Allison Cassandra Dawson “Sabihin mo kay Mommy babye, Haruki, paalis na sila,” nakangiting sabi ni Drew kay Harukinhabang karga karga ito. Imbis na mag salita ay kumaway lang sa akin si Haruki, nginitian ko naman ito bago tumingin kay Drew. “Ikaw na muna bahala, ha?” sabi ko sa kanya. Sinagot niya ako ng isang siguradong tango at matamis na ngiti kaya naman kampante akong pumasok ng sasakyan ni Aurelios. Pag kaupong pagka- upo ko ay isinuot ko agad ang aking seat belt habang si Aurelios naman ay pinaandar na ang sasakyan. Habang nasa byahe ay walang nag sasalita ni isa sa amin at ng hindi na ako makatiis ay tumingin ako sa kanya. “May problema ba?” tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. “Wala, bakit mo natanong?” simpleng sagot niya. Napahinga naman akong muli ng mala

