Allison Cassandra Dawson “Mag iingat kayo mga iho, Cassandra ha?” bilin ni Manager Cha bago kami sumakay ng Van. “Nakaalis din,” sabi ni Drew na ikinatingin ko naman sa kanya. “Bakit may naging problema ba habang nag gagayak ako sa taas?” nag tatakang tanong ko. Dahil kanina, pag baba namin ni Aurelios ay naabutan namin silang puro tahimik at walang galaw maliban kay Manager Cha at Haruki na nag lalaro ng ibang laruan na binili namin sa Toy Kingdom. “Ang sama kasi makatingin ng kaibigan mo, hindi sanay si Drew sa ganung tao, o kung tao ba talaga ‘yon,” sabi ni Drie at may kahinaan naman ang bandang huli niyang sinabi kaya hindi ko ito narinig. “Baka meron, ganun talaga ang kaibigan kong yun kapag bad trip, pag pasensyahan niyo na,” sabi ko sa kanila. “Okay lang, nakaais naman n

