Padabog na lumabas ng silid si Alexis at pumunta sa kabilang kwarto. Mabuti na lamang at naituro na sa kanya ng kanyang byenang babae ang guest room kaya alam na niya kung saan ito matatagpuan. Next door from Yana's room. Gusto niya munang alisin ang inis sa sarili bago harapin ang asawa. Palakad lakad ito sa loob ng silid. Tingin sa labas ng bintana at tanging ilaw na nagmula sa kabilang bahay ang kanyang nakikita. Balik ulit ito sa isang upuan. Pasalampak itong naupo while biting her fingernails. Ngunit ilang minuto na ang lumipas, walang Yanang sumunod sa kanya. Kaya padabog itong nagmartsa at humiga sa kama. Nakapatong ang braso sa kanyang noo at nakatunganga lamang sa kisame. Panay ang tingin niya sa orasan at sa pintuan. Ilang beses na rin siyang napatayo, uupong muli sa k

