Andrea Nakamasid lang ako sa ginagawang pag uusap ng dalawa. Hindi na ako nag tangka pang mag salita at nanahimik na lang sa isang tabi habang nag mamasid. Mayamaya lang ay biglang may dumating na isang matanda, may dala dala itong dalawang tray, ang isang tray ay may takip at yung isa ay ang lalaman ng nakahelerang wine glass. Ibinaba niya ito sa sa amign lamesa. “Salamat po,” sabi ni Cassandra dito at tinulongan ang matanda sa kanyang ginagawang pag bababa ng mga dala nito. “Sinong nag luto nito, Manong?” tanong ni Cassandra sa matanda habang nakatingin sa pagkain na kanian ay nakatakip upang hindi marumihan habang papunta dito. “Misis ko po, magaling siyang mag luto dahil nagawa niyang pag aralan lahat ng luto sa tulong ni Master Blaze,” nakangiting sabi ng matanda. Nakita ko

