"Congratulations!" Masiglang bungad kay Clem ng mga ka officemates pag pasok nya. Nagulat talaga sya ng may hinanda pa silang pop balloon para sa kanya, parang pamilya na kasi ang turing nila sa isa't isa. Tatlong taon na rin sya rito sa kumpanya na ito... kaya ang makakuha ng ganitong project ay achievement talaga. After kasi ng second year college nya, huminto sya dahil sa pag bubuntis, tapos naman kailangan nyang magtrabaho para pantustos pagkapanganak, mahirap magpalaki ng bata at talaga nga namang mahirap, pero maswerte pa rin talaga sya, parang may mga tao kasi na dumadating at tumutulong sa kanya. Mga tao na pamilya ang nagiging turing sa kanya, after three years nagpatuloy ulit sya sa college, pasingit singit sa schedule, himala nga at nalampasan nya yun, ibayong tiyaga lang talag

