"Garrett, I'm so sorry. Okay ka lang ba? Sino ba yung humila sa'yo paalis noong Friday?" Nag-aalalang tanong ni Beatrice ang bumugad sa akin pagpasok ko pa lang sa floor, ibang department naman ito.
Nginitian ko siya. "I'm fine." sagot ko sabay pasimpleng hanap ng tingin ko kay Marie pero hindi ko siya nakita.
"May sugat ka." Naramdaman ko ang kamay niya sa labi ko kaya napalingon ako sa kaniya.
Ang lapit ng mukha niya sa akin. Napalayo siya agad ng ma-realize yun.
"U-uhm. Salamat pala sa pagpunta. So-sobrang saya k-ni ate." nahihiya niyang sabi.
Nginitian ko na lang siya at tinapik ang balikat. "You're welcome."
Dumating na rin ang manager ng department na ito. Deretso na agad kami sa trabaho.
Marie’s late for the first time. She looks kinda odd for me today.
Tulad sa dating desks, magkatabi kami ni Beatrice pero si Marie ay nasa dulo. Okay lang naman yun sa akin at least madalas ko siyang matititigan.
"Is something wrong? Bakit parati mong tinititigan si Marie? Kayo na ba?" biglang tanong ni Beatrice. Medyo bitter ang pagkabanggit niya sa last part, hindi ko na lang pinansin.
"Nothing. I just feel something weird. Don't mind me." nginitian ko siya.
Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay. "Are you falling for her?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Ako naman ang nakakunot-noo. "What? It doesn't mean like that." Napatawa ako sa tanong niya. Namula siya.
"Oh... I'm s-sorry." tumungo siya.
Nginitian ko na lang. "It's okay."
"But, she is beautiful and smart too. If most of the men in school were not scared of her, they would definitely court and hit on her." sabi niya habang pinagmamasdan na si Marie.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
Men would court and hit on her? H-ck no!
Bigala akong natauhan. What's wrong with men courting her? We're not even friends for me to react like this! I totally lost my sane.
"Are you alright? You look pale." nag-aalalang tanong niya.
Nginitian ko siya at nag-unat ng katawan. "I'm fine. Naninigas lang yata ang katawan ko sa kakaupo dito. Kukuha lang ako ng tubig." paalam ko.
Pagtapat ko sa water dispenser ay napatulala ako.
Ano ng nangyayari sa akin? Why did I get angry with the thought someone is getting close with Marie aside from her friends and us, especially men?
I really lost my mind this time.
"Oh shoot!" Umaapaw na ang tubig sa lalagyan ko.
"Oh hi, Marie!" Nagulat ako nang paglingon ko ay nakatayo sa doorway si Marie at nakatingin sa akin.
"Kukuha ka rin ng tubig?" tanong ko nang makitang hawak niya ang metallic bottle niya.
Hindi niya ako sinagot kundi pumunta siya sa counter at nagtimpla ng gatas.
Hindi ko alam na may gatas pala dito.
Pinagmasdan ko lang ang likod niya habang nagtitimpla ng gatas. Nakapony-tail ang buhok niya. She’s wearing a black pencil-cut skirt, intern’s white shirt uniform and heels.
She looks like an employee behind. Hindi kasi nakikita ang black sa collar ng shirt, yun ang palatandaan na intern ka. She’s so d-mn sexy in those clothes. Her long flawless and smooth looking legs are exposed. I have an urgency to make her wear pants and keep the view for myself.
Umiling na lang ako at inalis ang tingin sa legs niya. Napansin ko naman ngayon ang likod niya. Not like the way I think with her legs, okay? Her shirt has a stain.
"Marie, did you touch something? There is a stain on your back." tanong ko.
Nilapitan ko siya at pinakatitigan ang likod niya. Habang tumatagal lumalaki at kumakalat ang stain dahil sa paggalaw niya.
"What?" Nilingon niya ako na nakakunot ang noo.
Nanlaki ang mata ko nang napagtanto kong ano ang stain sa likod niya.
"Why are you blee-?!" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tinakpan na niya ang bibig ko para pigilan ang pagsigaw ko.
"Don't shout." she hissed. Bumitiw naman siya nang tumango ako.
"Why are you bleeding?" mahinahon ko nang tanong pero nandoon pa rin ang kunot sa ng noo ko.
Titignan ko pa sana 'yun pero humarap siya. Ibinigay niya ang bote niya sa akin.
"Hold this for me. I'll be back." Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya.
Napakurap na lang ako sa pwesto niya kanina. Napatingin ako sa hawak kong bottle, wala pang tubig yun. Naisipan kong lagyan ng kaunting mainit na tubig at pinatunaw muna bago lagyan ng malamig na tubig, tulad ng gusto niya. Tulirong bumalik na ako sa desk ko.
"Ba't ang tagal mo? Is something wrong?" Napansin ni Beatrice ang bottle sa desk ko. "Is that Marie's?"
"Ah... Yeah. Pinahawak muna sa akin." 'yun na lang ang nasabi ko.
Ngayon ko lang naalala ang kinuha kong tubig, nandoon pa at alam kong may kalat ako roong tubig.
Bumalik din naman agad si Marie na parang walang pinagbago. Kinuha niya ang bottle niya sa desk ko.
"I already prepared it." nginitian ko siya pero nag-aalala ang tingin ko sa kaniya.
"Alright, thanks." Naglakad na siya pabalik sa desk niya.
Pinagmasdan ko ang likod niya, the stain’s gone. How? Ninabhan niya ba? Pero hindi naman gusot. Bumili siya ng bago? Pero hindi naman 'yun nabibili kasi binigyan ang lahat ng interns ng limang shirt bago pa lang magsimula ang internship at exclusive from the company yun. Umuwi kaya siya? Pero ang bilis naman.
Nalilito at naguguluhan na talaga ako. Noon ay gusto ko siyang maging kaibigan at mapalapit sa kaniya dahil sa mysterious siya. Doon sa pagiging magkaibigan namin, tanggap ko na na hindi kami pwedeng maging friends. Pero yung pakikipagkilala ko para mabawasan ang curiousity ko sa kaniya ay mas lalong nadadag-dagan sa pagtagal ng panahon na nakakasama ko siya.
Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
“It’s odd that the CEO barely comes here for the past few weeks. Before, she would come at night at least. But now, you can’t even get a swift of her aura.”
“Yeah. Even she’s so frightening, she is really a sight to look at, at the back and side view. She’s so sexy and gorgeous that I’d love to work until midnight just to get a glimpse of her kahit hindi ko alam ang itsura niya."
“She’s way better than old acting CEO.”
Hindi ako maka-focus sa trabaho kaya narinig ko ang usapan ng dalawang employee sa tabi ko.
CEO? She? Mask?
"Uhm, excuse me, bago na ang CEO?" Hindi ko na matiis na hindi makisabat.
Napatingin sila sa akin.
"Yeah. But, it’s just like a rumor in the company. Bawal pang ipaalam sa labas." sagot ng isa.
Tumango ako. "Kailan pa?" tanong ko ulit.
"Ang alin?"
"Kailan pa nagbago ng CEO?" paglilinaw ko.
"Hindi naman nagbago. Acting CEO lang si Mr. Seri. The real CEO just appeared last, last year, exactly 3 years ago. She hasn’t officially announced herself so it’s just a rumor for now."
"Masyado nga siyang misteryoso. She’s always wearing a red mask." nakangising kwento ng isa.
"Three years ago? Anong ibig-sabihin ng madalas gabi siya kung pumunta dito?" tanong ko pa.
"Simula kasi ng sumulpot na lang siya dito ay gabi lang siya pumupunnta. Yung mga nag-o-OT lang ang madalas siyang makita. Madalas ang secretary s***h assistant lang niya ang umaasikaso sa mga gawain niya kapag umaga. Yung apo ni Mr. Seri, si Mr. Franklin Seri."
"Anong pangalan niya?" tanong ko.
"Some of the employees heard Mr. Franklin called her Mistress Red."
Nagpatuloy na rin kami sa mga ginagawa namin. Pero ako, hindi ako maka-focus.
Kung acting CEO lang pala si Mr. Roderick Seri, ibig-sabihin may posibility na may nabubuhay pang Matthews. At base sa sinabi nila, babae at sexy, so she’s young. Posibleng buhay pa ang nag-iisang babaeng taga-pagmana ng Matthews...
"Mom, it's just a possibility. Hindi ko sigurado. At malay natin, malayong kamag-anak pala ng mga Matthews." paliwanag ko kay Mom.
"Okay, fine. But I'll know if she's the Matthews. Parang kapatid ko na si Stella at matagal ko ring nasubaybayan ang batang 'yun noong maliit pa kayo. Hindi akong mabilis makalimot ng mukha, anak. Kahit lumaki na siya." turan niya pa.
Naikwento ko kasi sa kanila ang nalaman ko. Sigurado naman ako na hindi nila ito ipagsasabi sa iba kasi lagot ako kung may makakaalam nito maliban sa mga empleyado at ngayon ay kasama na ako.