Third Person Buhat buhat ni Blaze si Cassandra kaya wala ng nagawa pa ang lasing na dalaga ng ito ay iuwi at ibalik na sa rest house. Ginawa yun ni Blaze hindi lang dahil sa lasing na si Cassandra kundi dahil na rin sa tinatalban na siya ng alak, hindi naman ito tumatalab sa kanya noon pero nakakagulat lang na tila tinatamaan siya ngayon, o sadyang may kakaiba sa kanilang iniinum. Kaya naman naisipana na ni Blaze na alisin na doon si Cassandra. Agad silang nakarating sa rest house at pumasok dito, umakyat agad siya sa silid na nasa taas at pumasok doon. Inilatag muna ni Blaze ang isang malaking towel na kanyang kinuha sa drawer na nasa tabi ng kama bago niya dahan dahang ihiniga si Cassandra doon. Akala ni Blaze ay tulog na ito dahil hindi na ito nag ingay pa sa kanilang pagpunta dito

