Ringgg!!! Ringgg!!! Ringgggggg!!! Ringgg!!! Ringgg!!! Ringgggggg!!! Ringgg!!! Ringgg!!! Ringgggggg!!!
"Ann! Ann! Bumangon kana! Unang araw mo ngayon sa klase."
I woke up by my daily alarm clock, not the round thing that keeps on ringing, but the other one. My mother's loud mouth. Tinakpan ko ang taenga ko ng unan at nagbilang hanggang isangdaan.
I stretched my arms and opened my eyes, afterwards. The light coming from the sunrise touched my skin, that sneaked out from our window, that was made by the bamboo sticks.
I smiled and reached my journal, na nasa loob ng bag ko. Binuklat ko ito at napangiti. A name written there made me smile.
Philip Alajar
I smiled and sighed, while looking at the window. And dreamed my dearest crush Philip heavenly. Those cute nose, rosy cheeks and kissable lips, I missed!
"Ahhhhhhhhh" mahinang sigaw ko habang nakatakip ang aking unan sa aking mukha, upang hindi ako marinig ng aking Ina at Ama.
Baka makurot pa ako sa singit. Masakit pa naman yon. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko habang nakangiti ng sobrang laki.
"Kumusta kana kaya? Pasensya na kung hindi ako nagpaalam man lang. Ikaw naman kasi, sa dinami-dami na kurso na dapat kunin, ang pagiging, soon to be father pa! Okay sana kung sa mga anak natin! Pero sa simbahan e!" Pagkakausap ko sa pangalan niyang naksulat sa journal ko.
Pagkatapos ay binuklat ko ang nakatuping papel at dinutdot sa aking kamay. Nakapaloob doon ang larawan ng isang lalaking maiksi ang buhok, at tila ba para sa akin iginawad ang kanyang mga matatamis na ngiti.
"Bakit kasi sa pagiging pare pa? Sayang yong lahi!" Pagdadrama ko habang arteng umiiyak sa larawan sa harap ko.
"Hoy! Itigil mo nga yan! Iyong kapatid mo, tapos na at nakaayos na. Anong oras na, unang araw ng klase, ano ba!" Ani Mama sabay pingot sa aking taenga.
Sakit ah!
"Mama naman! Kausap ko pa si Philip, e!"
"Anong usap? Sumilip na si haring araw, maligo kana!" Pagtatalak nito sa akin saby nilakasan ang pag pingot nito sa akin.
"Aray! Oo na po. Ito na, ito na po, Mama." Ani ko sabay takbo sa aming palikuran.
Simple lang ito, kahit na makikita ang ulo mo pag nakatayo ka. Wala kasi itong bubong. Mabuti na lamang at 4'10 lang ang height ko. Perks of being short.
"Ann! Ano? Makipagtitigan kana naman sa tubig? Naku kang bata ka talaga, bilisan mo na diyan."
"Mama, maginaw po." Ani ko habang naka nguso.
"Ate, arte mo. Hindi ka naman kagandahan." Siningkitan ko ng mata ang kapatid ko at binato ng brush.
"Mama, si ate oh! Kitang nakabihis na ako." Pagsusumbong nito.
"Ann, 16 kana, wag mo akong artehan. Hala sige maligo kana. Bilisan mo, baka papasok kana namang walang kain. At ikaw naman, William? Nag toothbrush kana ba?" Ani nito at tuluyan na akong iniwan. Ang kapatid ko na naman ang tinalakan nito.
I sighed and reached the hanger and undress my pajamas. Pagkatapos kay kinuha ko ang tabo at tuluyan nang naligo.
"Ann! Ann! Sandali lang!"
"Ann! Hintay!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at kumaway nang makita kung sino.
Belle was half running towards my spot. Matangkad ito at may mabang buhok. Matangos ang ilong nito at may mabilog na mga mata. Hingal itong tumigil sa harapan ko at sumimangot. Malakas siyang bumuntong hinga at tinitigan ako. Kita ko sa mga mata niya ang pagrereklemo, and I know why. It was all written in her forehead the "ang bilis mo talagang maglakad!" sign.
