..........................................
Jett woke up with a smile plaster in his face. Hindi nya kayang ipaliwanang sa mga salita, inaamin nya, he feel so complicated, kahit sarili nya hindi nya na rin maintindihan, those memory from last night, gave him an extra kind of feeling, gaya nga ng sabi nya, he can't find a words to describe it, pero alam nyang it is something special...
However, agad ding napawi ang kanyang ngiti ng maramdaman nyang wala na syang katabi, nandito nga sya sa kwarto ni Clem, and they did that again last night, she succumb to his desire ...Sya nga ang nagyayaya, di nya mapigilain, eversince may mangyari sa kanila, iba na ang pakiramdam nya kapag malapit sila ni Clem sa kanya, parang every minute he wanted to hold her...pero di nya sasabihin yun,,, hindi muna sa ngayon, hangga't meron pa ring part ng puso nya ang hindi ito lubusang napapatawad...
He is a jerk, he is aware of that, lagi nya kasing sinasabi dito na never nya itong mapapatawad, pero those were all lies, isa- isa nyang inintindi ang reasons nito. Alam nyang sobrang mahal nito ang mommy nito that she will do anything kahit pa ibenta ang sarili kapalit ng pera kung kanino mang gago. Buti na lang at nalaman nya agad yun, kasi kahit galit sya kay Clem, ayaw nya parin na babuyin ito ng sinumang lalaki..
So ibig sabihin ikaw pwede?
His other side kicked in, yung laging nangungunnsenysa, yung nagsasabi na ginagamit nyang replacement si Clem para gampanan ang role sa buhay nya ni Amanda... yun talaga yung balak nya noong una, his kind of revenge, pero, sa araw -araw na nakikita nya ito, na kasama nya sa bahay, na palihim nyang pinagmamasdan kapag may binubutingting sa bahay nya nawawala ang mga image ni Amanda. Unti-unti ito na talaga ang nakikita nya...only her image na umaasikaso sa mga needs nya sa bahay, sa nagtatanong if kumain na sya or anong ulam ang gusto nyang kainin..
Lumabas si Jett ng kwarto nito, tahimik sa buong condo, past eight na ang oras, tumungo sya sa kitchen, baka sakaling nandoon, pero wala talaga, nahihiya naman syang tawagin ito kasi hindi sya handang sabihin ang reason nya na namimiss nya ito kaya nya hinahanap...
Mapagpanggap nga sya diba?
As usual may nakahanda na naman syang breakfast sa table, binasa nya ang note , maasikaso talaga si Clem, maswerte ang magiging asawa nito, naiisip nya, pero hindi sya aware na nalukot nya na rin ang papel while having those thoughts in mind...
Bakit nga ba?
Na dahil gutso nya na sya lang ang pinagsisilbihan nito? Na hindi nya kayang imaginine na may ibang lalaki ang magmamay- ari rito?
..............................................................................................
"Butas na yang yellow paper sa kakadoddle mo!"Saway sa kanya ni Luke as usual ito na naman ang kasama nya, kaklase nya ito sa halos lahat ng subject nya, kung paano nya nagawa yun, ayaw nya ng itanong, basta na lang nagulat sya isang araw umuupo nalang sa tabi nya. Akala nya naman nakiki sit in lang,pero nag paparticipate na ito sa recitation at tinatawag na ng prof ang pangalan nito para sa attendance..
"Kung hindi ko lang alam ang totoo, iisipin ko stalker talaga kita," sabi nya dito na may himig pang-aasar, tumigil na sya sa kakadoodle, nilalaro nya nalang yung ballpen sa mga daliri,naninibago pa rin sya sa pink nitong buhok, buti na lang okay dito sa university ang may hair color, si Jett brown nga eh, pero pink? Imba talaga ang trip nito, tumawa lang ito at binigyan sya ng boy next door na ngiti, ito yung mga dahilan kung bakit maraming babae ang nag kaka-crush dito, pero wala naman syang pinapansin sa mga yun...
