Chapter 63

1907 Words

PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, C

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD