Kirby's POV Isang linggo na ang nakalipas simula nung ipinanganak si Jasper which was October 5. We all celebrated 2 days after lumabas sina Jolina ng ospital together with our family and friends at napag-usapan na ring bibinyagan si JC next week. "Ang cute cute cute talaga ni Baby JC," sabi ni Jolina habang nilalaro ang bata na napahagikhik naman at parang kinilig sa ginagawa ng ina. Nakapagitna kami ni Jolina kay baby dito sa kama. "Hayyy... ang sarap pala ng feeling na maging ina." sambit niya. "Mas masarap maging tatay ni Jasper at maging asawa mo." "Kirby?" tiningnan niya ako. Parang nagtatanong ang mga mata. "Haha! Ang seryoso ba? Siyanga pala, Jolina." "Hmmn?" "54." "Anong 54?" "54. Five-Four." "Huh? Anong ibig sabihin niyan?" I shrugged and gave her a meaningful smile.

