Nandito lang talaga ’yon kanina. Sure na sure na sure ako. Lima pa nga kaming nag-check n’on bago kami tinawag ni Lolo Edgar para mag-merienda. Muli kong binuksan ang drawer at baka naman namalikmata lang ako. Wala talaga. Unan lang talaga ang nandoon. Inangat ko pa ang unan kasi baka nadulas ang mga ’yon at napunta sa ilalim pero wala. Wala talaga rito sa drawer. “Belatsang—” amak! Sa utak ko na lang tinapos ang pagmumura dahil biglang huminto si Quatro sa paghahabol kay Eli at tinitigan ako. Kumurap-kurap pa bago ngumiting-aso. Wala man siyang sinasabi, alam kong alam niyang magmumura sana ako. At hinihintay niyang kumpletuhin ko iyon para may pang-blackmail siya sa akin sa mga darating na araw. Hindi ko alam kung paano ko ’to naging kapatid. Pambihirang buhay talaga ’to! Bawal akon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


