*************************************** Nanlaki ang mga mata ni Yana dahil sa sinabi ni Jade kay Alexis. Kumuha ito ng cushion at pinaghahampas ito. "Aww! Aww! Aba, bakit po?"maang maangang tanong ni Jade sa kaibigan habang iniiwas ang mukha sa rumaragasang cushion na hinahampas ni Yana sa kanya. "Anong Bakit?"nakapamewang na tanong ni Yana. "Maang maangan ka pa? Pinatay mo ako Jade!" nanggigigil ito sa kaibigan. "Pinatay? Eh sino ba kausap ko ngayon? Am I talking to a ghost now?" Sabay ngiti nito. "Look, I'm just trying to help here tapos ako pa ang masama? Wow naman. Bakit kaya hindi ka na lang magpasalamat dahil sa maganda kong ginawa."litanya nito at ngumisi ng nakakaloko. "Maganda? Alin? Yung sabihin mo sa baby ko na nahulog ako sa chopper at namatay??! Aba, at sino naman

