SUOT ang isang off shoulder champagne party dress na tinernuhan ng puting sandals, humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking pustura. Halos nagmukha akong mayaman sa tindig ko. Nakatali paitaas ang aking buhok habang may kaunting takas ng mga hibla sa magkabilang gilid ng mukha ko, may kaunting blush on din sa aking mga pisngi at pulang lipstick sa aking labi. Kahit na morena ang kutis ko ay bumagay sa akin ang dress. Lumunok ako habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag sa request ni Eionn. Huwag naman sana akong tingnan ng mga taong makakasalamuha namin do'n. Baka kapag nalaman nilang mahirap lang ako at naninilbihan bilang isang katulong ay pagtawanan ako. Hindi naman siguro aabot sa gano'n gay

