Kim P.O.V
[KRINGGGGGGGG......]
(BELL PO 'YAN NG RECESS)
Napakalas ng pagkaka bell nila lagi sakit sa tainga.
Sakto at tapos na kaya tamang linis sa kalat bago kami lumabas.
Kaka proud at lahat nga kami magaganda ang naisagot kay Ma'am.
At nagugutom na ko, kailangan na madagdagan ang katalinuhan ko para sa susunod na subject kung mayro'n.
"Woi bilisan mo bagal. bes?!" reklamo ni Abigail kay Jera.
"Atat lang lumamon te?" Saglit nawawala pa ata yung wallet ko wengya!" si Jera habang nag iikot sa room namin kaya kami tumulong na din sa paghahanap.
Kung kailan nagmamadali saka pa may nawawala.
"Sa'n mo ba kasi nilapag yorn? " inis ni Abigail sa kaniya saktong pagharap ko sa paahan ng upuan andon lang nakalagay pinulut ko at inabot ko sa kaniya nagulat pa sya sa pag abot ko.
Burara naman kasi.
"Saan-saan kasi nilalagay tsk Tara na gutom nako." kunwaring inis ko.
Humabol sila.
"Thank you Kimmy hehe! " Yakap sa likod habang naglalakad.
Haizzt... para na namang tuko.
"Alisss ngaa... ang bigat mo hahahha oo na mag-iingat sa susunod. " sabi ko kaya ngumiti nalang siya nakasunod lang si Julia kami nauuna ni Jera ...
Sa paglalakad namin at 'di namin inaakala na yung babae kahapon at taas kilay nakatingin sakin biglang bulong sakin ni Jera.
May dem*nyo dumating na naman.
Ayaw ko ng gulo, nagugutom na ko.
P*tragis!
"Warr na this best?!" at tingin kila Julia kayaa ako napatingin sa kanila si Abigail naman nagtataka kung anong meron.
Sabagay wala pala siya dito kahapon kaya ganiyan ang mukha ni Abigail.
"Ohhh !!! Who's here?! " mapang-asar niya sa'kin at kaharap ko siya may kasama siya mga tuta pa ata tsk.
Bakit gano'n ang kontrabida laging may mga naka buntot tulad ng mga 'to.
" Hmm who's here too?! " balik kong sagot sa kaniya lalo tumaas ang kilay.
Akala mo naman papayag ako na ginaganiyan no way high way!
"Omo Roselyn papayag ka ba ng ganyanin ang ka lang? tsk. " sabat no'ng na ka hairband na pink tsk 'di ko siya pinansin ma's lalo na yung Roselyn kuno.
I don't like attitude p*tragis!
Attention seeker ang mga 'to!
"Tsk ! Who the hell are you? Para ibalik mo ang tanong ko ah !" Galit na yan?
Hahaha isang malaking tanga.
"Bakit bawal ba? May batas na ba ang bawal gayahin FYI ikaw nauna pumunta sa harapan ko bakit ikaw pa ata ang galit?" Sabi ko na medyo iniss na kasi gutom na ko tae sya kainin ko e.
Kaso no way! Nakakasuka siya 'di naman ako halimaw para kumain ng tao.
"What the ? Sino ka ba sa inaakala mo?!" Biglang sugod niya bigla at napaatras ako.
P*tragis.
"Wala ka nang pakealam do'n? p'wede ba 'wag mo sayangin oras ko sa kakadada mo sa walang kwentang bagay tabii nga diyan!" Sabay lakad na sa kami kaso ang impakta hinila ako pabalik at biglang sinampal nagulat ako sa ginawa niya nakakadalawa na siya.
'di ako na inform may sampalan gagamapin.
" OMG ! Ang warfreak niya talaga! " chismosa 1
"Trueee ka diyan Ocfe kaya nakakatakot siyang kabangga e" chismosa 2
" bagong target 'yan Mariefie? " chismosa 3
At kung ano-ano pang bulungan malapit sa'min.
Pinipigilan ko lang sarili ko na 'di patulan.
"Hala Kim ang pula?! " nag-alala agad sila Jera sa'kin.
"Woi ikaw! 'Di ka pa ba titigil?!" biglang sigaw ni Jharlyn napatingin tuloy kami sa kaniya.
Nako. 'wag na siya makisali at baka pati ikaw idamay ng impakta na 'yan.
"Jhar. 'Wag na baka madamay ka." paki usap ko.
"Ehhh baka namann kasi maulit, nag-aalala lang ako, kami sayo 'di mo naman siya inano eh. " alala ni Jera.
"Wow! Tagapagtangol mo sila? Wow! Bravoo hahaha. Tsk corny niyo ah, baka gusto niyo din ng gulo ano?" mapang-asar ni Roselyn natawa ang mga tuta niya.
Sige tawa lang kayo.
Hindi mo kami kilala sa puwede pa namin gawin sa inyo, sa ngayon nagtitimpi pa ako.
" hahahaha " tawa nila.
Mabilaukan sana kayo ng sarili niyong mga laway yawa.
Lumapit ako sa kanya at bigla sinampal ng mas malakas at nagulat ang lahat sa ginawa ko .
Hindi niyo siguro inaasahan na gagawin ko sa inyo 'yon.
Kulang pa nga eh,
"Omo! "
dakilang chismosa.
