Allison Cassandra Dawson Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang gagawin. Nanatili siyang nakatitig sa aking sugat nang bigla niya itong hipan. Biglang nawala ang nararamdaman kong hapdi at unti unting tumigil ang pag durugo ng aking kamay. Napamaang ako dahil kitang kita ko kung paanong nawala ang sugat sa aking daliri. Tumingin ako sa kanya at nanatili siyang nakatingin sa aking daliri. “Magaling na,” sabi niya at tumingin sa akin na naging dahilan ng pag tatama ng aming mga mata. “Ako na ang mag hihiwa ng mga yan, mas mabuti pang diyan ka na lang at maupo,” seryosong sabi niya at inalis sa aking harapan ang aking mga hinihiwa at ang kutsilyong aking ginagamit pang hiwa. Hindi na ako umangal pa dahil namangha na lang ako sa kanya, nag simula na siyang mag gay