I chuckled and raised my eyebrows at her. A sign telling her to speak up. I'm too tired to open my mouth, ewan ko ba.
"Hindi na raw kailangang mag elect pa for the school president. " Ani nito at bahagyang binunggo ang braso ko.
"Bakit naman daw?" Tanong ko habang nakakunot ang aking noo.
"Ano kaba! It is because you are here! My dearest friend, sabihin mo nga kung may gusto bang kalabanin ka? Sa talino mong yan? Wala na no!" Aniya sabay hatak sakin sa second floor ng school namin, where our classroom is located. Since nasa huling taon na kami sa high school, which means we are now a 4th year students, kaya nilagay nila kami sa second floor. Easy access na din as for the school officers.
"Si Mira, bakit hindi siya?" Tanong ko habang naglalakad.
She rolled her eyes and flipped her hair. I don't what spell happened between us, at naging mag best friend kami. To think na, hindi magkasundo ang mga parents namin.
"What, Mira? You mean that Mira, na sobrang linta sa teachers? My god, I don't like her no! Naging 1st honor lang naman siya dahil nagbibigay ng letchon ang mama at papa niya sa mga teachers natin. Kasi nga mayaman, pero hindi naman matalino!" I laughed hard hearing her long talk about, Mira.
"Hay naku, dearest friend of mine. Sobrang sikat mo kaya sa school! E siya? Hay naku, ayaw ko nalang mag talk!"
"Ang conyo mo. At saka, baka marinig ka ano kaba naman, Belle. Zipper mo nga yang bibig mo, para kapa namang naka megaphone pag nagsasalita." Pagsisita ko dito.
"Kaya nga friends tayo, my dearest of all dearest friend! Pareho tayong walking megaphone!"
Tumawa lamang ito sabay upo sa upuan. Hindi namin napansin na narating na pala namin ang room namin, dahil lahat iyon sa kadaldalan ni Belle.
"Dito tayo umupo. Dapat sa unahan tayo umupo, para mas madaling maintindihan ang mga itinuturo ng mga guro." Ani ko at hatak sakanya sa unahan upang maupo. Kami pang dalawa sa classroom kaya malaya kaming pumili saan kami makakaupo.
"Oo na po." Anito at sumunod sa akin, nakanguso ito at umupo sa tabi ko.
Tumawa lamang ako at tumayo at sinimulang binuksan ang mga bintana. Habang naglilinis ay siya namang dating mga kaklase namin. At dahil maulan sa labas, walang flag ceremony na mangyayari sa school ground.
"Alam niyo ba? Interns ang magtuturo sa atin the first two months this second semester!"
"Ay, oo nga! Nakita ko sila kanina, nasa sampu ata sila."
"Excited na ako, kahit two months lang hindi makapagtuturo yong sobrang strict at terror na teacher natin sa English at Math."
"Oo nga e."
Napatigil ako sa pagwawalis at nakisali sa chissmisan nila. Ayaw kung mahuli sa mga balita, lalo na at patungkol ito sa paaralan.
"Ross, anong interns ang magtuturo?" Tanong ko sabay kalabit kay Ross.
Payat ito ay tulad ko ay pandak din katulad ko. Maliit at matulis ang ilong nito, morena at may kalakihan ang mata, ngunit kahit ganoon ay maganda ito. Kasama nito ang boyfriend niya si Rolly. Boyfriend niya na ito mula pa noong grade 6 kami.
"Ann, ikaw pala yan. By the way congrats!" Sabay-sabay silang bumati sa akin at nakangiti naman akong nagpasalamat sa kanila.
"Ah, salamat." Mahinang saad ko.
"So, ano yong about sa interns?" Pagtatanong kong muli sa kanila. Hindi pwedeng hindi ko malaman ito. Kung sa media pa scope ito!
"Ay, oo! Interns daw yong magtuturo sa atin. They came from USLS University. Nasa sampu ata sila."
"Ah, ganoon ba?"
"Oo" nakangiti itong tumango sa akin.
