"Marie."
Napaangat ang mukha niya. Ang kaninang mabagal niyang hininga ay biglang bumilis. Nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya.
Mabilis ang hininga niya pero ang ekspresyon ng mukha niya ay sobrang kalmado. Magkaiba ang ipinapakita niya, sobrang magkaiba.
Kinabahan ako. Anong nagyayari sa kaniya?
"Marie, talk to me." nag-aalala kong sabi.
Naupo na ako sa harap niya. Hinintay ko siyang magsalita. Pero, tahimik lang siya at nakatulala sa direksyon ko. Ganun pa rin siya, kalmado ang mukha pero parang pinipiga ang katawan sa paghinga. Parang ako ang nahihirapan sa nangyayari sa kaniya.
Hindi ko na inisip kung anong gagawin niya sa akin basta ay yinakap ko siya. Nanigas siya pero yinakap ko pa rin siya ng mahigpit.
Itinulak niya ako ng konti. Nang tignan ko siya ay nakakunot ang noo niya.
"Why? Is there something wrong? What happened?" tanong ko. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Nagtitigan lang kami doon bago siya magsalita.
"You smell someone's perfume. A woman scent." biglang sabi niya.
Nanlaki ang mata ko. Pa'no niya pa napansin 'yun?
"You don't like it?" agad akong lumayo sa kaniya. Hinubad ko ang coat ko.
Lumapit siya sa akin at inamoy ako. "I still smell it." reklamo niya habang salubong ang kilay.
"What should I do?" natataranta ko nang tanong.
"Remove your shirt. It smells like that girl." irita niyang sabi.
"That girl?" taka kong tanong.
'Yun ang kinakunot ng noo ko. Hindi ko alam pero okay lang sa akin ang request niya. Or more like, utos niya.
"Yeah, the girl who gave you coffee and sat beside you on the desks. She always clings onto you." sabi niya na seryosong tinatanggal ang pagkabotunes ng shirt ko.
Tinitignan ko ang bawat pagtanggal niya ng botunes. Relax lang at parang sanay na. Sino kaya ang madalas niyang pag-alisan ng pagkakabotunes ng damit?
"You mean Beatrice?" hindi ko makapaniwalang sabi.
So she knows what's going on in her environment. She always looked indeffirent and impassive.
Nagkibit-balikat siya at sumandal ulit sa dingding nang tapos na siya tanggalin lahat ng botunes ng shirt ko. Nakatitig siya sa itim ring kisame.
Lahat talaga ng gamit niya sa kwarto ay itim. Itim na king-size bed, itim na furniture, mat, etcetera. Ang naiiba lang ang kulay ay ang mga ilang trophies; glass, gold, may medals rin.
Hindi ko muna 'yun pinagtuunan ng pansin. Naupo ako sa tabi niya na wala ng pang-itaas.
"You don't remember her name? She's with us for almost 2 months now." mahinahon kong sabi.
"I hope I didn't remember some things, like I don't remember her name." blangko niyang sabi.
May iba pa siyang iniisip at alam kong ‘yun ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Lumingon siya sa akin at pinakatitigan ako. Nagkalat ang mga hibla ng buhok niya na tumakas sa pagkakatali niya. Inabot ko 'yun at isinabit sa tenga niya. Napapikit siya at napahilig sa kamay ko. Nagulat ako reaksyon niya.
Lumapit siya sa akin. Nanigas ako nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay na pumatong sa tiyan ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Marie, anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong.
Inilalapit niya ang mukha niya sa akin. Namoy ko na ang hininga niya nang ipatong niya ang noo niya sa akin.
Tinitigan niya ako. May kakaiba sa mata niya, blangko pero may lumalabas na isang emosyon. It was just flashing pero nakuha ko.
She's sad. And it wasn't the shallow type of sadness. It was deep ang heavy that she seems to avoid, not acknowledging it.
"Why did they have to do that?" bulong niya.
"They took them away and now its taking..."
Hindi niya na tinapos ang sinasabi niya. Naramdaman ko na lang ang malamig niyang labi sa labi ko. 'Yung halik niya ay mapang-angkin at may halong pag-aalinlangan at takot. May kaunti ring lungkot at pangungulila sa bawat haplos at diin niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin nito pero tinugunan ko ang bawat halik niya. Hindi sa ganun ding damdamin. I let my body and heart move for me.
Unti-unting nawala ang pag-aalinlangan at takot sa mga halik niya. It was replaced by satisfaction kahit nandoon pa rin ang lungkot at pangungulila niya.
Nagiging malalim ang bawat halik namin. Nararamdaman ko na rin ang pagbabago sa katawan ko. Mas nagiging mainit kahit malamig ang paligid. Ang lakas din ng pintig ng puso ko. Nararamdaman ko na rin ang paninigas ng...
Ayaw kong salamtalahin na mahina siya. Ang kailangan niya ngayon ay taong makakausap at masasandalan.
"Marie..." paos kong tawag sa kaniya. Nararamdaman ko ang bawat haplos ng malamig niyang kamay sa hubad kong katawan. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa labi ko.
Hinayaan ko muna siya. Yinakap ko siya ng mahigpit at pinigilan ang sarili ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mga butil na bumabagsak sa balikat ko. Kumunot ang noo ko.
Natigilan ako nang ma-realize ko kung ano 'yun.
"Marie." malungkot kong tawag sa kaniya.
Patuloy lang siya sa paghalik sa akin pero kasabay nun ang patuloy rin na pag-agos ng mga luha niya.
She was crying silently. Her eyes were shut closed. Unti-unti bumagal ang halik niya hanggang sa napatungo na lang siya sa balikat ko, patuloy pa rin ang pagluha kasabay ng mahinang panginginig ng katawan.
...
Nakatulog siya kakaiyak. Parang matagal niya nang pinipigilan ang mga luhang 'yun.
Kinarga ko siya at inihiga sa kama. Inaayos ko siya at kinumutan ng maayos. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Nilungon ko siya. Nakapikit lang siya at salubong ang kilay. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang sinubukan kong tanggalin.
"Don't leave me. Please."
Ngayon ko lang siya narinig na ganitong kalungkot, kawasak at vulnerable.
Naupo na lang ako sa gilid ng kama niya at sumandal sa headboard. Yinakap niya ng mahigpit ang kamay ko at payapang bumalik sa tulog.
Pinagmasdan ko siya at inalis ang tirang butil ng luha sa mukha niya. Siya lang ang babaeng nakita kong umiyak nang tahimik kahit parang sasabog na siya sa dami ng luhang niluha niya.
Parang naligo ako sa luha niya kanina. Basang-basa ang katawan ko. Ganoon sigurong tagal na panahon niyang kinimkim ang lungkot para lumuha siya ng marami at tuloy-tuloy. Parang hindi niya na kinaya kaya umapaw na lang ang kalungkutan niya.
Namamaga ang ang mga mata niya. Naaawa at nalulungkot ako sa kaniya. Sobra ang nararamdamang hinagpis niya kanina. Kahit hindi ko marinig ay nararamdaman ko kung paano nanginig ang katawan niya sa kakaiyak, kung kaano siya sumiksik sa akin, kung paano niya ako yinakap na parang ako lang ang makakatulong sa kaniya..
Ano kaya ang dahilan kung bakit siya nagkaganito?
Naagaw ng classical music ang atensyon ko. Soft piano 'yun pero dahil mukhang pagod na pagod si Marie ay hinanap ko agad kung saan galing.
Nahanap ko 'yun sa bag niya pero tapos na ang tawag. Ibababa ko na sana kaso tumunog ulit.
Pinagmasdan ko ang caller ID. Frank ang nakalagay.
Nakakatatlo na iyong tawag kaya sinagot ko na.
"Hello."
"Hello? Who's this? Where's Marie?" pormal ang boses ng lalaki.
Baka kapatid.
"Uhm. I'm Garrett, Marie's...uhm... friend. We're in her apartment. She's kinda tired." sabi ko. Alangan pa ako sa sinabi ko doon sa friend.
"Tired? Why? What happened?" May pagdududa at pag-aalala ang boses niya.
Sino namang hindi. Tinawagan mo ang kapatid mong babae tapos lalaki ang sumagot at sinabing pagod siya?! Ano kayang mararamdaman mo? At iisipin mo?
"She cried for almost an hour." malungkot kong sabi.
Natahimik ang kabilang linya. Akala ko patay na pero nagsalita ulit siya.
"She...cried?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Anong meron kung umiyak si Marie?
"Yes, why?" nagtataka kong tanong.
Natahimik ulit siya at napabuntong-hininga. "She... She had gone through difficult situations. She didn't grieve or weep about it." paliwanag niya.
Parang may pumiga ng puso ko sa narinig.
"Are you her brother?" alangan kong tanong.
"No. I got to go. I just called to check on her. Please take good care of her. Goodnight, Garrett." sabi niya at binaba na ang tawag.
Napatulala ako sa phone niya.
A man just called to check on her that I thought was her brother but not.
Who is that man and what is he to Marie?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na nakasandal sa headboard at walang damit. Sumakit ang leeg at likod ko pero mabuti ay hindi ako sinipon.
Mag-uunat sana ako nang hindi ko magalaw ang kanang kamay ko.
Napalingon ako kay Marie. Tulog pa rin siya at yakap ang kamay ko. Napangiti ako nang makitang nakangiti siya habang natutulog.
Napatitig lang ako sa kaniya at sinuklay ang mahaba at malambot niyang buhok gamit ang kamay ko. Maaga pa naman kaya pwede pa siya matulog.
Ngayon na ang presentation namin. Nakahanda na kami pero kinakabahan ako dahil ang CEO ang pag-pre-presentan namin, at the same time ay excited rin. Makikita ko na ang mysterious CEO ng isa sa pinakamalaking company sa buong mundo.
Gumalaw si Marie. Gumalaw rin tuloy ang kamay kong yakap niya. Namula ako at nanigas nang maramdaman ko ang kalambutan niya. Wala siyang suot na bra! Nag-init agad ako. Shoot!
"You can squeeze it if you want. I don't mind." Nagulat ako sa paos na boses ni Marie kaya sa gulat ay nagawa ko ang sinabi niya.
Nanlaki pareho ang mata namin. "I was just kidding. I didn't think that you really want to do it." nakangisi niyang sabi habang umuupo sa kama.
Bumalik na ang dating Marie, 'yung arogante lang kaso. Napangiti nalang ako kaysa mahiya. Ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan. Ayaw ko nang makitang ulit 'yun. Pero kung hindi maiiwasan ay gusto kong nandoon rin ako para sa kaniya.
"Good morning. Had a good sleep?" 'yun na lang ang sinabi ko sa kaniya.
Parang pinakiramdaman niya ang sarili niya. "I slept fine and I don't feel strange in my body."
"Huh?"
"You didn't take advantage of me last night. I think I already like you." nakangisi niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko. Did she just confessed indirectly?
Napansin niya ang phone niya sa bedside table. Natauhan ako. "May tumawag na Frank kagabi."
Tinitigan niya ako. "What did you say?"
"Na nakatulog ka sa pag-iyak..." alangan kong sagot.
Napabuntong-hininga siya.
"We should prepare now. Ngayon na ang presentation natin." sabi ko sa kaniya at tumayo na.
Napatingin siya sa katawan ko at kumunot ang noo. "You slept with no shirt?"
Tumango ako. "What if you caught a cold?" Nagsalubong rin ang kilay niya.
"Hindi naman. Sanay ako sa malamig na weather." nakangiti kong sabi.
Tumayo na rin siya. "I'll just go order us breakfast." sabi niya at dinampot ang phone niya.
Agad ko namang inagaw ang phone niya. Nagsalubong na naman ang kilay niya.
"You always eat order foods?" salubong rin ang kilay na tanong ko.
"Sometimes." Tumango siya kahit mukhang naguguluhan.
"What? Sinabi mong mag-isa ka lang, dapat marunong kang magluto ng pagkain mo. It's not healthy to eat ordered food. Hindi mo alam kung saan 'yun gawa." Hindi ko maiwasang pagsabihan siya.
"I have no choice. I don't know how to cook."
Napabuntong-hininga ako. "I'll cook. Meron ka ba diyang mga ingredients?"
Naglakad na ako papuntang kitchen. Puno ang ref niya ng pagkain pero hindi siya marunong magluto? Sino ang gagamit nito?
"May nagluluto sa'yo dito? Si Frank?" tanong ko habang inilalabas ang mga gagamitin ko. Sana hindi naman magtonog selos sa paraan ko ng pagsabi sa pangalan ni Frank. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ba ako nagseselos.
Nilingon ko si Marie. Hawak niya ang phone niya at mukhang katatapos lang gamitin.
"Um-order ka?"
"No."
"Okay. Just get ready. Ako na bahala sa kakainin natin."
"Alright." Umalis na siya at bumalik sa kwarto.
Pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko. Wala pa sa kalahating oras ay tapos ko na ang lahat.
May scrambled egg, bacon, toasted bread, hotdog and her favorite milk sa dining table. Walang coffee or chocolate. Ang meron lang ay tea at milk kaya gagatas muna ako ngayon. Eksaktong lumabas si Marie na nakaayos na. Mukhang hindi siya umiyak kagabi. Bitbit niya na 'yung mga kailangan pa namin sa briefcase niya.
"Breakfast's ready." nakangiting sabi ko sa kaniya.
Naupo siya at pinagmasdan ang mga niluto ko.
"Eat." alok ko sa kaniya.
Tinikman niya lahat at nagpatuloy na sa pagkain. Wala naman siyang reklamo kayo masaya na ako.
Hinubad ko na ang apron at isinuot ang shirt ko para umuwi muna bago pumasok sa office.
"No need to go to your condo. I have ordered uniforms for you. We'll be late if you go back. Take a shower first, the clothes will be here in a minute." sabi niya. Busy siya sa pagkain para tapunan ako ng tingin.
"What?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Nilingon niya ako tinitigan. "I won't repeat myself. Go to the bathroom now."
Agad naman akong sumunod. Naligo ako at lumabas na nakatapis lang ng twalya. At tulad ng sabi niya,
May uniform nga. Nakapatong ‘yun sa kama at may kasama pang underwear. Gulat akong napalingon sa labas.
Isinuot ko yun. Perfect fit. Pa'no niya nalaman ang sizes ko?
Kumatok siya sa pinto. Nakasandal siya sa door frame. "Are you ready? We're gonna be late. Let’s go." sabi niya.
Muli akong tumingin sa mirror wall bago sumunod sa kaniya.
"Pa'no mo pala nalaman ang sizes ko?" tanong ko habang pababa kami ng elevator.
Ngisi lang ag sagot niya sa akin. Napalabi na lang ako.
Pati 'yun ang sekreto pa rin.
Sabay kaming pumasok sa building.
It was our first time to enter the building together. And I feel contented with the thought na para kaming mag-asawa na papasok sa trabaho.