Ashleene's PoV:
"Wow, instant sikat ka rito sa MU Ashleene." Mabilis na napatingin ako kay Zarrain na ngayon ay napakalawak ng ngisi. Minsan talaga ay hindi ko sya maintindihan. Magpinsan nga talaga sila ni Freyja.
"What do you mean?" Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Wala kasi akong ideya sa kung anong sinasabi nya.
She giggled and gave me a smack. Napangiwi naman ako dahil don. Isa to sa mga napansin ko sa kanya. Kapag natutuwa ay nanghahampas. I wonder kung ganito rin ba ang mannerism ng pinsan nya.
"Usap-usapan kasi ng mga students ngayon ang ganap nyo ni Freyja." She said. Napatango-tango naman ako dahil don. Now I know what she's talking about.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. Hmm... So dahil pa rin pala yon sa paghatid ko sa kanya. Yeah, it was the talk of the University. Kalat na kalat na sa buong MU ang nangyari. They're acting as if it's a big deal. Nagsabay lang naman kami ni Freyja eh.
Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko students. They're amazed. They also envy me. Hindi ko na lang pinapansin ang mga bulung-bulungan nila na naririnig ko naman.
Speaking of Freyja, hindi ko pa nga pala sya nakikita simulaa kanina pa. Oh well, maybe she's busy doing her schoolworks though. Hindi ko dapat mamiss ang crush ko.
I snapped into reality when I felt that someone poked me. It was Zarrain. Before I forgot, nandito nga pala kami ngayon sa cafeteria. It was actually our break time. Mind you guys, free na kami after this since may mga meeting ang mga teachers.
I'm currently eating ny blueberry cheesecake na pinaresan ko na ng iced tea. While my friend here is eating a carbonara with a soda.
"Infairness, you're making a move now huh? Good job. So tell me, ano ng score nyo ng pinsan ko?" She said and nudged my side. Zarrain's wiggling her eyebrows while smirking mischievously at me.
Mabilis na napasimangot ako dahil don. Score na agad? Eh kahit gusto kong may mamagitan sa amin ni Freyja ay hindi pwede dahil unang-una ay straight sya. Duh.
"Aish. Ano bang sinasabi mo dyan Zarrain? Walang namamagitan sa amin ni Miss Freyja. We're just uhm... Friends." I said while struggling to said the word 'friends'. Aish. But that's the truth.
"Sige na nga, sabi mo eh." Zarrain said. Nandon pa rin ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Napailing na lang ako sa kawalan.
In am instance, nakita ko kung paano nagbago bigla ang kanyang expression. "Just don't forget what I've told you. My cousin's dangerous. Hindi mo gugustuhin na galitin sya. If I were you, susundin ko ang lahat ng sinasabi ni Freyja. May mga utos na ba sya sayo?"
Hindi ko maiwasang mapalunok dahil don. I can feel the shivers running on my whole system. Hindi ko alam kung bakit pero parang nilamig ako bigla. Siguro ay dahil sa kaba yun.
Minsan talaga ay nagtataka ako kung bakot napakabilis magbago ng mood ni Zarrain. But... Why does she always say that Freyja's dangerous? I want to know why.
"As far as I remember ay wala pa syang utos sa akin. I told you, hindi kami masyadong close ni Miss Freyja." I said and shrugged. Maybe, tsaka ko lang malalaman ang tinutukoy ni Zarrain kapag nakita ko na mismo ang sinasabi nyang 'dangerous'.
"Really Ashleene?" Someone said. Mabilis na napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig kong may nagsalita mula sa aking likuran.
Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko. Relax heart. Wag kang magwala dyan. Napapikit ako nang mariin at sinimulang pakalmahin ang aking sarili.
I can feel that someone sat beside me. Ang upuan ng cafeteria ay pa-bench type. Napakalakas ng presence sya. And I know who's the owner of it.
"I-Ikaw pala yan Miss Freyja." Nauutal kong saad. Wala akong nakitang reaksyon mula sa kanya. She's just staring at me intently. She's really a mystery to me.
Suddenly, she leaned closer to me. Ilang centimeter na lang ang layo namin sa isa't isa at kaunting galaw lang ay magdidikit na ang hindi dapat.
"Now what can you say? Okay na ba to para masabi mong close na tayong dalawa?" She said in a husky voice.
Wala sa sariling napakagat-labi ako. Her voice, I found it so sexy. Parang naturn-on ako bigla. I can also feel her warm breath on me. It's smells like strawberry. So sweet to taste.
"Or should I cross the distance between us so that we're much closer to each other na?" She whispered. Mabilis na napasinghap ako dahil don. F-f**k. Did she meant that? Ugh! Nababaliw na talaga ako kay Freyja.
Suddenly, she returned to her seat. Narinig ko ang mumunti nitong tawa. It's like a music to my ears. Para syang anghel na tumatawa. Ang ganda-ganda.
"Your reaction is so epic Ashleene." Saad nito sa akin. "But if you want, pwedeng-pwede ko namang totohanin yung sinabi ko."
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Gosh. What should I do now? I need to make my move sa crush ko. I didn't know that Freyja's a little playful.
I snapped into reality when I felt that someone kicked my legs.