"Oo nga pala! Muntik kong makalimutan, pinatawag ka nga pala sa principals office. Pumunta kana doon, urgent daw pala yon. Sorry." Kagat labi nitong sabi sa akin habang kinakamot ang ulo nito.
"Sige, sige. Salamat, Ross." Ani ko at tumakbo patungong principals office. Buti na lamang at mahina lang ang ulan.
I made sure na presentable akong haharap sa principal at sa mga tao sa loob. Kaya inayos ko ang nagulong buhok sa pagtakbo at nagusot kong uniporme.
Tok... Tok... Tok...
Tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pinto sa principals office. Hindi ito tulad nang ibang opisina na malamig na hangin ang manuot sa mga balat mo. Hindi ito air-conditioned room, dahil nga public school ito.
"Good morning po." Pagbati ko sa lahat na nasa loob habang nakayuko.
Inangat ko ang ulo ko at agad kong nakita ang isang lalaking ala-Rizal ang style sa buhok. Singkit ang mga mata nito, maliit ngunit matangos ang ilong, at manipis na mga labi.
Naka-poker face lang itong nakatingin sa akin. I snorted a bit and rolled my eyes secretly. I know this man. He leaves near our barangay, medyo suplado ito, palibhasa kasi mayaman. At kahit na chubby ito, hindi maipagkakaila na gwapo nito.
"Oh, Ann, you are here." Mrs. Cinco, our principal cleared her throat. I looked at her and smiled.
"So, as I was saying. Someone will tour you in our school, so that you'll be familiar, even though it's not wide."
"It's okay, Ma'am. Mas better na rin po yon mas madali kaming maka-adopt sa environment." Tumingin ako sa sumagot at agad na tumibok ang aking munting puso.
Ryan. That was the name engraved in his plate that was attached in his polo shirt. Matangos ang ilong nito, malaki ang mga mata at sobrang pula ng mga labi!
Mama! May bago na naman akong crush! Philip, sorry.
I laughed silently at my own thought and discarded it right away.
"And this is, Eann Amapyar, our School President and our very own, ROTC officer as well." Pagpapakilala ni Mrs. Cinco sa akin.
Ngumiti ako at humarap sa mga panauhin sa aking harapan.
"Good Morning, future educators, it's an honor to have you all here in our school. I'm Eann Amapyar, the School President and an officer of ROTC. Wishing you a good stay in our school, welcome Ma'am and Sir." Pagbati ko sa kanilang lahat na kanila namang pinagpasalamatan.
Nagpakilala naman silang lahat at pagkatapos ay nilibot ko naman sila sa paaralan namin. At dahil hindi kalakihan ang school namin, hindi kami inabot ng isang oras.
"And lastly, this our punishment area." Ani ko at itinuro sa kanila ang matayog na puno sa gitna ng school ground namin. Napapagitnaan ang puno na ito sa gate at flag pole ng school.
"What do you mean by punishment area, like?" Tanong ni Sir Ryan. Ngumiti ako at itinuro ang tsinelas na nakasabit doon.
"See that slipper there? According to school rules and regulations, bawal magsuot ng tsinelas sa loob ng school. As a student, we should wear shoes."
"At dahil may mga studyante talagang matitigas ang ulo at ayaw talagang sumunod, kinukuha namin ang mga gamit nang mga ito and hang it up there." Pagpapatuloy ko sa pagpapaliwanag.
"Tsk. Why would it be need to be too harsh." I heard Jaime snorted. I rolled my eyes.
"It's not. If they only follow the school rules and regulations none of these will happen. As you can see, nagagawa at nasusunod ang mga iyon sa iba, so bakit hindi nila nasusunod iyon? Dahil matigas ang mga ulo nila. To think na, before the classes started, the School Boards together with the parents, had a meeting about all of these matters already, so there's no more excuses. Kaya kasalanan na nila yon." Sagot ko dito at kulang nalang ay tirikan ko siya ng mga mata. Ewan, na ha-high ako sa kanya.
"Yeah, it's not harsh, since they already oriented it naman pala before the classes started." Ryan second the motion.
Ahh, my knight in shining without an armor!
