Allison Cassandra Dawson Ilang oras pa na nanatili kami sa eroplano at ngayon ay kasalukuyang nakapikit si Aurelios, mukang natutulog ito. “Cassandra, nagising si Haruki,” sabi ni Drew na lumbas mula sa silid kung saan natutulog si Haruki. Dahan dahan naman akong tumayo upang puntahan si Haruki at hindi ko maabala ang tulog ni Aurelios. Maayos naman akong nakaalis ng hindi naabala ang tulog niya, agad akong dumeretso sa silid.Pag pasok na pag pasok ko ay bumungad sa’kin si Haruki na umiiyak habang si Drie naman ay karga karga ito at pinatatahan. Mabilis akong lumapit dito. “Shhh… baby,” sabi ko dito. Lumingon sa akin si Haruki at tumigil sa pag iyak, nanatiling nakasimangot ang mga labi nito na tila nag pipigil ng iyak. Agad ko siyang kinuha kay Drie at mabilis naman itong ibini

