Third Person Habang abala si Cassandra sa pag bibihis ay abala din sa katabing resort si Tricia at Andrea pag bibihis, ang resort na pag aari ni Nathan at ni Blaze ay mag katabi lang. Ang ipinag kaiba lang ng dalawang resort ay ang resort ni Blaze ay mas malaki kung ikukumpara sa resort na pag aari ni Nathan. “Bilisan mo diyan, baka nag hihintay na si Nathan sa ating sa baba,” sabi ni Tricia habang kinakatok si Andrea sa loob ng bath room kung saan ito kasalukuyang nag bibihis. Dali dali namang itinali ng mabuti ni Andrea ang kanyang swim suit, sinigurado niyang ligtas sa pag kahulog ang pag kakatali ng kanyang swimsuit bago siya tuluyang lumabas sa bath room. Pag labas niya ay nakita niya si Tricia na may inilalagay sa muka nito. “Mag mamake up ka pa rin kahit maliligo na tayo?”