Kung pwede lang talagang kiligin sa harap nila kanina pa ako nagsisigaw dito!
"Good morning classmates! This is Ma'am Lorraine Sales, beside her is, Sir Jaime Iglesias. They will be our student teacher for the Math and Filipino subject. Let's all welcome them." Ani ko at umupo na sa aking upuan.
Pagkatapos namin doon sa puno kanina ay hinatid ko naman silang lahat sa kanya-kanya nilang classrooms na tuturuan.
And unfortunately, dito na assign ang Jaime na ito sa classroom namin! Buti sana kung si Sir Ryan, yon e!
"Good morning, everyone! I'm Jaime Iglesias, your student teacher for your Math subject and sometimes Filipino. Salitan kami ni Ma'am Lorraine sa pagdi-discuss sa inyo." Anito at tumingin kay Ma'am Lorraine.
"And for this morning, I'll give you to Ma'am Lorraine. Ma'am."
"Okay. Good morning, everyone. I am Ma'am Lorraine or you can call me, Lory." Pasimula nito at nagsulat sa pisara.
"Since it is already our time in Math subject. Any of you have the idea of those three words that was written on the board?"
Parallel, Asymptote and Intersecting lines.
Basa ko sa nakasulat sa pisara, bago itinaas ang aking kanang kamay upang sumagot.
"Yes, Miss Ann?"
"I don't know if you will like my answer Ma'am, but can I answer it in unique way?"
"Wohhhhhh!!!" My classmates cheered, that made me chuckled a bit.
Ma'am Lory, smiled and said "Yes, you may."
Ehem... I cleared my throat, before started talking.
"Okay, so love is the most easiest way to give an example. Mas madali natin itong maintindihan, Tama?" Paguumpisa ko, and as expected the whole class agreed.
"So, in love, when two individuals that never got a chance to meet, that is the parallel lines. The second one is the asymptotes, lovers who got closer and closer and closer and closer to one another, but like the parallel, it also never had a chance to be together." Hindi ko natuloy ang pagsasalita dahil nagsimulang nag ingay ang aking mga kaklase.
Some are clapping there hands, cheering and drubbing the armchairs. I laughed and signaled them to keep quiet.
"Shhh... okay, and lastly, the intersecting lines, this are the lovers who had the chance to meet once, but parted forever. They cross, but do not make a right angle."
"Awwwwww, sakit naman!"
"Hoyyyy!!! Mapanakit to!"
"Woohhhhhhhhhhh"
"Hindi destined! Sakit noon!"
"Iba talaga! Idol namin yan! Woohhh!"
"Ann! Ann! Ann!"
"Grabe sa real talk to!"
"Idollll.."
"Experience mo, te?" Sigaw ng bakla naming kakalase.
"Hugotera of the year!!!"
I smiled and bowed my head playfully. Tumawa ako habang nakatingin sa mga kaklase kong panay ang sigaw. Habang si Ma'am Lory namin ay nasa sulok lang at nakangiting nakatingin sa kaingayan namin.
Alam kong marami ang natamaan noon. Isa na ako doon sa asymptote line. I laughed at my own thought. And looked at Ma'am Lory once again.
She's enjoying and vibes with us. Unlike Jaime, Sir Jaime rather, na once again, naka-poker face na naman.
Suplado talaga nito kahit kailan!
"Okay. That's enough." Ma'am Lorry finally said. Pero kahit ganoon ay panay pa rin ang palakpak ng mga kaklase ko.
"Okay. Ann, that was good and brilliant idea for introducing us what are the parallel, asymptote and intersecting lines." Ma'am Lory said and smiled at me.
"That was unique indeed. Thank you, Ann."
"You're welcome Ma'am!"
Ngumiti ako at umupo na. I glanced at Jaime and I saw him looking at me. Pero agad itong tumingin sa labas ng binta.
Problema non? Kunot noong ko sa sirili. Ngunit hindi ko nalang ito binigyang pansin at nakinig na sa tinatalakay ng guro.
"So, moving on..." Pagpapatuloy ni Ma'am Lory, sa pagtalakay hanggang sa matapos ang oras sa klase niya.