THE NEXT DAY… Kirby’s POV Isasantabi ko muna ‘yung nangyari kahapon. Naguluhan nga ako pero sa ngayon, kailangan kong puntahan si Cia para makausap. Matapos kong mag-ayos, diretso agad ako sa condo niya at kumatok. Nakailang katok ako bago ito bumukas at akala ko si Cia pero hindi pala. Isang lalaki. “Sino ka?” tanong ko sa kanya. “Sino ka rin?” tanong niya pabalik. “Pinsan ni Cia. Ikaw sino ka?” “Ah. Pasok ka muna pala. Ako si Joe. Kaibigan ni Ciarra. Nag-aayos pa siya,” tapos magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas si Cia sa kwarto niya. Alam kong galing siya sa pag-iyak dahil mugto ‘yung mga mata niya. “So let me guess why you’re here. Huhusgahan mo ako at ipapamukha mo sakin kung gaano ako ka walang kwentang tao at kung gaano kamali ang ginawa ko sa pinakamamahal m

