THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI malaman ni Elle kung paano sila nakarating sa kama ng mga oras na 'yon. Masyado na siyang nababaliw at nawawala sa kanyang wisyo dahil sa samu't saring emosyong pinaparamdam sa kanya ni Eionn, na kahit ano pang gawing pagsigaw ng isip niyang tutulan ang bawat halik at hawak nito ay hindi niya magawa. Imbis ay kabaligtaran pa ang nangyayari. Heto at hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagpapaubaya, sa pagtugon at pagnamnam ng bawat sandali nilang dalawa. Bumaluktot na nga siguro ang paninindigang pilit na pinoprotektahan niya dahil hindi na niya kontrolado pa ang isip at damdamin niya sa mga oras na iyon. Dayuhan para sa kanya ang mga emosyong kumakain sa dibdib niya. Ni hindi niya kayang pangalanan ang mga 'yon. Ang tanging alam lang niya ay binabal

