Chapter 37

1514 Words

KAGAYA nga nang sinabi ni Eionn kanina pagkatapos ng naging halikan namin, nang matapos ang kanyang trabaho ay namasyal kami. Pinuntahan namin ang mga makasaysayan at sikat na tourist spot sa Baguio. No’ng una ay naiilang pa ako dahil sa naging pag-uusap namin kanina ngunit nang puntahan namin ang lugar kung saan ginaganap ang Panagbenga festival ay natuon na ro’n ang aking buong atensyon. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ang mga taong naka-costume ng naglalakihang bulaklak na gawa sa matitibay na papel. Punung-puno ng kulay ang paligid at tanging pagkagalak at hiyawan ng mga taong nanonood ang naririnig ko. Sa bawat pag-usad ng pagmamartsa ng mga nagpe-perform ay siyang pagsunod ko habang nasa gilid ng kalsada. Nakasunod naman sa akin si Eionn na halos hindi ko na napansin. Nilabas ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD