Allsion Cassandra Dawson “On the second thought, mukang maganda nga ‘yan!” Napakibit balikat na lang ako dahil sa sinabi niya bago tumingin kay Jenny at Jane na abalang sinusukatan ako. “Nagustohan ko itong design niyo, ganito na lang ang gawin niyo para sa amin,” nakangiting sabi ko sa dalawa. Nag katinginan naman sila at sabay na ngumiti ng malaki at tumingin sa akin. “Isang malaking karangalan po sa amin ang makuha at magamit niyo ang isa sa aming likha!” nakangiting malaki na sabi ni Jenny sa akin. Naiilang naman akong ngumiti dahil hindi ako sanay na ganito. Third Person Natapos na sa pag susukat ang mga ito, at maging si Blaze ay nasukatan na rin. Hindi na naging mahirapan kay jenny at Jane na sukatan ito dahil mayroon na itong previous record sa kanila. Kinailangan lang n