"Akala tuloy ng mga babeng may gusto sayo girlfriend mo ako," iyon nga ang madalas mangyari, since naging close sila naging buntot nya na ito, ang sama ng term, pero lagi kasing lumilitaw kung nasaan sya, sa canteen, sa library, sa mga puno kung saan nya feel mag pahinga at kahit sa labas ng girls bathroom...
Bigla itong nagclap ng kamay at ngumiti na naman ng nakakaloko.
"Iyon nga ang gusto kong isipin nila, na ikaw girlfriend ko at saka pag kasama kita maasaya ako. I can freely express myself, I can be who I am."
Napangiti si Clem, sumeryeso ang itsura nito, di na nakatakas ang lungkot nito sa mata, bakit kasi hindi nya napapansin yun? She knows that he is in pain , lalo pa ngayon, kaya willing syang sakyan ang mga kalokohan nito...kahit pa halos everyday nya na naririnig tong linyang to sa bibig ni Luke, hindi siya magsasawa
"Huwag na tayong pumasok sa last subject natin, mag stroll na lang tayo," Luke raise, mukhang tinatamad pumasok ngayon....
"Saan naman tayo pupunta?" sa totoo lang pagod pa rin sya, medyo masakit ang katawan nya dahil sa ginawa nila ni Jett kagabi, namumula sya habang napapailing, naalala nya kasi ang mga pangyayari kagabi...
Hindi dapat!
"Bakit napapailing ka dyan at namumula ka pa?" ngumisi ito, " wag mong sabihin na may berde kang iniisip ano? Grabe kang babae ka pinagnanasaan mo ako!" tukso nito, "hindi naman kita niyayayang magtanan, kung saan na napupunta yung utak mo, malamang nasa honeymoon stage na no? Maghunos dili kang babae ka!" pang-aasar nito, kapag nangaasar ito lumalalim magsalita ng tagalog..
Oo may berde nga syang naiisip pero not with him, she's aware na madali syang mamula kaya enjoy lalo to sa pang aasar sa kanya, yung papel na sinusulatan nya kanina, nilamutak nya at binato dito, umilag naman ito at kung matamaan man, ano ba ang matamaan ng isang magaan na papel?
"Ms. Pakitapon ang basura na kinalat mo!" saway ng isang professor, yung mataray pa sa CBA department, agad namang sumunod si Clem at nanghingi ng sorry dito, todo irap pa rin ito hanggang sa umalis tinapunan sila ng masamang tingin...
Nang makalayo ito, bumunghalit na rin ng tawa si Luke at ang kaninang kahihiyan eh sinabayan nya na rin ng tawa with Luke, kaysa naman dibdibin nya yung konting pagkapahiya na yun, napag tripan na naman kasi sya ng mabait niyang kaibigan..
"Tara na may utang ka pa sa akin , di mo pa ako nalilibre!" pang guguiltrip nito...
" Hindi pa ba?"
"Oo, wag kang kuripot, paminsanminsan gastusin mo rin yang pera ng sugar daddy mo," pabulong nito sa kanya, buti nalang at dinikit yung taiga nito, baka kasi may makarinig na iba,at isipin na talagang may sugar daddy sya, pero kung iisipin parang meron naman talaga, mas bata nga lang sa typhical na sugar daddy si Jett.
"Okay, tara na," she sighed in defeat, suko na sya sa kakulitan nito, alam nyang mapapasubok na naman sya sa kahyperan ng kaibigan.
Hinila na agad nito ang kamay nya,
"Wait lang."
"Ayoko nga, baka magbago ang isip mo, punta muna tayo sa mommy mo, bago tayo magliwaliw,"
Napangiti sya, alam na ni Luke ang schedule nya, basta di nya palalampasin ang araw na hindi madalaw ang kanyang mommy, kahit may private nurse na every hour syang inaaupdate sa condition ng ina.
...................................................................................
"Bro kilay mo straight line na, kung may apoy lang yang paningin mo , kanina pa nagliyab yung may pink na buhok," si Marco, nakahawak sa balikat nya, habang sya nakatingin sa palabas na sasakyan ni Luke, kasama si Clem...
Kanina nang pumasok sya , hinanap nya ito, pero sa kabilang building kasi, kaya tinapos nya muna ang subject nya, and while waiting for the next to start , napagawi sya sa tabi at napadungaw sa baba, and he dislike what he is seeing, o maling sabihin, mas worst pa sa dislike ang nararamdam nya, gusto nyang manuntok ng maraming beses, nang paulit- ulit, na ang model ay ang mukha ni Luke...
"Kalma lang bro, wala na naman kayo diba? Kaya okay lang naman na may kasama syang iba."binigyan nya ito ng matalim na tingin, kinabahan naman ito bigla at tinaas ang kanyang dalawang kamay as a sign of surrender ...
"Di ka nakakatulong."
"Sorry pare, anong gusto mong gawin natin?" napaisip naman agad si Marco, kung tama ba nyang sinabi yun...
Tumalikod na lang siya bigla kahit dumating na ang kanilang rpofessor.
"Hoy, saan ka pupunta?" tawag ni Marco, hindi nakatiis at narinig ni Jett na sumusunod ito sa kanynag likod.
...........................................................................................................
Matapos manggulo ng kaunti sa ospital, manggulo kasi ang term na lagi na ginagamit ni Clem sa tuwing bumibisita si Luke, paano napaka -agaw atensyon kasi, masyadong napapansin ng mga nurse at pasyente.
Kung alam lang nila na hinding hindi sila papatulan ni Luke, na sumasakay lamang ito.
Alam nya na kung anong paglilibang ang ibig sabihin ni Luke, nasa Wonder Park sila, habang panonoorin nya itong maglaro ng kung anu-anong games.
"Papalit ka na ng token naten, ikaw ang taya diba?!" excited nitong sabi, nginusuuan nya lang ito at nagpunta na para bumili ng token, naglabas siya ng two hundres peso bill , kahit alam nyang kukulangin pa rin yun...
Inabot nya lahat ng token kay Luke at parang bata na nag- umpisa na sa kung anu-anong games na maisipan nito, habang sya tawa nang tawa sa kapapanood sa kalokohan nito, para tuloy syang may alaga na five years old, kasi parang bata itong nagmamaktol kapag natatalo...
"Anong gusto mo rito?" nandoon sila sa may mga stuff toy, tumuro sya ng pinakacute, nagkataon nasa pinakagilid iyon, ngumuso si Luke parang sinabing ang hirap naman,"sige na nga wag na yun, yung dilaw na lang siguro makukuha mo na ito."
"Minamaliit mo ba ako ha Cleng- Cleng?" Tinaasan siya ng kilay nito, naapakan niya yata ang pride.
"Hindi kita minamaliit, nagsasabi lang ako ng totoo, at saka wag mo nga akong tawaging Cleng- Cleng, para akong bell o alarm." asik nya sa nickname na binibigay nito.
Natawa ito.
"Kaya nga ganun tawag ko sayo, para sa akin isa kang security alarm bago mag giyera," hindi ito nakatingin sa kanya habang nag -iisstrech para makuha yung stuff toy na tinuro nya.
"Ano naman yun?" nagkibit balikat lamang ito..
Napaiisip naman say, minsan talaga mahirap intindihin tong tao na ito, nagugulat na lang sya nag seseryoso at hindi ipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin...
....................................
"Sabi ko sayo eh, makukuha ko rin yan!" excited nito matapos iaabot sa kanya yung pink na bunny na tinuro nya kanina, pinagsisihan nya tuloy kung bakit yun pa yung napili nya..
