online.
Friend request-100+
Message-100
Notification-200+
Nagulat ako sa laman ng f*******: ko sa sobrang dami nag notified at message na tinambakan naman ata ako ah?! Ano issues at ganiyan kayo karami?
Seryoso isang linggo lang aako 'di nakapag on ta's ito madatnan ko .
Binuksan ko mo na ang friend request halos mga classmates ko lang at ang iba mga ka mag anak. Sunod ko ang mga chat.
Ehh ??
Julia- hi kumain kana ?
Abi- sana maging ok ka na ?
Jera-labarnsss lang sis.
Jharlyn-'wag mo isipin un fight AJA!
Yssa-'wag magpapa apekto pa-panget ka niyan joke.
Bliss- sisss tiwala lang ang mga ganong tao wala lang magawa sa buhay.
Ma tahrah kristy - hello, kamusta ka na Bessy? Miss na kita .
Luke valdez- Yow! how are you? I miss you best Kong panget .
Nakakatamad naman lahatin kaya mga important lang mga binasa ko napasimangot pa ko sa chat ni Luke .
Kaya Una ko nirplayan sila Yssa..
At sunod ko na si Tahrah kakamiss 'to?
Me:ok lng best imissssyouuutoo! Kailan tayo magkikita?
Message sent ---
At nag reply agad
Tahrah: wahhhh! I'm not sure pa bessy super busy. Basta bibisitahin kita. Sige out na ko tawag na ko Ni mama stay safe always besyy byee!
Diko na siya nireplyan at sunod ko ang kababata Kong si Luke ito matagal ko nang kilala.
si Tahrah nung elementary naging magkaibigan kami hanggang maging bff ko.
Sila ni Luke ang pinaka una kong naging matalik na kaibigan. Bago sila Julia.
Me: hey, raulo ka maganda ako haha ok lang ako sana Ikaw din imissyouuutoo panget haha.
Luke: haha that's good sana makabalik na ko diyan miss ko na kayo ni Tahrah .
Me: suss oo na panget, basta sabihan mo kami pag nakabalik ka para bonding tayong tatlo.
Luke: sure panget sige out na ko may gagawin pa kasi take care and keep safe always bye!
Napangiti ako sa mga bffs ko ang tagal pala namin 'di nakapag chat.
Kaya nag off na din ako at bumaba .
" Buti 'di ka na nagpatawag tara Kain na." mama.
Si ate naka upo na kaya tumabi ako at kumuha ng kanin ang tinolang manok .
" Kamusta ang pag-aaral ninyong dalawa? " mama. Kakain na lang tatanungin oa about sa school.
As usual kalbaryo.
" Ok naman ma, maraming activities lang kailangan tapusin. " si ate at sabay subo.
Tumingin si mama sakinn napabuntong hininga pa ko.
Ayaw ko sabihin ang nangyare kanina .
" Medyo busy na... kasi festival sa school sa Monday kaya minamadali ang discussion para 'di matambakan pagkatapos ng celebration sa school. " sabi ko kaya kumain na din ako.
" Mabuti at maayos ang pag-aaral niyo pagbutihin niyo lang 'yan. " mama.
Akala mo lang po mama.
Kaya kumain na kami ng tahimik .
FAST FORWARD
natapos din at tapos na din ako tumulong sa gawaing bahay kaya sobrang pagod ako.
Umakyat na ko at nagpahinga saglit.
At naglinis ng katawan ang lagkit kasi .lpagkatapos mag ayos sa sarili .
Nag bihis na ko ng aking pantulog at nag lagay muna ako ng skin care sa aking mukha, at nag lagay ng cream,
Nag lotion pa ko at nag pabango ng night perfume.
Masarap matulog kapag fresh at mabango ka.
Kaya humiga na ko at matulog maaga pa bukas sana naman maging ok ang umaga ko .
Ayaw ko na maulit ang gano'n nakakasakit lang kasi at nakakainis kapagay mga tao na makikitid ang utak.
Diko namalayan nakatulogg na ko sa sobrang pagod ngayung araw .
-------