Chapter 1

1984 Words
The year 2026 Jinchi POV Nagpunta ako sa classroom ng kapatid ko. Hindi kami mag-kaklase pero same grade kami at nasa iisang school. "Ash!" tawag ko kumaway na lang ako mula sa labas ng classroom niya hindi ko pinansin ang mga kumaway niyang kaklase sa akin. Tumayo ako sa pader hinintay matapos ang klase nila. Wala kaming klase sa huling subject madalas na sabay natatapos ang klase namin ngayon lang hindi nangyari dahil hindi pumasok ang teacher namin. Grade 12 na kami, graduating sa senior high naabutan kami ng k-12. "Ayana!" tawag ng kapatid ko at inakbayan niya ako sa balikat. "Masaya ka ngayon?" puna ko sa kanya tinititigan ko siya sa mata niya. "Wala naman, Ayana, saan tayo ngayon?" tanong niya sa akin kinuha niya ang bag ko. "Hindi mo ba pupuntahan ang girlfriend mo?" tanong ko sa kapatid ko napalingon siya sa akin. "Hindi, nag-text siya sa akin na hindi siya sasabay sa atin may shooting siya sa pelikula." sambit niya sa akin. "Ah, bakit hindi na lang siya mag-home school?" tanong ko sa kapatid ko naglalakad na kami sa hallway. "Ni zhidao ta he ta de fumu bu xiwang ta qu jiating xuexiao, zhe jiushi wo xiang zhidào di difang, tamen weisheme buxiang yao?" sambit niya sa akin nag-kibit balikat na lang ako sa kanya. (You know she and her parents don't want her to go to home school, that's where I wonder, why don't they want?) "Wo ye bu zhidao, ta bu shuo, ta gaosu ni de yuanyin shi shenme? Ni shi ta de nan pengyou." aniko sa kanya umiling siya kaagad sa akin. (I also don't know if, what's the reason she doesn't say, she's telling you? You're her boyfriend.) "Zai women zai yiqi de si nian li, ta meiyou dui wo shuoguo renhe hua, ta zhidao tamen shi zai bimian rang ta de shenghuo bian de beican, ta xiang tiyan zhengchang de shenghuo." sambit niya tumango na lang ako sa kanya masaya ako para sa kanya. (In the four years we've been together, she hasn't said anything to me knowing they're avoiding making her life miserable, she wants to experience a normal life.) 4 years, bata kami may sila na. First year college ang girlfriend niya at grade 12 naman kami ang tatag nila. Pumunta kami sa arena para makipag-laban sa mga baguhan. Traning kumbaga.. Yes, I'm Gangster Princess. And he's Gangster Prince ng mundo nang underground. Siya ang papalit sa trono ni tito Jeree bilang King dahil mag-eighteen na siya at debut ko magiging Queen na ako pero tago ang pagkatao namin para sa kaligtasan ng pamilya namin. "Ahh!!!" sigaw ng kalaban naming dalawa sa malawak na battle ring. Pinagawa ito ng council mula nang may namatay sa underground. "Youxi?" aniya sa akin tumango na lang ako sa kanya. (Game?) Humarap kami sa kalaban at sabay ngumisi ng kapatid ko. Tumalon kami nang sabay at nag-palitan ng armas na hawak. "Time-Out!" sigaw ng babaeng naka-puti sa amin napatingin kami sa kanya. Umatras kami nang sumugod ang kalaban sa amin masyado nila sineryoso ang training kaya gumanti kami ng kapatid hanggang sa sabay namin sila matalo. "Huwag kayo susuway kapag time-out na, time-out na hindi kami madaling matalo." paalala ko bago ako lumayo tinawag ng naka-puting babae ang GA at nilabas ang kalaban namin. "Hindi namin kasalanan na hindi training ang gusto nila sa ginawa namin," sabat niya sa naka-puting babae natawa naman ito sa amin. "Masanay na kayo, iba kasi kayo kung lumaban kaya ganyan sila kung alam lang nila." sambit ng babaeng naka-puti natawa kami sa sinabi niya. Council siya sa underground world. "Dangran, women zhishi buxiang jieshao ziji, ni zhidao women de shijie." aniya sa kausap namin. (Of course, we just don't want to introduce ourselves, you know our world.) "Ni de nu pengyou hao ma? Ta liaojie ni de gexing, ni bu hui juede ta hui shoudao yingxiang." wika ng naka-puting babae sa amin. (How is your girlfriend? He knows about your personality, you