Raven “Master, sigurado ka bang ligtas si Cassandra na kasama si Itlog?” alangan na tanong ko kay Master Blaze. “Alam mo naman kung gaano kaarte ang pusa ng kakambal mo…” mahinang dagdag ko pa. “It’s fine, mukang okay naman sila,” sagot niya sa’kin habang nakatutok parin ang tingin sa harapan. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang at itinuon ang atensyon sa nag sasalita. “It’s been a years since the last time we had met, Royal Vampires!” pag uumpisa ng isa sa Elders. “And now that we are finally moving on from what happened in the past, let’s all celebrate!” dagdag nito bago itinaas ang kopita na may lamang sariwang dugo. Sabay sabay na itinaas ng mga bampira ang kanilang kopita at uminum ng dugo dito. “Uuwi din ba agad tayo?” tanong ko kay Master Blaze. Hindi siya su