"Pagpasensyahan mo na si Ashleene. Mukha atang nastar-struck sayo cous." Natatawang saad ni Zarrain. Mabilis na pinandilatan ko sya ng mata. Hmp. Baka mamaya ay maturn-off sya sa akin eh.
I faked a cough. "Kumain ka na ba Miss Freyja?" Pagchachange-topic ko ba. Of course, I want to know she already ate na ba.
"I told you, Freyja na lang." She said at nagcrossed-arms pa. "And no, not yet. I was supposed to eat." Napatango-tango naman ako dahil don.
Akmang tatayo na sana ako para bilhan sya ng pagkain when she suddenly held my hand to stopped me.
As in hinawakan nga ang kamay ko at pinagsaklop yun sa kanya. Our hands are now intertwined and our fingers are entangled with each other. No spaces in between.
Oh my goodness. Ang lambot. Lahat ata ng features ni Freyja ay malambot. Pati na rin yung ano... yung katawan nya.
She's really making me insane. I'm just maintaining ny normal composure pero sa loob-loob ko ay parang mamamatay na ako sa sobrang kilig.
"No need for that Ashleene. I can handle." Saad nya. She raised her other hand. In an instance ay may lumapit na lalaki sa amin. I guess, it's a staff of this school. Sinabi ni Freyja ang order nya. Maya-maya pa ay narito na agad ang mga yun.
Napailing na lang ako sa kawalan. I should expect that. Freyja's rich and they owned this school. Idagdag mo pang SC President sya.
"So... Can you tell me about your day?" Tanong nito habang matamang nakatingin sa akin. Magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa. Hindi na ako nag-abalang tanggalin pa yun. Duh. Gusti ko rin naman.
"It went well lalo na't nakita kita." Huli na nang marealize ko ang sinabi ko. Mabilis na napasapo ako sa aking bibig. Aish. This is so embarrassing.
Nakita kong sumilay ang muntinging ngiti sa labi ni Freyja. "That's good. I'm glad to hear na ako pala ang bumubuo ng araw mo."
Ugh! Gusto kong kontrahin ang sinabi nya. But on the other side, she's telling the truth. Pero masyado na ba akong halata na crush ko sya?
I was about to say something nang biglang may nagsalita. "Finally, nakita na rin kita Ashleene!" Someone said. Mabilis na napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Bree pala yun. She's one of my classmate.
"Oh Bree, ikaw pala yan." I said and smiled at her. Nakita kong napatingin sya bigla sa babaeng katabi ko. Agad na rumehistro ang gulat sa kanyang mukha.
"I'm sorry. Kayo po pala yan Miss President. Oh, andito rin po pala kayo Miss Zarrain." Bree greeted at tumungo pa. She really respect them.
I turned to Freyja's side na ngayon ay nakatingin na sa kanyang kinakain.
Wala akong narinig na kung ano mang salita kay Freyja. I guess, she won't mind it naman.
"It's fine with them." I said to ease her nervousness. "Bakit mo nga pala ako hinahanap?"
"Oh about that..." Bree said while scratching her nape. "Are you free later? Magpapatulong lang sana ako para sa activity natin."
"Sure. Always naman akong free." I answered.
In an instance, naramdaman kong humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Freyja. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Parang bumabaon na ang mga kuko nya sa akin. Ang sakit.
I turned to her side and I was taken aback. She gripping the fork so tightly na para bang may minumurder na sya sa kanyang isipan. Her lips forming a tight-lip smile.
I gulped. Nakakatakot. I wonder whaf happened. Napatingin ako kay Zarrain na ngayon nakangisi ng napakalawak. I want to ask for her help. She winked at me. Mabilis syang tumayo at umalis na.
"Thank you Ashleene. See you later." Nakangiting saad ni Bree. She bidded her goodbye to us bago tuluyang umalis. Sinundan ko sya muna ng tingin bago napagdesisyunang magbaling ng tingin sa akin katabi.
"Ashleene... Do you think that she's beautiful?" Freyja said while directly looking at me. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mata nya. I want to ask what happened at parang bigla syang nainis.
"Huh? Sino?" Naguguluhan kong tanong. "The girl who just went to our table." She said. Napatango-tango naman ako dahil don. Now I know kung sinong tinutukoy nya.
"Yeah. Maganda si Bree." I answered honestly. Nagsasabi lang ako ng totoo. Maganda si Bree. Pwedeng-pwede na nga syang sumali sa mga pageant eh.
With that, nakita ko kung paano nandilim ang expression ni Freyha. Her eyes darkened in so much rage and fury. Nakakuyom ang kanyang kamao while she's clenching her teeth.
Napaatras ako bigla. Parang may nakikita akong imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya. Damn. Parang ibang Freyja ang nasa harapan ko ngayon. Did I just woke up the beast inside of her?
Hindi ko maiwasang matakot at kabahan. Ito na ba ang sinasabi ni Zarrain sa akin?
She suddenly stood up. "I gotta go Ashleene. May gagawin pa pala ako. See you later." Mabilis na dinampian nya ng halik ang aking pisngi bago tuluyang umalis.
May nagawa ba akong mali?