don't feel she will be affected.) "No, I am not a coward like tito Jeree I will protect her until my death." aniya tumango sa kanya ang kausap namin. Umalis na kami nang nakasimangot ang kapatid ko sumakay na kami sa sasakyan niya nakita kong may tumawag sa kanya hinayaan ko lang. Umuwi kami sa bahay sinalubong kami ng magulang namin. Nagulat ako nang makita ko ang kaibigan ko na girlfriend niya kasama ang magulang at kapatid nito na si Axelle. "Zhe shi shenme?" tanong ko sa kapatid ko nang sinundan ko siya ng tingin. (What is this?) "Zhishi kan he ting." aniya sa akin nang maging seryoso ang boses ng kapatid ko. (Just look and listen.) Nalaman ng magulang namin na lihim nagpa-register sa huwes ang kapatid ko at ang matagal na girlfriend nito na kaibigan ko. Nagulat din ang magulang nito na sina tito Emman at tita Alexie. "Buntis ka ba, Elle?" tanong ko sa kaibigan ko. "Hindi ako buntis, Ayana." amin ng kaibigan ko sa amin. "Bakit magpapakasal na kayo kaagad? Ang bata nyo pa nag-aaral pa kayo eh!" sambit ni tita Alexie sa anak at sa kapatid ko. Tinignan ko sila at ang magulang namin gulat pa rin kami sa nalaman mabuti wala ang kapatid ko na si Kech. "Ang sabi naman namin nasa tamang edad na kami saka pagkakamali namin sinabi namin sa judge na pumayag kayo at nabuntis ko siya kaya sa susunod na linggo na ang kasal namin, tita Alexie at mom." sambit niya sa magulang namin. "Diyosmiyo marimar! Tumatanda na tayo, princess mag-asawa na ang baby princess natin..." angal nasambit ni tito Emman napangawa na lang ng malakas sa harap namin. "Ang gusto namin dalawa na nakatali na kami sa isa't-isa wala nang dahilan para magkalayo kami." sambit niya sa magulang namin. "'Tol, 17 pa lang tayo wala sa legal age para sa resposibilidad kung mabubuntis mo siya, kaya mo ba?" sabat ko baka nabibigla lang siya. "Oo naman, may online shop kami ni Elle na tungkol sa gadgets at iba pa at kaya ko sya pakakasalan dahil ayokong umagaw sa kanya." sambit niya sa amin. "'Yon lang? Hindi dapat tayo umaasa sa magulang natin at saka siya na ba talaga ang masasabi mong forever?" tanong ko. "Tapos magiging bahagi pa ako ng isang entertainment dahil sa talento ko na mag-piano at gumamit ng gitara pati ang boses ko kilala mo ako at oo, nakita ko," aniya. "Mag-uusap pa kami ni Emman, Ash tungkol sa plano nyong pagpapakasal ng maaga mga bata pa kayo kung kayo talaga ang para sa isa't-isa hindi kayo mag-hihiwalay kahit mag-syota pa lang kayo," sambit ni daddy sa kapatid ko na nilalambing ang girlfriend nito. Unahan ba ito? "Princess, iba na ang naglalambing sa baby princess natin huhuhu...." wika ni tito Emman sa asawa nang dumantay sa balikat nito. "18 na ang anak mo, Emmanuel dalaga na ang boyfriend niya ang menor de edad pero matured mag-isip." sambit ni tita Alexie sa asawa napapailing na lang. "Kung wala lang talaga ako tiwala at hindi kita gusto sa anak ko hindi kita papayagan na maging boyfriend ng anak ko tatlong taon na ang relasyon nyo inisip nyo man lang ba kami at ang pag-aaral nyo?" tanong ni tito Emman at tinignan niya ang kapatid ko. "Inisip din namin, tito ang gusto lang namin na magkasama na kami palagi sa iisang lugar at bahay kung bibigyan na kami ng blessing para maging responsable ako tatanggapin ko at hindi ko babalewalain nabuo 'yon dahil mahal namin ang isa't-isa." seryosong sambit niya sa magulang ng girlfriend nito. "Anak? Totoo ba ang sinasabi ni Ash? Hindi ka ba talaga buntis at nagmamadali kayo magpakasal?" tanong ni tita Alexie sa anak na si Elle. "Hindi talaga ako buntis, mommy kung ano ang sinabi niya sa'yo 'yon din ang sasabihin ko sa inyong harapan." sambit ng kaibigan ko sa ina at ngumiti na lang. "Ang pagpapakasal hindi isang biro o laro lang kung sigurado na kayong dalawa wag nyo sasaktan at iiwanan ang isa't-isa maging matatag kayo sa darating na pagsubok