Kabanata 21 NAGING wake up call ng dalagang si Mariella ang sinag ng araw na sumisilip mula sa nakabukas na sliding door ng veranda na nakakonekta sa presidential suite ni Eszio. Nakaharap iyon sa bandang silangan. Hindi niya maiwasang hindi pamulahan ng pisngi habang inaalala ang ilang beses na pag-iisa ng kanilang mga katawan ng napakaguwapong nilalang na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. He's immaculately naked under the bed sheets and so do her. Ilang minuto muna niyang tahimik na tinitigan at masuyong pinag-aralan ang bawat detalye ng mukha ng binata. “Goodness, Yong. My heart went crazier everytime we are this close.” She whispered to herself and bit her inner lip. Napabuntong hininga siya ng makailang beses dahil naroon na naman ang abnormal na kalabog ng kaniyang dibdi

