Blaze Aurelios Blood Dinala ko ang taong kinuha ko sa mga kalaban ngayon sa isang sekretong lugar na pag mamay ari ‘niya’ ng lalaking aking pinakisuyoan at tinawagan kanina para sabihing bantayan si Cassandra. “Mukang mapapadalas ang pag dalaw ko sa’yo dito,” sabi ko sa ‘kaniya’ habang siya ay walang malay. Sigurado naman akong ligtas siya sa lugar na ito dahil wala pang ibang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa akin at sa taong hiningian ko ng tulong. Kaya sigurado akong magiging ligtas ang pananatili niya dito sa underground palace. ‘Blaze, bilisan mo at bumalik ka na dito, sinusugod kami ng mga kalaban, baka magising si Cassandra!’ sabi ng taong hiningian ko ng tulong sa akin isipan. Napakuyom ako ng kamao, malamang ay nalaman nilang kinuha ko ang kanilang bihag at malamang

