Chapter 3

4110 Words
Instead na diretso uwi, dumaan ang tatlo sa isang malapit na bar upang magpalamig. Umorder ang tatlo ng beer at umupo sa di gaanong maingay na bahagi ng bar. Pagdating ng kanilang order kanya kanya silang tungga, nagkwentuhan ang tatlo ng kung ano ano hanggang sa mapunta ang usapan nila sa isang seryosong topiko. "Inspektor mukhang pinag iinitan ka talaga ngayon. Siguro malaking sindikato na naman ang nakabangga mo at nagkandalugi lugi na naman sila. Lintik hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkandaubos ubos. Saan kaya naglulungga ang mga iyon?" si Rebaldo. Tahimik lang ang dalaga habang sinisimsim ang kanyang inorder na alak. "Maraming koneksyon ang mga iyon malamang. Pero Lexi kailangan mo pa rin mag-ingat sa lahat ng oras. Malay natin nasa paligid lang ang ilan sa kanila at malamang nagmamanman lang ang mga iyon." Si Brent Chavez. "Kahit anong gagawin kong pag iingat parati akong sinusundan ng mga hinayupak." Sabay tungga ng kanyang alak. Muli na naman silang umorder ng beer. "Bakit ganun na lamang ang galit ng ilang sindikato sa pamilya mo? Ayokong mangialam pero diko lang maiwasan na hindi ka tanungin. Meron akong nabalitaan sa kaso pero very limited lang ang nakalap ko. Since andito ka maari mo bang masabi kung bakit?" si Chavez ulit. Kaya napatango ang dalaga. Pero dahil sa ingay medyo hindi sila magkarinigan. Tiningnan ang relong pambisig,maaga pa naman kaya sumenyas sa mga kasama at maingat na lumabas ng bar. Nakaupo na silang tatlo sa hood ng kanilang sasakyan. Dito na nag umpisang magkwento ang dalaga. FLASHBACK Kapapanganak ko pa lang noon kay Tim at nakatira ako sa pribadong isla na pag aari ng isang malapit na kaibigan. Dahil nga di ba nakipag deal ako sa isang tao at parang revenge ko na yun sa kanya kaya ayun kailangan kong magtago for my safety. Pero makalipas ang mga taon naging okay na kami ng ama ni Tim. See, magkaibigan na kami. Pagkatapos, yung perang nakuha ko sa pakikipag deal binili ko ng bahay para sa pamilya ko, pinag aral ang tatlo kong kapatid, pinagamot si Mama at pinagawan ko ng maliit na tindahan. Si Papa pinatayuan ko ng talyer. So anyway, naging maganda ang takbo ng buhay ng pamilya ko. Regular din ang pagdalaw ko sa kanila kasama ni Tim at alam nila na Canadian ang ama nito. Lingid sa kaalaman naming lahat, my other sibling, yung lalaking sumunod sa akin, nalulong sa bisyo. Sugal at Droga ang inaatupag nito na inakala naming lahat pumapasok sa eskwelahan. Tskk!! Yun ang buong akala namin. Every night nasa pasugalan ito. Yung kita sa talyer dito niya pala dinadala at pinapatalo. Dahil sa nalulong na sa ganitong bisyo, natutong mangutang. Nagkautang siya sa pinakalider ng pasugalan. At ng oras na para singilin, wala siyang maibigay. Ang ginawa, pinangakuan niya ang mga ito ng madaming beses hanggang sa napagod na ang mga ito sa kakahintay ng kanyang bayad. At ang masakit, ginawa niyang pain(bait) ang kanyang sariling pamangkin. Binigyan niya ng tip ang mga ito na mayaman ang ama ng anak ko. Paano ko nalaman? Narinig ng isa kong kapatid na binibigyan niya ng info ang kanyang kausap kung kilan kami dumadalaw." "E g*go pala yang utol mo eh." Sambit ng naiinis na si Rebaldo. Siniko naman ito ni Brent. Muling ipinagpatuloy ng dalaga ang pagkwento. Ang nangyari, we changed our plans. Ayun, hindi ako nagpunta sa amin ng matagal. Tumatawag lang ako at kung ano anong excuses ang pinag sasabi ko. Of course natatakot ako para sa safety ng anak ko at sa pamilya ko. Nagalit ang kapatid ko na lalaki. Bakit daw parang wala na akong pakialam. Pinigilan ko lang ang galit ko sa kanya. Gusto niya akong puntahan sa lugar kung nasaan ako. Pero sinasabi kong ako na lang ang dadalaw sa kanila. Kaya sag alit niya binagsakan niya ako ng telepono. After two days, tumawag ako sa amin. Ang sabi hindi na umuuwi sa bahay ang brother ko. Kung umuwi man, minsan lasing o kaya high sa drugs. At may pagkakataon pa minsan na akala mo gusto nang pumatay ng tao. Doon na kami nababahala sa kanya. Binalaan na kami ng ilang kamag anakan na ibang iba na ang pagkatao ng kapatid ko. He is ready to kill someone for the money or matustusan ang bisyo nito. Natuto na siyang magnakaw, sumasama sa mga holdapan, magbenta ng droga. In short naging drug dealer na ito. Dito na nagsimula ang malaking problema ng minsang hindi niya binigay ang lahat ng kita. Muntik na siyang patayin. Pero sinabi niya sa pinaka lider na hihiram siya ng pera sa akin kapag nagpadala ng sustento ang ama ng kanyang pamangkin mula sa Canada. Pinagbigyan itong muli. Ngunit hindi kami ulit nagpakita at dahil sa galit ng kanilang lider sa kapatid ko, gumanti sila..." napayuko ang dalaga sabay kagat sa mga labi nito. "Bilang ganti, sinunog nila ang bahay habang mahimbing na natutulog ang mga magulang ko at dalawang kapatid na babae. At ang masaklap, inutusan nila ang kapatid ko na siya ang maglagay ng gaas sa buong kabahayan at ito din ang naghagis ng lighter kaya biglang sumiklab ang malaking apoy. Akala niya ligtas na siya. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya dahil binaril siya ng pinaka lider na tinatawag nilang Lil Johnny. Matapos siyang barilin sa ulo, binuhat nila ang katawan nito at inihagis sa lumiliyab na apoy. Huhuhu!!!Mga hayop silang lahat... Sobs. Hindi sila dapat hinahayaang mabuhay sa mundong ito. Sobrang sama nilang nilalang. Gusto ko silang lahat patayin sa ginawa nilang karumal dumal na pagpatay sa pamilya ko. Akala siguro nila, walang nakakita sa kanilang pinaggagawa. Pero ang tiyuhin ko na nasa kabilang bahay, kitang kita niya ang lahat. Pero dahil sa takot na baka pati sila madamay, tumahimik na lamang ito." Pinahid ng dalaga ang kanyang mga luha saka nakatanaw sa malayo saka ininom ang alak nito. "Iyon ang nagtulak sa akin na gusto kong maging pulis. Sugpuin ang kanilang mga sungay. Pero iyon din pala ang maglalagay sa akin sa kapahamakan dahil hinahanap pala ako ng kanilang pinaka lider upang patayin din kasama ng anak ko. Kaya ngayon, bago nila gawin sa akin yun, uunahan ko muna sila. Nakahanda akong harapin silang lahat mailigtas ko lang ang anak ko kahit buhay ko pa ang kapalit." nanggigigil na litanya ng dalaga. "Pero Lexi malalagay sa panganib ang buhay niyong mag ina. Bakit hindi mo na lang hayaang ang batas ang gumawa at magparusa sa kanila." Si Brent. "Tama ka diyan Bro." sagot ni Rebaldo. "Batas? Anong batas ang pinagsasabi mo? May naipakulong ba sila sa mga pumatay sa pamilya ko? Wala?! Kaya hindi ko alam kung talagang may batas tayo dito?!" mariing sagot ng dalaga sa kasamahan na may matalim na tingin. "Yeah tama ka diyan Inspector Miranda." Si Rebaldo ulit. "Ikaw kanina ka pa diyan sa tama tama mo, tatamaan ka na sa akin eh!." biro ng dalaga na may halong pagbabanta. "Whoahhh!!! Relax Inspektor. Ikaw talaga hindi na mabiro." ngingisi ngising sambit ng lalaki. "Lexi seryoso ito ha. Siguradong babalikan ka ng mga iyon. Kaya i advise you to be aware of your surroundings. Hindi mo alam sa ngayon kung sino ang kaibigan at sino ang kalaban. Yang mga nahuli natin, sa tingin mo may kinalaman ba sila sa pagkamatay ng pamilya mo?" tanong ni Chavez sa dalaga. Napaisip naman ito sa narinig. "Sabagay may punto ka diyan Inspector Chavez. Nakita ko kung paano nila tinadtad ng bala ang bahay ko. Yung bang halos wala na silang balak pa na mabuhay ako." kuyom ang mga kamao nito at nanggigigil. "Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng pamamaril na ito. Mga hayop sila, pati anak ko gusto pa nilang idamay. Humanda silang lahat dahil hinding hindi ko sila uurungan. Kahit makarating pa ako ng impyerno mahanap ko lang sila gagawin ko." walang emosyong turan ng dalaga. Natigilan naman ang dalawang lalaking kasama nito. Alam nila na totohanin ng dalaga ang bawat salitang binitawan nito. Palalim na ang gabi kaya minabuti nilang ihatid na ito sa bahay ng kanilang kamag anak. Dito muna sila pansamantalang lumalagi habang patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa pamamaril ng kanilang bahay. Dahil pagod na ito, sandali lang siyang nakipagkwentuhan sa tito at tita niya saka nagpaalam na rin itong matutulog na. Matapos maglinis ng katawan, nahiga na ito sa tabi ng bata. Kahit hindi dinadalaw ng antok pinilit nitong ipinikit ang kanyang mga mata. Ngunit nagkamali yata ng daan ang kanyang utak dahil dinala siya nito sa nakaraan kung saan dito niya unang naramdaman ang umibig sa kapwa niya babae. FLASHBACK SA ISLA PARAISO (Yana's Property) Malapit na ang kanyang kabuwanan kaya minabuti ni Yana na doon na lang manganak sa isla si Alexis para malayo sa anumang kapahamakan sapagkat natatakot itong baka saktan ni Tyler. Pumayag naman si Alexis sa naging desisyon ni Yana. Naghire naman si Yana ng isang midwife na siyang magpapaanak kay Alexis. Hindi naman umalis si Yana sa tabi nito dahil sa kabuwanan na niya. Araw-araw nasa may dagat ang dalawa. Ito kasi ang advise sa kanya na kailangan niyang maglakad lakad para hindi mahirapang ilabas ang bata. Habang nakaupo sa bench si Alexis dahil nakaramdam ito ng p*******t ng balakang, biglang sumipa ang baby. "Babeee! Daliiii!! ipatong mo yung kamay mo sa tummy ko."Excited na utos ni Alexis sa dalaga habang nagpapahinga after their morning walk. Sumunod naman ito. Mga ilang sandali ang lumipas, biglang may naramdamang gumalaw sa loob ng tummy si Yana. Nanlaki ang mga mata na napatakip ng bibig. "Oh my goshhhh! Gumagalaw nga!!" tili ni Yana. "Noong nasa states ka dahil sabi mo nagkaproblema ang negosyo niyo, limang buwan na yata ang tummy ko noon ng maramdaman ko ang unang pagsipa niya. Naiyak ako. Kasi alam mo yung feelings na may taong unti unting lumalaki sa tummy mo. Tama nga si Mama, hindi ko maramdaman ang pagiging nanay hanggat hindi ko maranasan ang magbuntis at magkaanak." Salaysay ng dalaga. "Ganun pala yun. Grabe no. It's amazing how God works. Yung lahat lahat. Yung sperm and egg tapos magiging tao. Yung life cycle ba. Amazing! Pahawak nga ulit."Ipinatong ang ulo nito sa may tummy ni Yana at kinausap ang bata sa loob. "Baby this is mama Yana. Excited na akong makita ka. Huwag pahirapan si Mommy kundi may palo ka sa akin." Biro ng dalaga sa batang nasa loob ng tummy. Bigla itong sumipa. "Baby, talaga excited ka na lumabas? Sige, promise paglabas mo bibili tayo ng maraming toys tapos maghanap tayo ng magagandang chicks!" tiningnan ito ng masama ni Alexis at binatukan. "Anong chicks ang sinasabi mo diyan?" pabulong na reklamo sa kasama. Pabulong din ang naging sagot ni Yana sa kaharap. "Bakit mo ako binatukan? Ang sakit kaya nun. Basta maghahanap kami ng hotbabes. Teka bakit tayo nagbubulungan?" "Kasi ayoko na marinig ng baby ang bangayan natin. Dapat puro magaganda lang ang maririnig nya." Salaysay ni Alexis. "Hay naku ang daming alam." Reklamo ng dalaga. "Hanap tayo ng babe ha. Tssuuppp! Tssuupp! Tsuupp!" panay ang kiss nito sa tummy ni Yana na lingid sa kaalaman ni Yana kinikilig si Alexis sa lahat ng mga ginagawa nitong pag aalaga sa dalaga. Ayaw lang nitong ipahalata kaya parati niya itong inaasar o sinusupladahan. "Hoy, maghanap kang mag isa. Huwag mong idamay ang baby ko sa pagiging babaera mo no." nakanguso nitong sagot. Bigla naman natauhan si Yana. Naalala niya na bawal bigyan ng sama ng loob ang mga buntis. Kaya inakap akap ito para maging kalmado. "Babaera... Bakit may nakita ka na bang babaeng naiuwi ko dito, di ba wala. Ay meron pala akong inuwi na babae. At juntis pa. Di ba ang galing ko babe, nakabuo tayo agad. Hahahaha!!! Sorry na babe ko. Sige hindi na po. Hindi na ako maghahanap ng hotbabes. Andiyan ka naman na mas hot sa lahat." Sabay kindat sa dalagang umirap lang sa kanya. "Sus, kunwari ayaw. Pero nahuhuli kitang naglalaway sa katawan ko. Bwhahaha!!" pang aasar sa kasama. "Tssseeee!!! Kainis ka talaga. Madalas mo akong asarin. Hindi mo talaga ako love." Nakapout niyang reklamo. "Anong hindi. I super love you. Ikaw at ang magiging baby natin. Love kaya kita kaya lang ang suplada mo." Naka pout din na wika ni Yana. Natatawa naman si Alexis sa dalagang nagpapacute. Kaya pinisil ang pisngi nito dahil sa panggigil sa kausap. "Nakuuuuuuuu!!! Ang cute cute mo talaga!!!" gigil niyang sabi. "Oucchhhh!!! See, sabi na hindi mo ako love eh." Naglungkot lungkutang reklamo ni Yana. "Love kita. Duling ka lang. Hahaha!! Ay hindi pala kita love. Madaminggggggg love." Pang aasar ni Alexis. Gumanti din ng pang aasar si Yana. Hindi ako duling. Ikaw ang manhid. Kaya wala kang maramdaman. Bato ka talaga! Baby di ba bato ang mommy Alexis. Naku baby ikaw na lang ang magparamdam ng love sa akin kasi ayaw akong mahalin ng mommy mo. I think mahal pa niya ang daddy mo."" Seryoso na wika nito saka napatingin sa malayo. Natahimik naman ng ilang sandali si Alexis. Ang totoo, wala na siyang naramdaman pa sa ama ng kanyang anak. Hindi niya alam pero ibang kilig ang nararamdaman niya kay Yana. Ngunit hindi siya sigurado kung paghanga lang ang lahat o totoong pagmamahal. Ito ang dahilan Kung bakit hindi niya ito masyadong pinapansin. She's not being sure about her own feelings. Simulang nagsama ang dalawa sa iisang bubong, naging malapit na din sila sa isa't isa. Kulang na lang pag-ibig para masabi mong sila nga. Ngunit may isang pares na mga mata ang natutuwa sa pagiging malapit nila. Ang matandang caretaker ni Yana. Ramdam niya na parehong may umuusbong na damdamin sa pagitan ng dalawa ngunit parehong pinipigilan ang anumang nararamdaman sa dahilang hindi niya rin alam. Dahil sa biglang pagbago ng ihip ng hangin, nag isip ng paraan si Alexis para makaiwas sila sa ganung topic. "AAwww!! Oucchhhh!!! Aaarraayyyy!!!" nakangiwing sigaw ni Alexis. Biglang tayo naman si Yana, lumapit sa dalagang nakangiwi at hindi alam ang gagawin. She's panicking. "Oh no! Manganganak ka na yata! Sandali! Upo ka ng maayos babe! Okay gayahin mo ako! Whooo! Whoo! Whoo!! Teka um... dito ka lang tatawagin ko si Manang. Uhm huwag kang umalis! Huwag kang tumayo!" bigla itong natigilan ng makitang tumatawa ang kaharap. She got up at nag crossed arms. "So hindi totoo na sumakit ang tiyan mo?" umiling si Alexis. "Hindi ka pa manganganak?" umiling ulit. "Lahat drama lang?" nakataas ang kilay nito. Kagat labing umiling ulit ang dalaga. "Alam mo bang halos himatayin na ako sa nerbyos!" napataas ang boses nito. Nakayuko naman si Alexis at panay ang hingi ng sorry sa dalaga. "I'm sorry. Naiinis lang ako sayo dahil sa pang aasar mo sa akin." Malungkot na wika nito. Dahil sa mahinang boses ng buntis, naging kalmado naman si Yana. "Okay, I'm sorry din for raising my voice. Actually, sobrang natakot ako kanina. Tsk! Huwag mo nang gagawin yun ha." Tumango tango naman ang dalagang naka pout pa. Yana chuckled then she pinched the tip of Alexis nose. "Eeiiii, ang shakit ng ginawa mo. Hindi mo na kami love." Si Alexis. Lumuhod si Yana saka inakap ito at hinagkan ang kanyang malaking tiyan sabay sabing.... "I love you...both..." pabulong niyang sabi... "Ano sabi mo?" tanong ng dalaga. "Sabi ko halika na at magtatanghali na." palusot niya sa dalaga. Kaya inalalayan ang buntis na makatayo papasok ng bahay. "Dahan dahan lang penguin." Biro nito. "Penguin? Dahil malaki ang tiyan ko penguin?"Naiinis na sambit ni Alexis. "Ikaw ang pinaka magandang penguin na nakilala ko. Tsuuuppp muahhhh!" she kissed Alexis forehead. Lingid sa kanilang kaalaman, kanina pa kinikilig ang kanilang caretaker dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa. "Gutom ka na ba?" Tumango naman si Alexis."What do you want then?" "Gusto ko yata ng ice cream babe." "Di ba sabi ni Dok bawal ang malamig at matamis?" "Eii babe kahit kunti lang. Sige na babeeee. Di ba sabi mo super love mo ako." Pagmamakaawa nito sa dalagang akap akap niya sa bewang habang naglalakad papasok ng bahay. Bumuntong hininga na lamang si Yana. Yes, wala na siyang magagawa kapag ito na ang manlambing. Pagdating sa loob ng bahay, naupo sa couch si Alexis. Si Yana naman kumuha ng hinihingi ni Alexis sa kusina. Pagbalik niya sa sala bitbit ang ice cream, napansin niya na nakatulog na ang dalaga. Bumalik ulit sa kusina upang ibalik sa freezer ang kinuhang ice cream at bumalik ng sala. Naupo ito sa may paanan ng dalaga saka minasahe ang mga binti nito. Narinig niya ang mahinang paghilik ni Alexis. Napapangiti naman si Yana habang minamasdan ang dalagang mahimbing na natutulog. Lumipat ito ng upo at lumipat sa may uluhan ng dalaga. Pinatong ang ulo ni Alexis sa kanyang lap at sinuklay suklay ang buhok nito ng kanyang daliri saka pabulong na nagsasalita. "Ewan ko ba kung bakit ako umibig sa isang katulad mo na ang puso'y umiibig lamang sa lalaki at hindi sa aming mga babaeng may puso ng lalaki. Pinilit ko na huwag mahulog sayo pero wala. Hay suwail kasi itong puso ko dahil sayo pumintig. Kaya ayan Mahal ka na daw niya. Parang kagaya sa kanta, every day I love you." 'Every day I love you! Every day I love you! Every day I love you! Paulit ulit na nagpaplay sa utak ni Alexis ang katagang iyon. Ngumiti ng mapakla ang dalaga saka umiling. Binalingan ang anak na mahimbing ng natutulog. She kissed his forehead and whispered 'I love you baby.' *********** Hindi pa tumilaok ang tandang, gising na ang dalaga at kagaya ng mga nagdaang mga araw, madalas niyang gawin ang kanyang morning ritual bago pumasok ng trabaho. Seryoso ang mukha habang ginagawa ang kanyang paboritong sit ups. Matapos ang kanyang ritual, diretso na ito sa washroom at naligo. Pagkatapos nagpakulo ng tubig, nagluto ng agahan para sa lahat, at nagpabili ng pandesal sa tindahan. Maya maya nagbeep ang cellphone nito. From Rebaldo 'Good Morning Pakner, anong makakain diyan? Wala pang niluto dito sa bahay eh. Salamat pakner.' Natatawa naman si Alexis sa natanggap na text mula sa kamahan. Hindi na nagreply pa si Alexis. Ipinagpatuloy nito ang pagluluto ng agahan. Maya't maya lang may naririnig na itong parang nag uusap na papasok ng bahay. Sinilip niya kung sino ito. Hindi nga siya nagkamali, ang kanyang kapartner na si Rebaldo ang dumating kasama ni Jenna na galing sa tindahan upang bumili ng pandesal. "Ang aga mo yata Rebaldo. Umabot ba sa kwarto mo ang amoy ng niluto ko?" nagpiprito ito ng hotdog. "Basta lutong Inspektor Miranda, malakas ang pang amoy ko." Ngingisi ngising sagot ni Rebaldo sa nakairap na dalaga. Deritso hila ng upuan at kuha ng hotdog. Hinampas naman ni Alexis ang kamay nito ng tinidor. "Ang bilis mo talaga sa mga ganitong bagay ano Rebaldo? Oh naghugas ka ba ng kamay? Baka kung saan saan mo pinanghahawak yan ha. Madamay pa kami sa bakteria mong dala." seryoso nitong sabi saka pinagpatuloy ang pagluluto. Kakamot kamot naman sa ulo ang lalaki ngunit ganun pa man tumayo pa rin ito at naghugas ng kamay. "Sino sino nga pala ang sasama upang ihatid ang mga suspetsado sa Muntinlupa?" pag iiba sa topic nilang dalawa. Humigop muna ng kape si Rebaldo bago sinagot ang tanong ng dalaga. "Rinig ko kay Chief may tatlo na sasakyan ang maghahatid. Bali convoy natin. Ikaw sasama k aba?" "Gustong gusto kong sumama dahil gusto kong makasiguro na maipasok silang dalawa sa kulungan. Pero alam mo bang kinakabahan ako. Parang may masamang mangyari sa araw na ito. Malakas talaga ang kutob ko Rebaldo. Palagay ko, may traydor sa mga kasamahan natin." Seryoso nitong wika habang gumagawa ng sariling kape. "Yan ang hindi ako Sigurado inspector pero Kung yan ang nararamdaman mo, kailangan natin mag Ingat." Wika ni Rebaldo. Pinagpatuloy naman ng dalaga ang paghahanda ng almusal. Naghiwa ng kamates, gumawa ng sawsawang maanghang pamares sa niluto nitong pritong dried fish. May maalat na itlog, scrambled eggs at hotdogs, meron ding fried rice. Takam na takam ang lahat. Sumali na rin ang Tito at Tita nito sa kanila. Habang masayang nagkukuwentuhan ang lahat biglang may humintong sasakyan sa harap ng bahay. Si Tyler.Actually, alam niyang darating ito dahil nagtext na ito sa kanya kaya hindi na siya nagulat pa. "Ty dali umupo ka na dito. Si Tim tulog pa. Pero maya maya gigising na yun lalo pa kapag malaman niyang andito ka. Nakahanda na ang lahat ng gamit nun." Si Alexis habang nilalagyan ng pagkain sa Plato ang panauhin. "Magandang unaga po sa inyong lahat." Bati nito sa Mga kasama ni Alexis. "So, is that okay if I'll have Tim for more than two days?" "That's fine. Sobrang miss ka na ng anak mo. Excited pa nga dahil sa sinabi mo na padadalhan siya ng package. Ayun laging tinitingnan ang kalendaryo." Si Alexis. "Naku, pinagkukuwento na nga sa mga kalaro." Sabad ng tiyahin ni Alexis. "Kung ganun mukhang kailangan ko bumawi sa binata ko ah. Tawagan mo na lang ako ha kapag gusto mo nang kunin Si Tim. Magtatagal pa naman ako dito dahil sa problema sa kompanya. What time ang duty mo? Ipapahtaid na lang kita para hindi mo na kailangan pa mag motor." "Walang problema. Sige tatawag ako kapag kukunin ko siya. At saka hindi na. Sasabay na ako kay Rebaldo. Ay Tyler this is my partner na always palpak Si Nathaniel Rebaldo. Nathan kailangan ko pa ba sabihin?" natatawang sambit ng dalaga. Nagkamay naman ang dalawang lalaki. "Hello Bro. Grabe ka naman magpahiya inspektor. Minsan lang ako pumalpak kaya. Tyler bro malas mo kung ito misis mo." pang aasar sa dalaga. Kaya nakatikim ng batok mula sa dalagang kapartner na ikinatawa ng lahat. "Ah ganun. Akina na yang pagkaing niluto ko. Di biro lang. O kain ka pa Tyler. Basta Ikaw na bahala sa kanya ha. Gagabihin din kasi ako." Si Alexis. Biglang naputol ang pag uusap Nila ng makatanggap ng tawag. Si Brent Chavez. Makalipas ang ilang saglit. "Rebaldo, naghihintay na sila sa opisina. Tyler ikaw muna bahala Kay Tim okay. Tita, Tito aalis na po ako. Jenna yung gamit ni Timmy ready na lahat yun." Bilin nito sa lahat at mabilis na tinungo ang silid ng anak. HEADQUARTERS Bago magtanghali, nakahanda na ang tatlong sasakyan para ihatid sa New Bilibid Prison ang dalawang nahuling suspek sa pamamaril sa dalagang si Alexis. Sumakay sina Alexis at Rebaldo sa nahuling sasakyan. Nasa naunang sasakyan naman sumakay Si Inspektor Chavez. Maraming pulis ang sumama para sa paghatid. Nakaposas ang dalawang suspek at isinakay sa pangalawang sasakyan. Lumingon muna ito sa kinaroroonan ng dalaga at ngumiti ng nakaloloko. Dito na nakaramdam ng kaba ang dalaga. "Rebaldo, text mo Si Chavez na mag Ingat at makiramdam sa mga makakasama niya sa loob sasakyan."pabulong na sabi ng dalaga. Tumango naman ang lalaki at umupo sa kabilang side. Umusad na ang tatlong sasakyan at kanya kanya silang pakiramdaman. Panay tingin naman ang dalaga sa kanyang relos. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Panay ang tinginan ng dalawa na tanging ang mga mata ang hinayaang mag usap. Makalipas ang ilang sandali nasa kahabaan na sila ng highway, Hindi gaanong matao ang lugar na ito, kinapa ng dalaga ang baril na nasa tagiliran nito. Sininyasan din ang kasama na humanda. Bago makarating sa intersection nagmenor ang naunang sasakyan hanggang sa.... Ratatattatatatatattatatatt!!!! Rattaaatttattatattatatatatt!!!! Tzing! Tzing! Tzing! Bang! Bang! Bang! Raaatattaattttattaatatat! Ito ang sumalubong sa Tatlong sasakyan. "Dapaaaaa!!!! Rebaldo!! Buksan mo ang pinto mo!!" Mabilis na nakalabas ang dalawa at nagkubli sa gilid ng sasakyan. "Chavezzzz!!!!" Sigaw ng dalaga sa kasama na nasa naunang sasakyan. "Si Inspector may tama!!" Sigaw ng kasama sa unahang sasakyan. Alexis gritted her teeth and grabbed the M-16 at nagpaulan ng putok sa mga kalaban. Ratatatattatatatatataatattt!!! Bang! Bang! Bang! "Sh!t!! Rebaldo bilis kunin mo sila!!! Diyan mo sila itago sa gilid! Rico, magtawag ka ng back up!" Utos ng dalaga sa mga kasamahan. Ratattatattaatattatatttatattat!!! Tsing! Tsing! Bang! Bang! Rattatattatat!! Mabilis naman na nailabas ng kasamahan ang sugatang binata at ang ilan sa mga kasamahan. Na kita naman ng dalaga ang ilan sa mga kasamahang hindi nailigtas sa nasabing engkwentro. "Inspector nakatakas ang dalawang suspek!" Sigaw ng kasamahan. "What?! Damn it!" Na kita niyang may sugat din ang mga Ito kaya mabilis itong nagpa sirko sirko habang nakikipag sayaw sa mga balang nagliliparan. Nakakuha ito ng pagkakataon kaya mabilis niya itong hinabol habang ang isa biglang naglaho sa makakapal na bushes. She's about to grab the guy, bigla naman itong pinag babaril. Nakipagbarilan na rin ang nasabing dalaga sa mga kalaban. Bang! Bang! Bang! Bang! Panay putok Ito habang mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng suspetsado. Para Itong Si the flash sa bilis ng pagtakbo at nagpakubli kubli sa kung saan. Bang! Tsing! Bang ! Bang! Tsing! Tsing! Ratttatatatat bang! Bang! Bang! Tsing! Biglang dumating ang Ilan sa mga back up. Tumulong na ang mga Ito sa pakikipagputukan. Nakarinig naman ng papalayong sasakyan ang dalaga. Mabilis niya itong pinuntahan, ng malamang mga kaaway ang mga Ito, sunod sunod na nagpa paputok ang dalaga ngunit mabilis ang mga itong nakalayo. Matamlay at hapong hapo na bumalik ang dalaga sa mga kasamahan. Laglag ang balikat nito ng makitang madami sa kasamahan niya ang sugatan at ang ilan sa kanila hindi nakaligtas pa. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD