Jolina's POV "Kirby?" "Oh?" "Naiimagine mo ba ang magpakasal at matali ng wala sa plano?" "Hmm.. sa ganda ba naman ng magiging bride ko eh, bakit hindi. Hahaha." "Naman eh, gusto ko ng seryosong sagot," tapos napa-pout pa ako. Sa totoo lang kasi, sa klaseng lalaki na kagaya ni Kirby, sobrang swerte ng kahit na sinong babaeng mamahalin niya. Complete package. Gwapo, sobrang bait, matalino, caring, responsible at kung ano pang magandang katangian ng lalaki, nasa kanya na. Hakot na lahat. Nagu-guilty tuloy ako dahil--- "Huy!" "Ay! Oh ano??" "Di ka naman nakikinig. Lalim ng iniisip natin. Ano ba yan?" tanong niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ang cute niya talaga. "Napaisip lang ako kung gaano kaswerte ang babaeng mamahalin mo tapos bigla ka nalang matatali sakin. I know na