"Oo nga, para ko na ring binili , kasi pinauubos mo ako ng another two hundered pesos worth of token bago mo nakuha!" sabay hampas nya dito, nag peace ito sa kanya, tapos hinawakan sya sa kamay..
"Oh, saan naman tayo pupunta?" mag seseven na, kailangan nya ng umuwi...
"Kakain, wag kang mag alala libre ko na 'to, mamaya ka na umuwi, sulitin na natin to, malay mo, baka hindi na to maulit,"
"Bakit naman?" tanong nya rito, ngumiti lang ito sa kanya, sarap pingutin,pumasok sila sa Italian restaurant, dapat lang na ito ang magbayad, dahil wala talaga syang ipambabayad sa mamahaling restaurant na to, baka maghugas pa sya ng plato kung sakali...
"Halika doon tayo," sa apatan na upuuan sila puwesto, pero imbes na umupo ito sa tapat nya, tumabi ito sa kanya...inabot sa kanila ang menu,
"Order ka na wag kang mahiya."
"Oo , talagang hindi ako mahihiya, dahil naubos ang pera ko sa token na ginamit mo."tumawa na naman ito na ng aasar. " Kakaain talaga siya ng marami ngayon."
"Kaya nga bilisan mo ng umorder, hala ka , baka di mo matikman ang libre ko," kunot ang noo nya na tumingin dito..
"Bakit naman, heto na nga ibibigay ko na yung orders ko, madami ito, baka mabutas wallet mo?"
"Gusto mong malaman?"
"Mangungulit ba ako kung hindi?"
"Halika may ibubulong ako sayo,"
Nangungunsumi na talaga sya dito, ang lapit lang nila bakit kailangan pang ibulong?
"Sabihin mo na kasi!" Pilit niya dahil wala talaga siyang pasensya sa pambibitin nito lalo at gutom na siya.
"Mas maganda pag binulong," sakyan na nga ang kalokohan nito. Nilapit nya ang tainga sa bibig nito, pero ang ginawa lang ng isip batang si Luke ay nagbilang sa tainga nya."one , two , three,"babatukan na nya sana ito, pero nahuli sya kasi may humatak dito at nakita nya nang nakasalampak sa Luke sa sahig....
"Luke!" namumula ang kanang pisngi nito , pero nakapaskil pa rin ang mapang -asar na ngisi, susugurin ulit sana ito ng nanuntok pero napigil na ito ng kasama,
"Tama na bro,'wag tayong umeksena dito.."
"Damn him!" sabay turo kay Luke at ikinagulat nya kung sino ang may-ari ng boses na yun, galit na galit ito at handang handang bugbugin si Luke. Salamat talaga ay may pumipigil dito.
"Kalma lang pare. " Nakatayo na si Luke sapo ang namumulang pisngi.
"Huwag mo ng ipakita ang mukha mo sa akin, kung ayaw mong sirain ko yan ng tuluyan!" banta nito kay Luke, kung dati , siguro nanginginig na ito sa takot, pero bakit ibang aura ang nakikita ni Clayanne sa mukha ni Luke, na parang masaya pa , na parang nag-eenjoy? Ganun na ba ang epekto kapag nasuntok?
"Jett!?" at last nabanggit din ni Clem, nakatayo na sya sa tabi nito, hindi naman nya malapitan si Luke kahit worried sya baka lalo magalit si lolo Jett..
"At ikaw babae, uuwi na tayo sa bahay natin!" noong sinabi nya iyon, nakatingin ito kay Luke,may himig iparating..
So ito pala ang ibig sabihin ni Luke na baka hindi na sya makakain?
Alam nito na darating si Jett?
Pero bakit?
Ang daming tanong sa kanyang isipan,pero bago nya isipin yun, kailangan nya munang ireklamo ang higpit ng pagkakahawak ni Jett sa braso nya palayo kay Luke, palayo sa lugar na yun..