"Omg! Rose are you ok?!" A
lalay niya.
Sila Julia naman lumapit sa'kin at nakiki-usap na tumigil na ko.
This time napuno na ko.
May hangganan din ang pagtitimpi ko.
"Isang sampal sa dalawang sampal mo pasalamat ka ayan lang ginawa ko at isang beses lang. Once na ulitin mo pa 'di lang iyan aabutin mo mali ka ng kinalaban Roselyn, at 'wag kang bigla-biglang sumulpot sa harapan ko at 'di ko matansyang sapakin kita agad! " seryoso ngunit may pagbabanta kong sabi at parang nagulat siya pero 'di niya lang pinahalata .
Ngumisi ako sa kaniya at sa mga kasama niya kaso walang epek lang sa kanila. Tsk.
Diko na pinansin ang iba pa at sumenyas na lang ako sa mga kaibigan ko sumunod na sila sakin papunta sa canteen .
Sabay pila nadin pagka order namin umupo sa may bakanteng upuan na sakto saming Lima
"Woahhh.... astig ng Linya mo ahh, hahaha nice one! " biglang ingay ni Julia
"Grabe 'yon nakakatense ang kaganapan hahaha! " sabi naman ni Jharlyn.
"Panigurado 'di pa 'yan tapos?! " seryoso sabi ni Abigail.
"Pero 'wag ka HAHAHHAHA 'yung sampal 120° Degree ang lakas eh, hahahahhahaah sakit nun ah? Nako, nako gaganti 'yon. Mag-iisip ng plano agad sila taena lang HHAHAHA." mapang asar ni Jera hay nakooo baliw na.
Alam ko 'yon at walang katapusan gantihan na naman ang ganap.
"Kumain na tayo hayaan mo siya. " sabi ko at kumain na nga kami ng walang kibuan
[FAST FORWARD].......
Nasa garden kami ngayon at maya pa naman ang klase my 2hrs pa.
Mahaba-haba pang oras para tumambay mo na kami dito.
Tamang tambay mo na.
Ang ganda kasi dito andaming bulaklak at malalaking puno may fountain pa nga sa gitna kaya lalo nagpapaganda sa garden na 'to.
Humiga ako sa damuhan malinis naman at patag kaya masarap humiga lalo na sa ilalim lang puno .
Ang lamig ng d**o kaya ang sarap sa pakiramdam na malamig ang hinihagaan nakakagaan ng loob ko.
"Nakakarelax! " sabi bigla ni Julia.
"Truee mahaba habang pahinga ng utak natin hahaha. " sabi naman ni Jera.
"Baliw ka talaga noh?! Baka utak mo hahaha! " asar nii Jharlyn sa kaniya at ayon na nga ang dalawa nag takbuhan parang mga bata tsk.
"Kiim ano plano mo kapag gantihan ka nila Roselyn? " biglang sulpot sa tabi ko si Abigail lagi talagang seryoso.
" Ewan ko lakas kasi mangtrip. " sabi ko kaniya.
"Pinapatulan mo pa kasi ehhh. " medyo iniss sa'kin ni Abigail.
"Ehh sinampal ako alang mang 'di ko gantihan 'yon? Ba't ba parang kasalanan ko pa ang gantihan 'yun? tsk." inis Kong sabi sa kaniya napabuntong-hininga nalang siya.
"Eh kasi usapan natin magging good ka na pero parang gano'n ka pa din. " sabi niya sakin
Alam ko naman na magbabagu na ugali ko pagdating sa mga bully tsk nakakainisss diko maiwasan 'di pumatol sa mga ganung ugalii oo palaban ako at halos naman kami palaban eh .
'di ko lang talaga kaya mag timpi sa ganoong tao nakaka sira ng mood lagi.
"Iiwasan ko pag maging maayos na pakikitungo nila sakin. Pero 'diko maiiwasan ang bibig Kong 'di sumasagot sa kanila, bahala sila tsk." paliwanag ko sa kaniya napakamot na lang siya sa sinabi ko.
"Ikaw bahala, basta payong kaibigan, 'wag masyado ok. Do'n mo na ko kila Julia! " sabay tayo at lapit niya nga kila Jera.
"Ano namann 'yan? Hahaha ampanget ng gawa mong puno! " asar ni Jera kila Julia at Jharlyn na sa tingin ko nagpapagandahann na naman sila sa mga drawing nila.
Lumapit na din ako para makisali sa mga ginagawa nila kasi drawing.
"Sali din akoo! " Sabi ko at kumuha ng papel at nagdrawing kami hilig namin to Ta's pustahan kung sino ma's maganda ang judge si Abigail siya lang 'di hilig mag drawing haha. Kapag naman panalo treat ng meryenda mamaya at pag talo sya treat ng load pag ka uwi hahahahaha.
Ganda nga mga deal namin.
Masaya lang kami sa pag drawing ....
Dito namin na e-njoy at nakakarelax pag nag dra-drawing ka masayang gawin lalo na kung tahimik ang paligid mo at sariwang hangin pa .
Dito mo lahat nalalabas lahat ng sama ng loob mo sa pag uukit ng kahit ano sa papel basta maigaan lang ang loob mo.
Nakakagaan ng loob ang mag drawing o kaya mag basa ng mga pocketbook sa bahay lahat ng pagod at stress na wa-wala dahil sa mga 'to nakakarelax.