Third Person Nag tataka man ay sumama na lang si Cassandra kay Blaze, nag punta na sila sa babaw ng dagat at umahon na dito. ‘KUng sa kabilang parte kami mag lalangoy ay hindi makikita ni Cassandra ang mga taong pwedeng sumira sa kanyang araw,’ sabi ni Blaze sa kanyang isipan habang papalapit sa cottage na ngayon ay mayroon ng mga pagkain na handa na para iihaw. “Master, babalik po kami pala dalhin ang mga ginawang sawsawan ng aking asawa,” sabi ng matandang nag hihintay sa cottage kasama ang isang batang lalaki na walang imik na nakatingin kay Blaze at Cassandra na kadarating lang mula sa pag lalangoy. “Ang ganda mo naman ija, ikaw pa lang ang nakita kong babae na dinala ni Master BLaze dito,” nakangiting baling naman ng matanda kay Cassandra. Hindi naman maiwasan ni Cassandra na