sa inyong buhay," sabat ni daddy at tinititigan niya ang dalawa. "Pagkatapos na lang ng pag-aaral nyo kayo magpakasal graduate ka na, anak at si Elle first year college sa BSU." sambit ni mommy sa kapatid ko. Ito ba ang dahilan masaya siya kanina? "Baka may magkagusto sa kanya habang magkalayo kami kapag nag-aral kami sa ibang bansa hindi imposible 'yon, mom kung dun nyo ako pag-aaralin dun ako kung nasaan ang babaeng mahal ko." aniya sa magulang namin. "Ang sigurista nitong anak mo, Chie ayaw na nyang umagaw sa babaeng minamahal maganda rin sana kaso baka nagpakasal kayo ng maaga magkasakitan at mag-hiwalay din kayo ayoko mangyari at magka-sira ang pagkakaibigan namin ng magulang mo, hijo." sabat tito ni Emman sa kaibigan. "'Yon nga ang nasa isip ko, Emman ayoko na magka-sira tayo dahil sa mga anak natin." sambit ni daddy sa kaibigan. "Hindi ko sasaktan ang anak nyo, tito protektahan ko pa siya sa mga mangyayari sa amin alam nyo ang tunay na katauhan namin ako mismo ang haharang sa hahadlang sa aming relasyon." sambit niya sa magulang ng girlfriend niya. Katulad siya ni dad, 'yon ang napansin ko kahit nagseselos siya kay Clarkson. Hindi nakasagot si tito Emman sa sinabi ng kapatid ko alam nila ang tinutukoy nito. "Kaya ba gusto nyo magpakasal ng maaga? May gusto bang pumatay sa inyo?" sabat ni mommy sa kanya seryosong tinignan niya sa mata. "Wala, mom." sabat niya sa mommy namin at umiiling na lang. "Sigurado ka, Ash kilala kita magkadikit ang puso't-isip natin mula noon hanggang ngayon." sabat ko hindi rin ako kumbinsido. "Wala, sis gusto lang namin na kami na ang una't-huli wala nang hahadlang sa amin." sabat niya sa akin nang tignan niya ako. "Mahal ko ang kapatid mo, Aya siya lang lalaking gusto ko makasama habangbuhay." sabat ng kaibigan ko sa akin. Hindi kami nakaimik sa sinabi nila sa amin. Isang linggo ang nakalipas pumayag na ang magulang namin sa kanilang maagang pagpapakasal. Nag-ayos ng simple ang kapatid ko at ang soon to be bride at kaibigan ko na may ngiti sa kanilang labi. Nakasuot lang white dress ang kaibigan ko at nakataas ang buhok nito na pinulupot suot nito ang sandals ni tita Alexie ang black na may combination na gold. Nakasuot naman ng white polo shirt ang kapatid ko at black pants naka-rubber shoes siya na binili namin noon sa America. "May tanong lang ako, mom." tanong ko sa mommy ko nang nasa loob na sila sa malaking van. "Ano 'yon?" tanong ni mommy nang nilingon niya ako. "Gagamitin na ba ni Elle ang bagong apelyido sa school nila at sa iba?" tanong ko naisip ko rin ito. "Hindi kasama ang nasa school pagkatapos ng pag-aaral nyo grade 12 na kayo graduating sa senior high school at siya first year college tatapusin muna niya ang college bago niya gagamitin ang apelyidong Swellden pumayag naman siya," sambit ni mommy sa akin. "Kapag nakapag-ipon ako, mom at tita Alexie magpapakasal kami sa simbahan magtatayo ako ng negosyo kapag nakapag-ipon na kami." sambit niya hinawakan niya ang kamay ni Elle na ngumiti sa kanya. Nang makarating sila sa opisina ng judge na kinausap nina Elle at Ash. Nang magsimula na ang seremonya ng pagpapakasal. Hanggang sa matapos nagsabi ang judge ng you may now kiss as husband and wife." wika ng judge sa kanilang dalawa nag-halikan silang dalawa ng saglit bago nagpasalamat sa kanilang judge. "Madali nyo makukuha ang marriage contract nyo dahil kilala ko ang magulang nyo hindi magiging peke kung 'yon ang iisipin nyo bago mag-isang linggo ibibigay ko sa inyo ang marriage contract nyo pwede nyo rin itanong sa munisipyo at city hall ng Manila para makasigurado kayo," wika ng judge sa kanila. Dumeretso kami sa restaurant para dun i-celebrate ang simpleng paghahanda ng bagong kasal. Bago sila naghiwalay sa aming magulang hinatid sila sa dating condominium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD