AT THE FUNERAL HOME... Dito inihimlay ang labi ni Mr. Buenaventura. Ito ang napili ng magkapatid dahil mas tahimik dito at spacious pa. Tulong tulong ang tatlo sa pagsasaayos ng nasabing chapel bilang pagbibigay pugay sa ama na bago ito nawala sa mundo, nagkaron ito ng pagkakataon na makasama at makahingi ng tawad sa kanilang tatlo maging kay Alexis. Madami ang nagsidatingan at ang karamihan dito hindi kilala nina Jannel at Yana. At dahil iba iba ang ina ng tatlo at kilan lang nakilala ang ama, hindi nila malaman kung sino sa kanila ang kanilang kamag anakan. Mabuti na lamang at pinayagan Si Benjamin na pumunta sa burol ng ama na ineskortan ng ilang mga kapulisan kaya nagawa nitong ipakilala sa dalawang kapatid ang ilan sa mga kamag anak na dumating. Hindi naman umaalis sa

