Allison Cassandra Dawson “Akala ko ba same subject tayo? Hindi ka ba papasok?” tanong ko kay Aurelios dahil pag katapos naming mag hiwa- hiwalay nila Raven at Rex para pumunta sa sariling klase ay lumagpas lang si Aurelios sa pinto ng aming class room. Kaya naman mabilis ko itong hinabol at tinanong. “Nah… tinatamad ako, hihintayin ko na lang matapos yang last subject mo, kung may problema ka tawagin mo ako, nandiyan lang ako sa tabi tabi,” sabi niya sa akin bago tumalikod at pinag patuloy ang pag lalakad. Napahinga naman ako ng malalim bago nag marcha papasok ng aming class room, kakaunte pa naman ang mga estudyante sa loob kaya naman mabilis akong nakakuha ng aking mauupuan. Pinili ko ang malapit sa bintana ngunit nasa bandaang unahan para naman maintindihan ko ang sinasabi ng aming

