ALEXIS POV Akala ng mga walanghiya, sila lang ang marunong magdrama. Patay pala ha... Sige magdramahan tayong lahat. Alam niyo kung bakit? After umalis ni Yana, tumawag ako kay Chief na pwedeng pwede na akong magsimula ng trabaho at pwede na nila akong sunduin sa lugar na pinagtataguan ko. Ginawa ko ito para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang utak ko at makalimutan ko pansamantala ang nangyaring hiwalayan namin ni Yana Kaya nagpasya si Chief na ipasundo ako sa kanyang mga kamag-anakan. Ayokong manatili sa lugar kung saan puro anino ni Yana ang nakikita ko. Diyosko naman puro na ako iyak dito, walang mangyayari sa buhay ko. Mabuti na lamang at pumayag si Chief at na convinced ko siyang okay na akong bumalik sa serbisyo at manghuli

