Part 2(star cruise)

421 Words
Cassandra's PoV Iniwan ko na si Jake sa labas at naglakad na ako papunta sa room namin dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Nahihilo ako. Pagdating ko sa room namin ay tinignan ko ang buong kabuuan ng loob. Ang ganda at kita sa labas ang magandang dagat na nakapalibot sa Cruise. Umupo ako sa kama at inayos ko ang salamin ko at kinuha ko ang binili ko na, pang sexy lingery at nilagay ko ito sa tabi ng mini table sa loob. Naisipan ko na ayusin ang mga gamit at maglalagay ako ng mga petals para mas romantic tignan. Kinuha ko sa bag ko yong binili kong gamot para sa sipon. Binasa ko muna yong caution. 'Warning! Kapag ininom mo ito ay makakaramdam ka ng pagkahilo at pagsakit ng ulo'. Seguro naman hindi ako maapektuhan tulad ng iba. Kumuha ako ng isa at ininom ito. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.pagkatapos kung ayusin ang lahat ay lumabas ulit ako para hanapin si jake. Napapakapit nalang ako sa pader dahil sa nararamdaman ko. "Jake! Ano kumain ka na ba?nabusog ka ba,?" tanong ko sa kanya. "Ahh...oo...nabusog ako." inipit nya sa tenga ko ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Kinilig ako ng kaunti sa ginawa nya. "Bakit ka pa lumabas kase masama na nga pakiramdam mo eh stupid!" "Eh,kase... gusto ko maayos at romantic yong night natin dito Jake" nahihilong sagot ko. "Kaya nga diba, bumalik ka na don sa ahm.. Room natin. Babalik din ako agad huh?" tumango nalang ako. "okay. Sige punta ka nalang don para makapagpahinga muna ako" Tumango naman ito sa akin at umalis na ako. Naglakad ulit ako papunta sa kwarto at muntik ng matumba dahil sa matinding pagkahilo. Ugh! Nandito na ako sa corridor ng mga room at hinahanap ko ang number ng room namin kaso natumba ako. Nqgiging blurd na ang patingin ko. Tinignan ko yong pinto na nasa tapat ko at pinilit kong tumayo. Inayos ko yong salamin ko at tinignan yong number. "1006." sa wakas naman at nakita ko yong room. Hindi na ako nag atubili at binuksan ko na yong room. Nagukat pa ako dahil nakabukas yong pinto. Nawala na sa isip ko kung paano dahil kinakain na ako ng matinding pagkahilo at pagsakit ng ulo. Sinara ko ang kurtina dahil nasisilaw ang mata ko at naglakad na ako papunta sa kama para magpahinga at binalot ko ang buong katawan ko ng kumot dahil sa lamig. ----------- Naramdaman ko na bumukas ang pinto ng kwarto at baka si Jake na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD