Cassandra's POV Bitbit ang isang maleta at ang bag ko pagkatapos kong bumaba at sunduin ng family driver ng mga Mondarez. Automatic na bumukas ang gate nila at kusa din itong nagsasara. Tinignan ko naman buong bahay. Mansion. Malaki at malawak ang kanilang bakuran at marami din na halaman. May swimming pool na may bridge sa gitna. Wala akong masabi kundi maganda. Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng may isang babae na lumabas. Hindi ito si Grandma at sino naman kaya ito? Nilapitan naman ako nito. Bumati ako at pilit na ngumiti. Marami itong tinanong sa akin habang papasok sa loob. Magluto, maglaba, maglinis ng bahay, at kung anu ano pa. Sabagay sanay naman ako sa gawaing bahay. "oh ito gamitin mo yan at magluto ka na,malapit na silang dumating kaya bilisan mo" ma otoridad na sabi ni

