chapter 3

1453 Words
Salubong pa rin ang kilay ni Jett habang nagda-drive, sa mga panahong ganito, mas pinipili ni Clem ang manahimik, makikiramdam na lang siya. Maghahanap ng timing kung kailan sya pwedeng mang-usisa, kung kailan sya pwedeng makatulong sa kung anumang pinoproblema nito. Her intuition was right, wala nga itong balak ihatid sya sa trabaho, he's driving his way to his house which is 40 minutes away from the university. She's thinking of a good excuse to her manager, kung bakit sya di makakapasok. Nanghihinayang din sya sa halaga na kikitain nya, dagdag tulong rin sana iyon sa kanyang expenses. From time to time sinusulyapan nya si Jett, ganoon pa rin , kunot parin ang noo nito. What really happened between the two of them? Kanina lamang ang saya nila habang... kanina lamang nakita ko mismo sila, ganun ba kadali mag bago ang mood kapag ginawa ang bagay na iyon? Nagulat na lamang si Clem ng huminto na ang kotse sa tapat ng building ng tinutuluyang condo ni Jett, she didn't wait for his orders para bumaba, sinundan nya na lamang ito hanggang sa makasakay sa elevator. Nakakabingi pa rin ang katahimikan, di ito tumitingin sa kanya at di rin nagsasalita. Hanggang sa pumasok ito sa unit nito, he didn't close the door, nakatayo lamang sya doon sa bukas na pinto, nasa sala na si Jett, hanggang ngayon hindi pa rin nya ma-gets kung ano ba talaga ang gusto ng bestfriend nya, bakit ba ito nagkakaganito? Cold treatmeant na naman. Ganito kasi ito, everytime na may kinaiinisan sa kanya o di gusto na bagay, tahimik, di magsasalita, hindi ka kakausapin. Hahayaan kang mabaliw sa kakaisip kung saan ka nagkulang o nagkamali. Nakatayo lamang sya doon nagdadalawang isip kung papasok ng mag ring ang phone nya. Nang tinignan nya ang caller ID, si Jill kasamahan nya sa trabaho, hindi ito tumatatawag sa kanya kung hindi mahalaga. "Yes, Jill?" "Nasaan ka?" worried ang boses nito at pabulong lamang. "Hindi ako makakapasok," "Sorry girl, pero kung ayaw mo mawalan ng trabaho kailangan mong mag-report tonight, galit si manager, tumakas lamang ako para i-inform ka." "Ganoon ba talaga? Hindi ba madadaan sa pakiusap?" "Alam mo naman na marami rin ang naghahanap ng trabaho this time and maraming beses ka na rin humingi ng mga excuses, ayaw nyang maging unfair sa iba." Sagot nito. "Oo, pero," she felt defeated, ilang beses na ngang di sya pumasok noon at napagbigyan na, sa sarili nya rin alam nyang sobra na sya sa mga paki-usap at pabor. "Ano papasok ka na ba?" "Oo sige hahabol ako, kahit late, I can't lose my job." Sagot niya dito, binaba na ni Jill ang phone, hindi naman siguro masama na bigla na syang umalis at di magpaalam kay Jett, maiintindihan naman siguro nito na kailangan nyang unahin ang trabaho nya. Tumalikod na sya at handang umalis nang may humawak sa kanyang braso, lumingon sya, sino pa nga ba ang pipigil sa kanya? "Sinabi ko bang pwede ka ng umalis?!" seryoso ito kunot lalo ang noo, nakapagpalit na ito ng pambahay, nakalimutan pa ngang magsuot ng slipper, nagmadali ba ito para pigilan siya? "Jett, mamaya na lamang tayo mag-usap okay, kung ano man yang problema mo. Kailangan kong magreport sa trabaho or else matatanggal ako, sorry talaga bestfriend," sumamo nya dito, tinatatanggal nya rin ang kamay nito sa braso nya pero lalo pa nitong diniinan. At kinagulat nya ng hilahin sya nito sa loob ng unit nito at itinulak sa couch. Hindii na talaga sya natutuwa. "Jett ano bang problema mo!" di na nya mapigilang sumigaw, nasaktan talaga sya sa ginawa nito, namumula na rin ang braso nya kung saan sya diniinan. Ang labo nito, di nya maintindihan kung ano ang gusto nitong mangyari. "Kailangan kong pumasok sa trabaho." "Di mo ba talaga maintindihan? Huwag kang pumasok, wag kang mag-alala bibilhin ko ang oras mo, mataas pa sa kung magkanong kinikita mo!" nabigla sya ng sumigaw na ito," Alam mo namang kayang kaya kitang bayaran, oras mo lang naman ang kailangan ko eh, kailangan ko ng kausap ngayon. Hindi ba kaibigan kita? Bakit ka aalis? Just tell me how much! " natameme siya, ito ang unang beses na ginanito sya ni Jett, na ipinamukha sa kanya na sya lang ngayon ang maraming pera at kayang kaya nitong bilhin kahit ano, maging s'ya, nakakasakit ng pride, ng damdamin. Lalo na't mag kaibigan sila, "Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?" di nya nya mapigilan ang kanyang emosyon , nangingilid na ang luha nya," Sabagay may point ka naman talaga, iba kasi kapag ikaw na ang naghihirap, kapag naranasan mo na, kapag may nanay kang nasa ospital at kailangan ng araw –araw na gamot at pera para sa operasyon, hindi kasi ikaw ang nasa sitwasyon ko na kailangang magtrabaho, mag-aral at mag-alaga sa nanay mong may sakit. Sa bagay paano mo nga naman maiintindihan, marami kang resources at wala kang problema katulad ng sa akin." "Sorry Clem," Mukhang nakunsensya ito sa sinabi niya, hindi na galit ang mukha nito, gusto nitong pahiran ang kanyang luha, pero sinagi niya ang kamay nito. "Hindi kasi ikaw ang nag-aalala na mawawalan ng trabaho, dahil hindi mo kasi kailangang magbanat ng buto, dahil lahat ng kailangan mo, isang utos mo lamang isang sabi mo lang nandyan na agad." "Sorry," sabi nito muli, habang siyang patuloy sa paghikbi," Namimiss lamang siguro kasi kita, bihira na kasi tayong magkasama, unlike before." Iyong kaninang galit sa puso ni Clem na palitan na rin ng tuwa, s'ya rin naman, miss nya na ang bestfriend, higit pa sa akala nito, wala itong ideya na kahit di sila magkasama, walang oras na hindi ito nakasama sa mga iniisip nya. Iyon nga lamang iba na ang sitwasyon ngayon, di na sya ang prinsesang si Clayanne. May girlfriend na ito at nakiki-amot lamang siya ng pagkakataon sa atensyon nito sa girlfriend. "Jett, iba na ang buhay ko ngayon, kailangan kong kumayod para mabuhay kami ni mommy." "Kung pumayag ka lamang na tulungan kita sa lahat, di ka mapapagod, kailangan mo lang intindihin iyong studies mo saka lagi pa tayong magkasama," Ilang beses nya ng tinanggihan ang perang offer nito, partly galing sa malaking allowance nito, pero sobra na ang mga naitulong nito at ng pamilya nito, nag-aalala sya sa maaaring sabihin ng lolo nito. Ayaw nyang dumating iyong oras na sumbatan silang mag-ina at sabihing abusado na sila sa kabaitan ng apo. "Alam mo naman Jett ang desisyon ko tungkol diyan hangga't kaya kong magbanat ng buto gagawin ko." "I know, kaya lang, nahihirapan rin akong nakikita kang pagod at naiinis akong maramdamang wala ka ng oras sa akin." Ang punot dulo ng lahat nagtatampo ito, ang kawalan nya ng oras para dito, hindi nga ba't isang mensahe lamang nito, kahit nasa gitna siya ng meeting ay handa siyang pumunta? Si Jett talaga isip bata pa rin, di man lamang mag matured. "Pero dumarating naman ako diba?When you needed me the most like kanina, para mag-meet kayo ni Ms. Amanda," Nakita nyang nagningning bigla ang mga mata nito pagkabanggit sa pangalan ng girlfriend. Samantalang siya, deep inside lihim na nasasaktan. "Sino pala iyong kasama mo kanina?" "Si Luke iyon, diba kilala mo na iyon?" "Bakit kayo magkakilala?" "He is a nice guy; he is my friend now, mabuti siyang tao." "At kailan ka pa nagkaroon ng ibang lalakeng kaibigan?" Kumunot ang noo nya, "May ganoong factor?" she tried to joke. "Di mo sya kilala masyado, wag kang makipag close kanino, lalo sa mga lalake," "I'm telling you he is a good guy." Bumuntong hininga sya, heto na naman sila sa overprotective side nito na madalas nyang ma-misinterpret before, pero buhat ng mahumaling ito kay Amanda, saka nya na realize na ang pagka- overprotective nito ay dahil lamang sa magbestfriend silang dalawa, nothing more, nothing less. "Don't misjudge him, once you know him. You will realize that he is a good guy," totoo iyon ramdam nya iyon nang makausap nya si Luke ng matagal, safe ang mga secret nila sa isat isa," Saka bakit ka ba ganyan sa kanya?" "Bakit sya nandoon? Anong ginagawa nya?" huminto muna ito bago ulit nagtanong," Nakita nya ba kami?" Now she realized bakit ba kasi ang tanga nya kanina pa, nag-alala si Jett hindi dahil sa pinoprotektahan sya nito , worried ito na may ibang makaalam ng relasyon nila ni Amanda. Syempre ayaw nyang ipahamak si Luke ayaw nya rin itong mag-alala at gusto nya rin protektahan ang secret nya na alam ni Luke kaya naman wala syang choice kung hindi ang magsinungaling. "Of course not, wala syang alam, napadaan lang talaga ito, your secret is safe, stop worrying," pinilit nyang ngumiti, tutal master nya na naman ang magsinungaling nang kanyang emosyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD